Basta talaga pag crush eh ...
Kanina, pauwi na sana ako. Masyado na akong hyper at kailangan ko ng matinding pahinga. Kaso wala na akong kaklase na pwedeng makasabay pauwi. Ang nandiyan lang, mga 4th year na nakasama ko rin sa meeting. Nagtanong ako dun sa president namin kung pwede akong makasabay. Pero mukhang magtatagal pa yata. Nagbakasakali ako sa labas ng school kung may dadating na pwede kong masabayan.
Lumabas bigla sila Kio. Si Kio, kaschoolmate ko. Grade 7. Grabe yun pag pagtitripan ako. Mas matanda ako pero di ako makapalag dun. Natatameme nalang ako eh. Maglalakad ata sila pauwi kasama nung crush ko. Nauna na yung iba kong mga kaklase at mukhang ako nalang ang maiiwan sa school kung di pa ako mauuna kaya naisipan ko na sumakay nalang pa-bayan para dun sumakay pauwi. Pagdating ng isang tricycle, kulang pa ng dalawa. Di ko aakalain na hihinto doon sa kinaroroonan nila Kio, kasama ng kapatid nya at ng crush ko. Tatlo sila. Isa sa baby sit kasama ko sa loob at ng isa pa nilang kasama. Good news. HAHAHAHA. Unang sumakay yung crush ko, at sa tabi ko. Kaso si Kio ang sumakay para sa baby sit. Kaya di nanaman ako makakaimik. Malapit lang yung bababaan nila. Pero sa kaunting oras na nasa tricycle kami, nakangiti lang sa amin si Kio. Di ko naimik yung crush ko. Ni-hi, wala. Nakakaloko yung ngiti niya eh. Di ako makamove on. Di kasi ako makalingon sa katabi ko at nakatingin lang sa amin si Kio magdamag.
Bababa na sila. Sabi ni Kio, magpaalam na daw ako sa crush ko. Kahit isang byebye lang daw. At sa wakas, nakaimik na ako. Nagbye bye ako sabay wave at smile. Tapos medyo natagalan pa dahil sa bayad nila na hiwa-hiwalay. Di ko aakalain na babalik pa uli yung crush ko sabay yuko para silipin ako sa loob ng tricycle, "Ang ganda ah! :')" Sabay napangiti nalang ako. Wala na akong masabi. Feeling ko nga, namula ako nun. Gwapo talaga nun hays.
Hanggang pagdating ko sa bayan, nakatatak sa isip ko yung ngiti niya. Hays. <3 Nakakakilig lang bat ba.