Paano ko isasalarawan ang aking nararamdaman
Kung ako mismo’y hindi alam kung ano ba talaga ito.
Paano ko sasabihin sa iyong mahal kita
Kung ako mismo’y hindi pa sigurado.
Paano ko bibigkasin ang mga katagang namimiss kita
Kung ako mismo’y hindi alam ang totoong nararamdaman.
Paano ko haharapin ang bawat bukas
Kung ako mismo’y nangangambang baka mawala ka.
Paano ko sisiguraduhin na magiging magkaibigan pa din tayo
Kung ako mismo’y aamin sa ating dalawa.
Paano ko malalaman ang tinitibok ng puso mo
Kung ako mismo’y natatakot malaman ang totoo.
Ang totoo na baka ako lang ang may nadarama at wala sa iyo.















