#6 Kandila Sa Baso
*the theme in Spoken Word Poetry contest in Kumu that I had seen days before the contest itself and I came up suddenly how to use the title and what content I will put in it even though I did not join the contest. I also used that theme to be my opportunity to compose and add it to my poetry compilations. hope u like this though it is in Filipino language: Nang makilala at makasama kita, Sa ilang buwan pa lang na iyon, Napaniwala mo ako na matino ka, At hindi ka gaya ng ibang lalaki, Na salawahan at manloloko. Dumating pa ang ilang buwan, Naging tayo pero hindi din nagtagal, Dahil sa hindi ka nakuntento, Naghanap ka ng iba, tapos nag-usap tayo, At humantong sa tayo’y nagkabalikan. Sa ating pagbabalikan, Inakala kong hindi na ko masasaktan, Subalit nasaktan pa din, Sapagkat niloko mo lang pala ako, Ginamit at pinaglaruan ang puso ko. Nang dahil diyan ay maihahalintulad ko, Ang kasalanan mo sa upos ng kandila, At ikaw ang kandila na nauupos, Samantala, ako naman ang natuluang baso, Na sa katagalan ay magkakalamat din. Kaya ko naihambing ang kasalanan mo, Sa upos ng kandila na unti-unting tumutulo, At pumapaso sa akin ay ganoon kabigat, Ang patuloy na paglalaro mo sa damdamin ko, At tila unti-unti mo pinapatay ang aking puso. Ang paglalaro sa aking damdamin, Sa pamamagitan ng pinagsabay mo kami, Nang iyong babae na ipinalit mo din sa akin, Sa bandang huli at saka mo lang inamin, Noong nabuking ka na at wala ng maitago pa. Inamin mo lang siya sa akin, Noong ilang araw at linggo pa, Bago tayo tuluyang nagkahiwalay, At hindi na muling nagkabalikan pa, Dahil ayoko ng muling masaktan mo. Ganyan kasi kasakit ang pakiramdam, Nang matuluan ng upos ng kandila, Na tuluy-tuloy tumutulo sa baso, Sa baso na kay rupok at mabilis mabasag, Dahil sa nagawa mo sa akin noong tayo pa. Copyright © 2021 BALOCSIN






