Dreammaker

seen from Malaysia
seen from Singapore
seen from Ethiopia

seen from Singapore

seen from Australia

seen from Malaysia
seen from Germany
seen from Canada

seen from Australia
seen from United States

seen from United States
seen from Russia
seen from Japan
seen from Germany
seen from China

seen from Malaysia
seen from Japan
seen from United States

seen from United States
seen from United States
Dreammaker
hiiiiii buhay pa naman is me so ayon magkwento ako ngayon kasi minsan lang ako magkwento at cute tong kwento na to kasi natouch ako sa mga pangyayari last night. tungkol to sa tatlo kong gago na kaibigan hahahah. binigyan ko na sila ng appreciation post before kaya ngayon mas lalo ko silang naappreciate. so ayun nga, diba gusto ko umalis kahapon, edi nakaalis ako at napainom sa taft sa bahay ng friend ng friend ko hahaha. akala ko nung una kaya ko pa makakauwi ako ganon strong ako hhahahhaha pero hindi e maya maya nasusuka na ko tapos nahihilo na ko. yung friend ko nauna na umalis at ako naiwan don. syempre di ko gaano kakilala mga kasama ko kaya ayoko magstay don. una pumasok sa isip ko is magpasundo ako. kaso sino magsusundo sakin e ang layo ko? anong oras na din e gabi na talaga. pero i tried pa din. nagchat ako sakanila. sa three kong guy friends. sabi ko “help” nagreply sya agad “why? anyare” sabi ko “sunduin mo ko sa taft.” bigla bigla tumawag na sya nasa cr ako non actually (buti malakas signal) tinanong nya san ako banda ganon. sabi nya agad na susunduin nila ako magkita kami sa vito cruz station. ang layo nga nila e nasa españa sila pero di sila nagdalawang isip na sunduin ako. edi sinabi ko yun sa kasama ko at pumayag naman sya na ihatid ako sa kikitain namin. sya na yung mismong nakipagcommunicate kasi ang lakas na talaga ng tama ko. maya maya, andon na kami sa vito cruz. kita ko agad yung kotse nila. nagpaalam na ko sa kasama ko at sumakay na sa kotse. sumandal agad ako kay M (lagay ko na yung initials nila para masaya) tapos sabi nya “Gaga ka ano nanaman pinaggagawa mo.” tapos si R yung nagdrive tapos katabi nya si V. di ko na talaga maalala kung ano yung mga nasabi ko sa buong byahe. tanong ko na lang sakanila next time jusq kabado nga ako e hahahahaha. pagdating namin sa condo nila sa españa, pinahiga na nila ko sa kama. sabi ko sakanila na uuwi ako iiglip lang ako saglit. ayaw nila ako pauwiin. kasi daw delikado at malayo pa kasi inuuwian ko. subukan ko na daw magpaalam kay papa. lalabas lang daw silang tatlo saglit. edi paglabas nila i texted my dad na kung pwede ako magsleepover dun for the night kasi totoo naman, delikado paguwi. buti pumayag si papa. edi good na dun na ko magsleep. nakaiglip na ko ng biglang sumasakit na yung tyan ko. masama kasi sakin magutom at di pa ko kumakain simula nung uminom ako kaya ang lakas agad ng tama ko. pumasok si M sa condo tapos tinanong nya “ano pwede ka na dito magsleep?” tumungo ako. then sabi nya “buti naman. gutom ka ba? kumain ka ba ha? masama sayo magutom diba.” edi sinabi ko yung totoo na di pa ko kumakain. then sabi nya “wait ka lang dyan ha papadeliver ako pagkain.” edi maya maya meron na kong tapsilog! hahahahaha. tapos sumunod na pumasok sila V at R. kinakamusta nila ako sabi ko okay lang syempre kahit medyo masama pa din ang feeling ko. binigay sakin ni M yung isang pilllow nya tapos wala silang extrang kumot e ang lamig kasi bukas ang aircon. gulat ako nang kinumutan ako ni R ng long sleeve polo nya. ang cute diba :(( tinanong nya din kung ano gusto kong foods kasi alam nga nilang lahat masama sakin magutom. sinabi ko shawarma kaso sarado na daw bilihan e sabi ko kahit ano na lang hahahaha. nakaiglip ako ulit, paggising ko may siomai with rice na ko!! ahahahahah. ang spoiled ko ng slight sakanila :(( binigay sakin ni M yung isang bottle ng tubig tapos naubos ko yun agad. gusto sana bumili ni V ng gamot for me kaso sabi ko di na kailangan magiging okay din ako mamaya. bago ako makatulog ng diretso, narinig ko si R na nagu-ukelele. pinatay na nila yung ilaw tapos yung ilaw lang sa may balcony yung parang lamp namin. hanggang sa makatulog na din ako. ayun, maaga ako umuwi kanina pero di pa din mawala sakin yung pagaalaga nila sakin last night. nakakatouch lang talaga. minsan lang ako makaranas ng ganon yung mafeel sakin na special ako at dapat alagaan kasi kadalasan ako yung ganon sa mga kaibigan ko. sobrang thankful ako sakanila kung wala sila kagabi di ko na alam ano na pwede mangyari sakin jusko hahahaha. nagaalala syempre yung mga girlfriends ko lalo na si Maria hahaha thankful din sila kasi andyan nga daw yung tatlo pag wala sila. i feel so loved last night. kaya thank you ulit, mga gago. *hugs them*
P.S. naappreciate ko pa din sila kahit ang dami nilang alarm kaninang madaling araw at walang nagising maski isa sakanila. ako pa yung nagising at syempre nahirapan ako makatulog ulit dahil don my gahd!! hahahaha
May 12th
Yüreğini sevdim cancağızım, daha sözüm yok.
HI HATERS!
Maluma | Instagram Stories 12.05.2017