#95 GAHAMAN AT INGRATO
(Tulang Ipinasa Sa: Pilantik Ng Panulat) (Paksa: Sinira Kong Sandalan Na Malimit Kong Nasasandalan) Ninais mo maki-sanib pwersa sa isang istasyon, Para sa plano mong bumuo ng grupo, At pumayag sila kaya tinulungan ka nila, Kaya natuloy ang paligsahan ng matitirang pito. Matapos ang patimpalak at may nanalo na, Dumating na ung araw na sila’y ipinakilala, Nagkaroon ng konsyerto at iba pang aktibidad, Na nagbigay ng kita sa kompanya mong maliit. Kailan lang ang ganda pa ng pakikitungo mo, Ngunit hindi nagtagal ika’y naging gahaman, At sinira ang napagkasunduang hati sa kita, Kaya ang nagdudusa ay ang pitong nanalo. Copyright © 2021 BALOCSIN —————————————————————————————— *MGA DAPAT SUNDIN SA PAGBUO NG PIYESA NA IPAPASA: -Humabi ng piyesa na nakabase sa anyo ng tula na nais ninyo. -Lapatan ng angkop na tayutay -Ang bilang ng pamagat ay nakabase sa inyo. -Isang anyo lamang ng tula ang maaaring ilapat at hindi maaaring paglahukin ang dalawa o higit pa. Ang sino mang lalabag dito ay ituturing na malaking paglabag sa mechanics.








