I saw Abi’s post sa blue app na 19yrs na daw ang Tumblr and ano daw ang pinaka cringe post mo dito.
Tbh, madami akong cringey posts dito pero mas naalala ko yung mga memories.
Tinychats, meet ups, Kada-team, TTH, 🙈
Ang laki ng naging part ni Tumblr sa buhay ko, sa totoo lang. Ito yung naging escape ko every night. Super excited ko umuwi kasi i-eedit ko layout ko, kung anu-anong tweak ang ginagawa ko. Nakakatawa pag biglang may papasok sa TC, magugulat ka na lang sa mga famous. Alam nyo ba, first time ko magcommute papuntang MNL dahil sa meetup hindi alam ng family ko ang lakas ng loob ko. Hanggang sa nagka-work na ako nagta-Tumblr pa din ako, e nagkaroon ng meet up nako never talaga ako umaabsent sa work pero dahil dyan chikang may sakit si bakla. Cavite, Laguna, Luneta Park, Alabang, yan mga napuntahan kong meet ups hahahahahahahah sobrang crush ko si ej & kevin.
Halos ata lahat tayo napatula sa Tumblr? Pangarap ko pa dati makasali sa escafeism. Omg.
Shoutout sa mga naging friends ko din talaga dito, buhay ang dugo ko every tc and lalo na sa mga meet up.
For me dahil sa ka-cringeyhan ko ang saya ng teenage life ko thank you TUMBLR, btw im miss juana. Hahahahshahahahahaha missjuana??? 🫠











