April 17, 2014 (huwebes santo);
12:25pm
Nung martes (4/15/2014) ako yung aguador. Maghapon-magdamag akong matyagang nagpatubig at nagibig. Kaya ayun, sumakit ng bongga ang aking katawan. Magdamag pa akong dilat, pero bandang alas-dos ng madaling araw hindi ko na talaga kinaya kaya nagpapalit muna ako kay mama sa pagpapatubig.
Nagising ako 5:30a.m. pasado na, hindi ko namalayan ang oras. Dama ko pa rin ang sakit ng katawan ko. Pagkatapos kong i-reading yung metro ng tubig umuwi agad ako para matulog ulit sana pero hindi, Hindi ko nagawa dahil sobrang sakit ng katawan ko at sobrang init pa. Kaya pagdating ng tanghali, yung sakit ng katawan ko, dinaan ko na lang sa paglalaro ng basketball.
Pagdating ng gabi, pagkatapos ng hapunan, diretso ako sa computeran. Puyatan ulit ako ngayon kasi nakaduty kami sa pagroronda sa lugar namin (volunteer para maimplement yung curfew chuchu, para may silbing kabataan naman kami). Umuwi kami mga 3:30am at nagising ng mga 5:30am at hanggang ngayon ay gising pa para isulat lahat ng nangyari sa akin simula nung martes.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
3:53pm
Naba-badtrip ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong phone. Simula kasi nung nadukot yung phone ko last year (december, 2013), hindi na ako nag-insist na magka-phone ulit. Hindi ko naman kasi akalaing dadating ang mga pagkakataong tulad nito na magkakaroon ng kalandian at kailangan kong makipagusap. BADTRIP! Pero hindi naman sa nagiging maluho na ako, pero alam ko naman na kahit papaano ay kailangan ko rin talaga magkaroon ng cellphone. Pero alam ko ang kapasidad namin, naaawa na tuloy ako sa sarili ko.
Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Malungkot lang ba talaga ako? Kung tutuusin dapat hindi na eh, answered prayers na ako sa future ko, paghihirapan ko na lang. Nakapasa na ako sa entrance exam at nakakuha pa ng scholarship. *take note: DOST Scholarship. Sapat na para masuportahan yung financial needs ko sa pagaaral sa college. So ano pang pinoproblema ko? pansariling kaechosan ko lang to at kulang sa pansin.




















