Sa isang kwartong puno ng kalokohan, ingay at iba’t-ibang nilalang na bumabalot sa bawat isa. May isang babaeng tila hindi nakikita at tila hindi nag-eexist ang naroon sa isang kwartong iyon. Lahat ng tao dito'y maingay, nagtatawanan at lahat ay masaya lamang. Ngunit, ang babae ay walang pakealam sa nangyayari sakanyang paligid, tila wala siyang kasama at ang tanging naririnig lang niya ay ang napakalakas na musika galing sa kanyang telepono. Wala siyang pakealam kung anuman ang sabihin ng iba, basta siya tahimik na tila may kausap sa kanyang loob. May isang taong pumansin sakanya ngunit hindi siya makausap ng maayos ng mga tao dito. Tulala’t malalim ang kanyang iniisip at wala ni isa sa mga tao sa loob ng kwartong iyon ang makabasa sa kanyang mga iniisip kaya’t pinabayaan nalang nilang muli ang babae. Kinausap ko ang babae nagbabakasakaling maintindihan ko siya, ngunit wala ni isang salita ang lumabas sakanyang bibig kaya’t hinayaan ko nalang din.
Isa lang ang gusto kong mangyari’t makita… Sana, sana sa susunod may makaintindi na sakanya. Sana masilayan at muling marinig ang tinig ng mga tawa’t ngiti sakanyang mga labi at walang halong kalungkutan sakanyang mga mata. Sana bumalik na ang babaeng iyon sa dati, dating masiyahin at tila walang inaalalang problem. Alam kong magiging okay din ang lahat, magiging malinaw din sakanya ang mga bagay na gumugulo sa puso’t isip niya. Alam ko darating din ang tamang panahon.







