Baka Sakali
Baka nga masyadong mabilis.
Baka nga masyado kitang binigyan ng oras.
Baka nga sobra kitang pinagtiyagaan.
Wala namang tayo.
Pero yung oras na binigay ko,
Yung tiyaga ko sa’yo,
Yung matagalang usapan natin na yun,
Alam kong totoo.
Alam kong sayang.
Alam kong nakalulungkot.
Pero nilaban ko.
Nilaban ko dahil espesyal ka.
Nilaban ko dahil nakakatuwa tayo.
Nilaban ko dahil gusto kita.
Na pagkalipas ng ilang buwan tayo pa rin.
Tayo pa ri’y magkasama.
Tayo pa ri’y magkáibigan.
Tayo pa ri’y magkaibigán.








