Ikaw.
Ikaw na lang. Ikaw na lang yung naiisip ko. Hayaan mo akong isipin ka hanggang sa mapagod ako, kung mapapagod ako. Hayaan mo akong maalala lahat simula nung January 2013 kung saan mas nakilala kita..hanggang sa unti unti nawawala ka. Kung meron akong pangalawang pagkakataon na hihilingin.. Siguro yun yung bumalik sa oras na yun kasi para maramdam ko ulit lahat. Para mas nalasap ko ulit lahat ng bagay na nagpapagaan ng loob ko sa loob ng dalawang taon. Hindi ko alam kung anong ilalagay ko sa blog post na to. Nakita ko kasi yung picture mo 4 years ago. Ang taba mo don. Ang bata mo. Ilang taon tayong nagdadaan daan lang. Hindi ko din akalain. Patawarin mo ako sa araw araw kitang iniisip. Lagi kitang hinahanap. Kung hindi ka man makatulog baka iniisip kita. Baka napapanaginipan kita. Patawarin mo ko sa hindi ko pagbura ng nga mensahe mo, mga pictures mo, mga notes mo. Patawarin mo ako kung ganito ako kaclingy sa iyo noon. Patawarin mo ako kasi ikaw yung naging mundo ko, tayo yung naging mundo ko. Patawarin mo ako sa hindi ko masyadong minahal yung sarili ko at kung ano yung meron pa ako bukod sa'yo. Tinuruan mo ako kumain ng kung ano ano, magsulat ng ganito, gumawa ng handwritten letters, gumawa ng mga bagay na di ko aakalain magagawa ko. Tinuruan mo ako umiyak ng tahimik, magmahal, manahimik at maging natural sa pagpapatawa. Pero hindi mo naturo sakin paano pag nawala ka na. Pag ikaw na yung kusang lilisan. Araw araw para akong namamatay. Hanggang sa naiisip kong dapat ko pang mahalin kung anong meron ako. Kung ano ako. Mas nagiging matapang ako. Mas magiging matapang. Kahit anong ibatong lungkot at saya magiging handa dapat. Nung nakita ko yung picture mo.. Bumalik lahat lahat. Yung ngiti mo, yakap mo, yung mga salita mo. At unti unti akong namamatay kasi alam kong hindi ko na ata maririnig yun. Baka marinig ko pa pero sa malayo na. Good night.

















