Mama at Papa
05 February 2026
Byaheng 8:30pm sa barkong MV Peñafrancia V.. ngayon lang ulit ako makakauwi ng Marinduque. Kami lang ni Ate.
Dapat talaga bukas pa pero for some circumstances, mas pinili kong bakit hindi pa ngayon kung pwede naman.
Nakaplano na ito last week pa kasi naka schedule talaga si Ate ng punta ng Lucena lang.. pero naisip kong sumama kasi para makapasyal lang din, then sabi ko bakit hindi kami dumiretso ng Marinduque para makita ko sina Mama.. ngayon lang ulit ako uuwi after I think 2 years ago, kasama ko pa mga bulilits that time.
Mas ginusto kong ako lang.. kasi mas gusto kong magfocus sa kanila
Kahapon bago ako pumasok ng work. Napapaisip ako.. excited ako umuwi at the same time naiiyak ako, siguro kasi namimiss ko na sila pero ang nasa isip ko talaga that time.. makikita ko sila Mama at Papa.. makikita ko na naman na tumatanda na talaga sila.. kita na sa facial features at physical apperance pero malakas pa. Doon ako naiiyak.. may work naman ako, enough yung pera para makabisita, kaya namang magleave pero bakit parang ang hirap sa aking bigyan sila ng time. Dito ko na realize na dapat mas umuwi ako.. alam ko naman yung endgame at yun yung kinalulungkot ko. Kasi malayo sila sa akin.. mali nga yung mga desisyon na sila pa yung bibisita sa amin. Kami yung mas malakas, kami yung mas may kaya.. dapat kami yung gumawa ng paraan para magkita ulit kami.
Tama sila. Love them most habang nandyan pa. Kaya naman talaga.. though may mga sarili tayong struggles sa buhay, huwag parin natin silang pabayaan.. mabilis lang ang mga araw at panahon. Dapat sinusulit palagi ang mga oras na kasama sila.
Hindi ko kaya. Hindi ako ready...













