Malayo, Malapit
Sa bawat paglaban sa mga katwiran Sa bawat paliwanag sa alam mong katotohanan Kailan kaya madaratnan Ang puwang na ikaw naman ay maintindihan
Sana hindi mo nalang isipin Ang kanilang iisipin May sabihin ka man o wala Ang sitwasyon ay patuloy na lalala
Pigilan ang iyong sarili Habaan lang ang pasensya sa sinasabi Hindi ka naman ganyan dati Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?
“Konting tiis pa,” ang sabi sa sarili Pero ang kirot sa puso ang naghahari Masaya naman paminsan-minsan Pero bigla nalang binibisita ng kalungkutan
Kalungkutang hindi maipaliwanag Ano ba ang maling naaaninag? Lagi nalang may palpak Ang mga kilos at galaw, hindi na tumpak
Anong nangyari sa iyo? Hindi ka na dapat magpaapekto Isa lang naman kasi ang hiling ng puso Na sana hindi na lumayo ng lumayo Ang loob ng mga taong malapit sa iyo
Malayo man o malapit Hindi na naalis ang sakit Siguro susukuan ko nalang makipaglaban Baka sa ganoong paraan ang mga sugat ay mabawasan











