SM Advantage Card
Tbh meron akong SM advantage card (which I’ve got a year ago, so hindi pa expired). Dati proud na proud ako na i-present yung card everytime na tinatanong yun ng cashier, para kasing may feeling of superiority ka among other customers na walang card. After a year of user experience, masasabi kong naging disadvantage yung card. Na-realize ko na hindi ako materialistic na tao, at hindi rin wagas ang paggamit ko ng purchasing power. Hindi ako laging bumibili sa SM at mga affiliate stores dahil hindi naman ako palabili. Hanggang ngayon, hindi ko pa nababawi yung pinambayad ko ng card kaya pinagdesisyunan ko na hindi na gamitin at itigil na ang kalokohang ito.
Para kay ateng cashier kanina, na medyo napagtaasan ko ng boses kasi pinipilit ako at ang nanay ko na mag-present ng card dahil sayang raw ang malaking points na makukuha, sorry. Though wala naman akong sinabing masama, nasabi ko lang: “Miss, wag na” tapos nilagay na nya sa paper bag yung products na binili namin at alam kong masama ang loob niya. Pasensya na ate.














