"May ahas!"
Literally speaking ah.
Kahapon ng gabi, nagulat ako nung pagka-balik ko sa CR namin. Kumuha kasi ako ng toothbrush ko tapos may nakita akong ahas, mas malaki sa uod pero, mas maliit sa malaking ahas.
Ako: *tinitigan ang ahas, hindi alam ang gagawin* *nagtataka kung laruang ahas a pantrip ng kapatid ko o totoong ahas*
Yung ahas: *gumalaw*
Ako: *nakatitig pa rin* *titigan kami eh*
Maya-maya pa..
Ako: *tumakbo* MIIIIIII! May ahas sa CR!
Mami: :O Taaay! May ahas sa cr.
Ako: *traumatized-nanginginig*
GRABE. HINDE TALAGA AKO MAKAPANIWALA. Pag pumupunta tuloy akong CR, lag kong natatandaan ang ahas na nakatitigan ko. Na-traumatized na ata ako. Nakakapanindig-balahibo.








