#4 MAIKLING NAPAGSAMAHAN
Kelan lang kita nakasama ng mas mahaba, Kumpara sa una kitang nakilala, Hindi ko inasahan na magiging malapit tayo, Dahil bago pa lang kita nakikilala ng mabuti. Dumating ang panahon na nanirahan ka, Dito sa amin ng ilang buwan lang, At nakasama lang kita ng palagi sa lakad, Bilang ating ehersisyo sa umaga. Ngayong wala ka na dito sa bahay namin, Sapagkat bumalik ka na sa inyo, Kaya naman ako'y nalungkot pansamantala, Ngunit natanggap ko naman na kailangan iyon.
Copyright © 2021 BALOCSIN

















