Day one.
Hi baby. Kamusta ka na? Okay ka ba? Kamusta yung araw mo? Sana hindi ka madyadong nagpaka-pagod, baby, sana hindi ka nagpagutom. Sana naging masaya araw mo.
Ako? Eto, pilit pa ring kinakaya. Pilit pa ring nagkukunwari na masaya. Pilit pa ring umaasa. Pagod na pagod na ako, baby. Sa lahat. Sa trabaho, sa buhay, sa pagiging tao. Gustong-gusto ko nang sumuko. Gustong-guto ko nang bumagsak. Gustong-gusto ko nang tumalon sa harap ng bawat tren na dumadaan sa harap ko. Gusto kong tumakbo pabalik sa'yo. Tuwing nagtatrabaho ako, ikaw lang pumapasok sa isip ko. Pigil na pigil akong umiyak. Pigil na pigil akong kuhanin yung cellphone ko para ichat ka. Baby. Hindi ko na kaya. Miss na miss na miss na kita. Ano bang nagawa ko? Yung palagi akong galit? Hindi na ako magagalit sa'yo, oh. Balik ka na sakin? Hehe. Gustong gusto kong umuwi para yakapin ka ng mahigpit na mahigpit. Kasi yun lang yung makakapagalis ng sakit, eh. Sobrang sakit, baby. Hindi ko alam kung kaya ko pa. Hindi ko alam kung sapat pa yung lakas ko para lumaban... Baby, bakit? Ano bang meron sya? Mas napapasaya ka ba nya? Please tell me. Sabihin mo sa'kin baby. Gusto kong malinawan.











