MAGINAW
Tayo ba ay may bolang kristal at dapat pa tayong maghulaan
kung ano ang iniisip ng isa’t isa at kung bakit ganyan?
Kailangan pa bang pahirapan ang sariling umalam ng sagot
at paulit uliting itanong kung bakit nagkaganoon?
Kailangan pa bang pagtalunan ang mga bagay-bagay
at palalain pang lalo ang sitwasyon?
Kailangan din bang idamay sa pagtatampo at biglang wag pansinin
hanggang sa ang dating maliwanag ay dumilim?
Kung tunay ang pag ibig, hindi na dapat pang pakabig
kung tapat ang hanagrin, hindi na dapat papahirin ng hangin
kung malinis ang pag iisip, hindi na dapat pang papigil.
Kung maginaw at malamig, tanging gawin ay ibalik ang init.
Kung magtatanong ay sikapin na ang layunin ay ayusin.
Dahil kung pagtatalunan pa rin, mas maiging hayaan na tuluyang mawala ang sinasabi nyong pag ibig.
Samatalang tumatagal na giniginaw ang isa, lalo lamang naghahanap ng kandili’t pagsinta.
Kung matapang at tapat sa kaniya, hindi na hahayaang ang magbigay nito ay iba.
Hindi rason ang “pinili nya yon at di nakuntento” dahil ang sagot dyan “ di nya obligasyong makuntento sa maling tao.”
At kung puro akala ang paiiralin nyo, baka sa akala rin mauwi ang lahat ng plano.
Kaya kung giniginaw,
Kung ayaw ginawin,
Kung naging maginaw,
Wag ng hintaying mag yelo pa.
Baka kase pag binigyang init ng iba
matunaw lahat ng bigla..












