Soon but not this time...
Soon, I will be leaving and not come back anymore on this blog. Sorry for the people I follow here. I am not happy anymore here this past few months until now, whatever my valid reason is, it will just remain on me.
One Nice Bug Per Day

oozey mess
Show & Tell
taylor price

#extradirty
Color Me Curious
Not today Justin
Monterey Bay Aquarium
Phantogram Three
almost home
𓃗

No title available

No title available
ojovivo
The Bright Sessions
occasionally subtle

tannertan36

ellievsbear
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

seen from United States
seen from United States
seen from Thailand

seen from United Kingdom

seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from France
seen from United States
seen from Bangladesh

seen from Poland
seen from Netherlands

seen from Türkiye
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Poland

seen from Colombia
seen from Türkiye
seen from United States

seen from United States
@thelittlepoetworld
Soon but not this time...
Soon, I will be leaving and not come back anymore on this blog. Sorry for the people I follow here. I am not happy anymore here this past few months until now, whatever my valid reason is, it will just remain on me.
#101 THE GLOBAL VISUAL
(Dedicated To: HORI7ON Reyster)
handsome guy
cat lover
rapper and
balladeer who
loves somersault.
when he
smiles you
will smile
too and
already engraved.
Copyright 2021 © BALOCSIN
Disclaimer: This is a two word poem with just two stanzas.
#100 MGA SINDIKATONG MULTO
(Requested by: my ex-Anchor friend & former Tiktok follower)
(With the help of: Irish Armada, my fellow Anchor)
May ibang lugar na pinagkakitaan,
Nang hindi tama at pinerahan lamang,
Kahit ito naman ay mabilis masira at magiba,
Sapagkat hindi ginamitan ng matibay na materyales.
Ang iba pa nga ay hindi natapos at iniwan lang,
Ng nakatiwangwang kaya lalo pa nagbabaha,
Sa aming syudad na imbes linisin ang mga imbornal,
Ang ginagawa pa nga ay tinataasan pa ang kalsada.
Dahil sa pagtaas ng kalsada ay iyong dating maayos,
At hindi binabaha ay binabaha na ngayon,
Kasi nakita naman na nila na maayos kalsada,
Pero dahil wala maisip na proyekto kaya sinisira nila ito.
Pinagmamalaki ng aming lokal na pamahalaan,
Ang gagawin na proyektong pangngontra sa baha,
Pero wala kami makitang resulta patungkol diyan,
Dahil sa kinurakot at pinaghatian na nila ang pera natin.
Copyright 2021 © BALOCSIN
Disclaimer: This requested poem is related to Flood Control Project issue lately here in the Philippines.
#99 PAGOD NG UMUNAWA
(Tulang Ipinasa Sa: Pilantik ng Panulat)
(Paksa: Sagutin Ang Tanong Na “Kamusta Ka?” Sa Pamamagitan Ng Pagra-rant o Pagrereklamo)
Palagi ka na lang huli dumating,
Sa ating oras na napag usapan,
Doon sa lugar napiling pagkikitaan,
At pagpapasyalan nating dalawa.
Inunawa ka nung unang nahuli ka,
Nang pagdating sa aming bahay,
At kahit sa pasyalang pupuntahan,
Ngunit nagmalabis ka sa unawa ko.
Minsan akong nagreklamo sa iyo,
Patungkol dyan pero 'kaw pang galit,
Na parang naga kaya kahit yamot,
Hinayaan na lang kita't 'di na kumibo.
Copyright 2021 © BALOCSIN
#98 WALANG IWANAN
(Dedicated To: HORI7ON and ANCHORS) Sa mata ng bagyo tayo’y nandoon, Kasama ng ating sinusuportahan, Kung saan dinadaanan natin ito, Habang naglalayag kasama sila. Sobrang hirap man sa atin ito, At kahit masakit ay hindi susuko, Kundi sama-sama nating lalabanan, Hanggang malagpasan kasama nila.
Copyright 2021 © BALOCSIN
#97 Damdaming 'Di Makapiglas
(Inspired by: My Golden Blood BL series) (Porma ng Tula: Malayang Taludturan) May nadarama para sa iyo, Pero hindi ko maipahiwatig, Pinigil at tinago ang pag ibig, Simulang naramdaman ito, Dahil magkaiba ng sitwasyon. Kung saan ang taga-bantay, 'Di maaaring mahulog ng todo, Ang kalooban sa binabantayan, At pinoprotektahan sa kalaban, Upang hindi siya nito masalakay. Subalit hindi na niya kinaya, Ang nararamdaman ng puso, Para sa taong tinitibok nito, Kaya naman ang 'di makapiglas, Ngayon ay tuluyan ng nakalabas. Copyright 2021 © BALOCSIN
#96 The Girl Who Lost Her Soul
Slandered Shattered Hurting Grudging Ensuing from slandered and shattered heart Screams so loud of hurting, grudging part. Unlighted Depressed Crisped Hardened Groping in the Unlighted, Depressed man She became Crisped, Hardened human. Copyright 2021 © BALOCSIN —————————————————————————————— Type of Poem: Tyburn How to make Tyburn? 1st Line 2 syllables 2nd Line 2 syllables 3rd Line 2 syllables 4th Line 2 syllables 5th Line 9 syllables 6th Line 9 syllables *1 & 2 Lines dapat kasama sa 5th Lines *3 & 4 Lines dapat kasama sa 6th Lines *1 to 4 Lines- words that rhymed *DISCLAIMER: Just because I have made it two stanza which I based on Sara Teasdale's Tyburn poem that has second stanza, that's why the rules on first stanza are also applicable to the next stanza. A Tyburn poem typically has one stanza of six lines.
#95 GAHAMAN AT INGRATO
(Tulang Ipinasa Sa: Pilantik Ng Panulat) (Paksa: Sinira Kong Sandalan Na Malimit Kong Nasasandalan) Ninais mo maki-sanib pwersa sa isang istasyon, Para sa plano mong bumuo ng grupo, At pumayag sila kaya tinulungan ka nila, Kaya natuloy ang paligsahan ng matitirang pito. Matapos ang patimpalak at may nanalo na, Dumating na ung araw na sila’y ipinakilala, Nagkaroon ng konsyerto at iba pang aktibidad, Na nagbigay ng kita sa kompanya mong maliit. Kailan lang ang ganda pa ng pakikitungo mo, Ngunit hindi nagtagal ika’y naging gahaman, At sinira ang napagkasunduang hati sa kita, Kaya ang nagdudusa ay ang pitong nanalo. Copyright © 2021 BALOCSIN —————————————————————————————— *MGA DAPAT SUNDIN SA PAGBUO NG PIYESA NA IPAPASA: -Humabi ng piyesa na nakabase sa anyo ng tula na nais ninyo. -Lapatan ng angkop na tayutay -Ang bilang ng pamagat ay nakabase sa inyo. -Isang anyo lamang ng tula ang maaaring ilapat at hindi maaaring paglahukin ang dalawa o higit pa. Ang sino mang lalabag dito ay ituturing na malaking paglabag sa mechanics.
#94 SALAMAT AKING KAIBIGAN
(Tulang Ipinasa Sa: Pagsulat Aking Sandata) (Tema: Ikaw Ang Palagi) Sa mga nagdaang taon ako’y dumanas ng hirap, Dahil sa taong nagdulot ng bigat ng aking loob, Simula noong iniwan sa ere ng nag-iisa, Dumating ang kaibigan na tunay na dumamay sa’kin. Kaibigan na hindi ako iiwanan ng mag-isa, At hindi hahayaan na nag-iisang naghihirap, Kumpara sa isang tao na tinuring kong kaibigan, Pero nang sangkot na siya ay nang-iwan nalang bigla. Magmula pumasok siya sa panahong hirap ako, Gumaan ang dala dala ng pusong nabibigatan, Na sanhi ng paglubog ko sa kumunoy unti unti, At muntik ‘di makaahon sa kinalulubugan ko. Ikaw na dumamay sa’kin at hindi ako iniwan, Sa panahon na kailangan na kailangan kita noon, Nandiyan ka lang palagi para ako ay samahan, Kaya maraming salamat sa’yo na aking kaibigan. Copyright © 2021 BALOCSIN ————————————————————————— *Mechanics: Apat na Saknong, Apat na taludtod Malaya ang kalahok sa gagamitin ng tugmaan o pantigan. Only Filipino Medium 1-4 words for the title
#93 PAMAALAM AT PANIMULA
(Tulang Ipinasa Sa: Poetry Studio) (Category: Tanaga 1; Pagsulat ng Tulang Tanaga) Sa umpisa ng taon, Ang malungkot na kahapon, Na tumigil at yumaon, Puso ko ay tumalon. Copyright © 2021 BALOCSIN ------------------------------------------------------------------------------ *Mechanics: -General Theme: Bagong Kabanata -Paksa: Bagong Kabanata -Saknong: 1 -Taludtod: 4 -Bilang ng pantig: 7 kada taludtod -Tugmaan: AAAA **Simpleng hamon: 1. Bawal makita ang salitang "Bago" "Bagong" "Kabanata" 2. Gawing Double bladed ang inyong piyesa.
#92 UNOS AT ANGKLA
(Dedicated To: HORI7ON and ANCHORS) Ang paboritong barko ay naglayag sa karagatan, Upang lakbayin patungo sa kaniyang destinasyon, Habang siya’y naglalakbay ay may undos na parating, Sa kanyang paglalakbay ng ‘di niya inaasahan.
Hanggang sa dumating na nga ang mapaminsalang bagyo, Pero ito’y malayo pa sa kaniyang daraanan, Kaya may panahon siya na huminto sa daungan, At mailubog ang angkla nito sa kailaliman.
Matapos ito’y ilubog at maitali ang lubid, Sa pagtatalian nito, naramdaman na ang unos, Dahil sa tulong ng angkla kahit matindi ang alon, Kinakaya pa din nitong kumapit kahit hirap na. Copyright © 2021 BALOCSIN Disclaimer: Blank Verse poetry na sana ito pero dahil sumobra ng bilang imbes sampu para maging iambic pentameter ay naging 16 total niya tapos imbes puro malakas at mahina na consonants ay nasamahan ko pa ng vowels. Kaya baka maging Free Verse na lang siya na kind or type of poetry, subok na lang uli ako next time gumawa ng Blank Verse. hehehe...
#90 HIKAHOS
(Tulang Ipinasa Sa: KBN S3, Pangalawang Laban) (Tema: Mga Anghel Na Walang Langit) (Paksa: Mga Basâng Sisiw sa Tag-araw) Dati ako ay sagana sa pera dahil may KITA, KITAng pangkabuhayan at palaging TUMATAGAKTAK, Sa mga mamimili ang aking panindang TAGAKTAK , Gaya ng damit panloob kaya ako’y NAKAIPON. Dahil NAKAIPON naman para sa aking KAILANGAN, KAILANGAN sa hinaharap upang ako’y may MAGAMIT, MAGAMIT sa panahon ng delubyo’t SAKUNA, SAKUNAng ‘di maiwasan kung kalikasan may GAWA. GAWA nating mga tao kaya PINAPARUSAHAN, PINAPARUSAHAN tayo sa ating PAGKAKASALA, PAGKAKASALANG siningil sa matinding UNOS, Ang UNOS na dahilan kung bakit ngayon ay HIKAHOS. Copyright © 2021 BALOCSIN ————————————————————————— *Mechanics: Titulo - 1-3 Saknong: 3 Taludtod : 4 kada saknong Pantig: 16 hanggang 22 kada taludtod Tugmaan: ABAB CDCD EFEF
Hamon: —Lagyan ng estilong ANADIPLOSIS ang kabuuan ng tula.
#89 HAMON NG PANGARAP, NIYAKAP
(Tulang Ipinasa Sa: Yakap Salita S4 ) (Paksa: Bakit apat ang gulong ng "jeep") Noong nag-aaral pa ay akin ng niYAKAP, Na ako ay wala ng tyansa pang makasali, Sa mga iba't ibang laban ng kahusayan, Dahil ako ay hindi pinapayagan noon. Kaya 'di ako noon pinayagan sumali, Baka daw kasi hindi ako makapag-aral, Nang mabuti sa mga mahalagang aralin, Kung sasali ako sa paligsahan ng galing. Nang biglang dumating ang pagkakataon sa'kin, At mararanasan ko na din ang makasali, Sa mga patimpalak ng mga kakayahan, Dahil sa isang taong nakilala ko noon, Kaya aking dinanas ang makipagtagisan. Ngayon, ako'y patuloy na nakikipaglaban, Kahit na minsan ako'y talo sa tunggalian, Hindi ako susuko hangga't kaya ng utak, At tuloy lang ang laban ang dapat na SALITA. Copyright © 2021 BALOCSIN —————————————————————————— *Mechanics: 1. Paksa: Bakit apat ang gulong ng "jeep" (Huwag gawing literal) 2. Bilang ng Saknong: 4 3. Bilang ng Taludtod: 4 4. Bilang ng Pantig: 14 hanggang 24 kada taludtod 5. Tugmaan: AAAA BBCC DEDE FGGF 6. Bilang ng Salita sa Titulo: 4 lang 7. FILIPINO Medium
Hamon: YAKAP ang pinakaunang salita, SALITA naman ang pinakahuli sa kabuuan ng tula. **Disclaimer: Hindi ko na sinama sa tula ko ung Tugmaang AAAA BBCC DEDE FGGF na kasama sa mechanics kasi hindi na kinaya ng utak ko kahit ilang beses ko pa sinubukan, wala talagang mapiga kaya kung ano lang kinaya ko ay un lang sinunod ko.
#88 PAGHIHIGANTING HINDI NAGTAGUMPAY
(Tulang Ipinasa Sa: TULA LANG) (Panlahatang Paksa: “Ang Paghihiganti”) May kaibigan ako noon na akala ko ay totoo, Kaya siya ay tinuring ko na matalik sa akin, Dahil sa buong alam ko hindi siya magbabago, At hindi iba ang kanyang pakikitungo’t pagtingin. Hanggang dumating ang oras na siya’y nag-iiba na, At dahan-dahang lumabas ang tunay niyang ugali, Na abusado’t mayabang sa gaya kong mahihina, Hindi marunong lumaban sa gaya nyang mapang-api. Sa katagalan ako ay sumabog ng parang bulkan, Dahil sa sama ng loob ko sa kanya na naipon, Dulot ng aking pagtimpi sa kanyang kapalaluan, Nang kanyang pang-aapi na aking sobrang kinapikon. Kaya naman sumagi sa isipan ko ang gumanti, Sa ibang paraang alam ko na siya’y masasaktan, Kung paano sinaktan ay iyon ang aking bawi, Ngunit kahit naisip ‘yan ay hindi ko kinayanan. Copyright © 2021 BALOCSIN —————————————————————————— *Mechanics: - Gumawa ng tula na may apat (4) hanggang anim (6) na saknong at may tig-apat (4) na taludtod. - Malaya kayo sa bilang ng PANTIG (syllables) pati na rin sa Tugmaan. - Tagalog/Filipino lamang ang midyum na gagamitin. - Walang estilong gagamitin para sa pagkatha ng tula. - Para sa titulo, ISA hanggang tatlong (1-3) SALITA lamang po!
#87 KAKAIBANG PALASYO (Tulang Ipinasa Sa: Kuris Balangaw Neverland S3, Unang Laban) (Tema: Mga Anghel Na Walang Langit) (Paksa: Kahariang Walang Nasasakupan) Marami sa atin ang walang tirahan at nasa kalsada Kaya naman silang mga mahihirap ay nasa sa labas Simula pa lang nang sila’y isilang sa mundong walang awa At masalimuot kaya marami ding naligaw ng landas. Ngayon ay ganyan pa din ang kalagayan dinaranas nila Mga hari’t reyna na walang palasyo at mga utusan May nakapaligid pero hindi tao kung hindi basura Ang kasama nila sa buhay magdamag pinamumunuan. Sa tuwing ako ay lalabas ng bahay sila’y makikita Doon sa lugar na magkakaiba kong laging dinarayo Minsan pa nga’y sila ay sasalubong sa nilalakaran mo Upang mamalimos sa’yo ng pagkain o lalo na pera. Copyright 2021 © BALOCSIN ------------------------------------------------------------------------------ *Mechanics: Titulo- 1 to 3 Saknong- 3 Taludtod: 4 kada saknong Pantig- 16 to 18 kada taludtod Tugmaan- AABB CCDD EEFF Hamon: Ang bawat saknong ay dapat makitaan ng isang pares ng ANAGRAM. **Disclaimer: Hindi ko na sinama sa tula ko ung ANAGRAM na kasama sa mechanics bilang hamon kasi hindi na kinaya ng utak ko.
#86 ‘DI PWEDE
Mahal kita, Vin Ngunit ‘di tayo pwede, Minamahal ko. Copyright © 2021 BALOCSIN
*Disclaimer: This is just pure fan fiction of my favorite ship in HORI7ON that was created by my fellow Vinster fans.:)
#85 SA KANYANG PAGKAKULONG
(Paksa: Wika, wika, paano ba lumaya) Simula noong panahon ng Kastilang mapang-abuso, Wala na tayong laya sa kanilang pang-aabuso, Na istilong pamumuno nila sa atin na aba, Na mga dukha’t tanga sa kanilang paniniwala. Nang malaki na si Rizal ay maliwanag sa kanya, Ang maling pagmaltrato sa kanyang mga kababayan, Gaya ng sinasabihan sila ng mga Kastila, Na sila ay mga Indyo sa ating sariling bayan. Sa hindi katagalan ay napili niyang tumaguyod, At gumawa na ng daan para makipaglaban siya, Sa mga prayleng Espanyol na pinunong mapangmata, Habang pinapahirapan ang mga hindi susunod. Kanya nang sinimulan ang paglaban sa mga ito, Sa paraan ng pagsulat patungkol sa pang-aapi, Subalit ito’y umabot sa namumuno na pari, Kaya naman siya kinulong sa Moóg ng Santiago. Copyright © 2021 BALOCSIN *Disclaimer: May binago lang ako konti sa orihinal na ginawa at pinasa ko sa ME Publications para sa wricon ng Filipino Poets in Blossoms nung nakaraang linggo. Sa bagong edisyon na ito ay hindi ko na sinunod o inalis ko na ung ibang nasa mechanics at tinira ko na lang na nasa mechanics na andito sa bago ay ung 4 hanggang 5 na saknong lamang, na may labing-anim na pantig(syllables) at mayroong 8/8 na sesura(break or pause) kada taludtod. Ginawa ko ito baguhin para lamang hindi masayang pinaghirapan at oras ko gawin ito saka para masama sa pangatlong poetry compilations ko. Nagandahan kasi ako sa kwento laman ng tulang ginawa ko.:)