1:30pm ang pasok namin, 12:37pm kami sumakay ng tren para sure na hindi late, at buti hindi na ako naabutan ng cut off. Pagdating sa school, nagpaprint na kami nung sa suring basa (komiks) kasi ipapasa yung sa fikipino namin. Ang tagal niya talaga mag check tanders na kasi e, nagcheck din ng quiz namin nung last week, sayang talaga yung tatlong sagot ko dun e, err. Pero yaan na hayysss bawi na lang hahaha.
After nun, since maaga kaming dinismiss, nagreview na lang sa MIS kaso wala talagang pumapasok sa utak ko, lutang ata ako. Hahaha. Nadikit din pala ako sa pintura sa may tapat ng library ng coop, ayoko kasing pumasok aasarin ako, kaya nagstay ako sa labas kaso may pintura yung nasandalan ko, buti na lang kamay ko lang yung nalagyan at wala sa damit ko. Review review ulit, para kahit papano may maisagot sa exam.
Saktong 4:30pm ata dumating si sir, last minute na review pa din haha, nung nakita kong may multiple choice yung exam, nabuhayan ako ng loob haha atleast may sure na masasagot. Inuna ko rin sagutan yung mga alam ko at sure ako. Sana lang pumasa talaga.
Sa araw na may pasok kami, hindi talaga nawawala ang asaran sa amin, minsan nga pisikalan na hahahaha katulad na lang ng pagsampal? sakin ni fels kanina hahahaha. Nagulat din talaga ako e, pero hindi naman masakit. Alams na brutal talaga si fels. Kakaiba manggigil ang isang to’ Hahahaha. Na-felzoned dre. 😂😂😂