UPUAN AT BERANDA
Una kang nakilala at nakita sa eskwelahan, Ako ay humanga na sa iyo, Lalo pa’t nakita kang sumayaw, Ang puso at tainga ko ay nagtatalon sa tuwa, Na sinasabi nito at ng mga mata ko ay, Ang galing-galing naman nia at gwapo pa. Hanggang dumating ang araw, May eksena na hindi ko inaasahan, At iyon ay nang isinigaw mo ang “I LOVE YOU”, Habang ikaw ay nasa may beranda ng ating eskwelahan, At ako naman ay nasa upuan sa baba, Oo, aaminin ko kinilig ako ngunit nilabanan ko ito. Bakit? Sapagkat ayaw ko maulit ang nakaraang pagkakamali, Sapagkat natakot ang puso ko na muling mapahiya, At masaktan na naman ng todo kaya ayaw ko paniwalaan, Ang iyong isinigaw, dahilan din kung bakit hindi ko pinangunahan, Ang aking nararamdaman kahit namamatay na ako, Sa sobrang kakiligan dahil unang beses palang iyon aking naranasan. Kauna-unahan kong beses na maranasan, Na iyong tao mong hinahangaan ay ipinagsisigawan, Na mahal ka niya pero dahil sa takot hindi mo pinatulan, At pinaniwalaan agad-agad o ni hindi mo maamin sa sarili mo, Na parang gusto mo na maniwala sa kanya pero wala kang pwede pagpilian, Dahil saan ka man lumugar ay masaktan at masasaktan ka lang. Ilang beses mo nang inulit ang iyong nararamdaman, Para sa akin at ipinaalam mo pa ito sa pangulo ng organisasyon, Na ating kinabibilangan bagamat magkaiba tayo ng organisasyon, Na sinalihan pero iisa lang ang namamahala sa atin, At hindi ka niya pinayagan ngunit sa kalooban ko kinikilig pa din ako, Kahit pigil na pigil na ako sa aking nararamdaman para sa iyo. Nakapagtapos na lang tayo pareho sa mga kurso, Na ating napili at tinapos nang hindi ko pa din naamin, Sa aking sarili na nahulog na ang loob ko sa iyo, Dahil pilit ko ito itinago at pinigilan upang hindi ako lubos, Na masaktang muli sa ikalawang pagkakataon, Ngunit kahit ganoon, kahit panandalian lamang ay naging masaya naman ako. Copyright © 2020 BALOCSIN










