Physically, lahat siguro hahaha, charot, de pero syempre love yourself diba, so you can love others. hihi. De pero sa totoo lang I love myself as a whole. Yung kabuuan nito yung love ko, pero if I'll choose the most i like syempre yung mga bagay na they most complimented. Like my cheeks. Rosy daw kasi. Pero lately ko na napansin. There were a times na may mangilan ngilang nagtanong sakin kung ano daw sabon ko etc. Na kapag nagkaroon daw sila ng anak gusto ganun din. Sunod is my hand siguro. I have long fingers and nails kasi na parang pangbabae. Tsaka yung height at skin ko siguro. Syempre matangkad at may kaputian din naman. Yun na lang baka maging narcistic na ako sa post na to. haha Kung love about myself naman as an individual and as a man, siguro yung pagkawala ko ng bisyo, wala akong dota, sugal, droga karahasan, sexual.. ay iba na pala yun hahaha. Pagtungtong ko na rin ako ng bente uno nakapaginom pero occasionally lang. Masaya na ako na hindi ako naging ganun kasakit sa ulo ng magulang ko, na makakapagtapos ako ng pag-aaral at magiging proud sa akin ang pamilya ko. Yun love ko yun about myself. May mga kaibigan kasi ako at kamag-anak na di na nakapagtapos, nalulong na sa bisyo, nakapag-asawa ng maaga and the like. And thankful ako na di ako nagkaganun. Achievement ko yun para sa sarili ko. 😁