Masaya akong gumising ng alas nuwebe ng umaga dahilan na rin sa may nakalaan na pupuntahan ng alas tres sa may Quezon City para sa orientation at contract signing.
Umalis ako ng bandang alas dose y media, dahil sa naisip ko na sasakay naman ako ng MRT kaya makakarating ako sa oras na nakatakda. Wala namang aberya na naganap kaya nakarating ako nang nakatakdang oras.
Pagdating ko doon ay nagtanong ako kung saan ako pupunta para sa aking orientation. Tinuro ako sa kabilang kwarto at sabi ay umupo lamang daw ako. Naghintay ako ng isang oras hanggang sa mapansin ako kung orientation din daw ang ipinunta ko. Ibinigay sakin yung checklist ng mga requirements para pagsamasamahin. Kasama ko na rin pala sa kwartong iyon ang aking makakasama sa opisina. Dalawang babae yung kasabay ko. Tahimik akong nag aayos ng mga papel ko, kinausap rin ako ng mga makakasama ko para daw pagdating namin sa opisina, kilala na namin ang isa’t isa. Aileen, ay Myca ang pangalan nila. Tinignan nila ang resume ko.Tinanong ni Aileen ang edad ni Myca, “bente uno” ang sabi nya. Tinanong din ni Aileen ang edad ko, ilan taon ka na? “Bente kwatro”, ang sabi ko. “Okay lang ako rin naman, mukha ka namang fresh grad eh kaya okay lang’. Natuwa ako syempre. Tinanong din nya kung ako daw ba yung nasa litratong ipinasa ko, syempre ako ‘yun. Ako nagpasa nga diba? :) Mas mukha daw kasi akong fresh sa personal.
Ibinigay na ang orientation pagkatapos ipasa ang mga papel. Sabay binigay na rin ang pinakahihintay kong kontrata. Nabanggit kasi na mas mataas ng isang level ang sweldo ko dun sa dalawa kasi mas may experience daw ako pagdating sa trabaho. Pagkabigay ng kontrata, napangiti ako kasi halos kasing laki lang nung sa dati kong trabaho pero alam kong hindi ako mas-stress ng masyado dito sa bago.
Masaya ako kasi binigyan ako ng pagkakataon ulit na makapagtrabaho. Sobrang pinagdasal ko na sana makahanap na ko ng trabaho kasi sobrang gulo na ng isip ko at sobrang dami na ng naaapektuhan sa paligid ko.
Pagkatapos pumirma ay umuwi na kami at ako, dumiretso ako ng Baclaran para magsimba at magpasalamat dahil alam kong Siya yung dahilan ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon.










