STOP. OKAY KA NA DIBA?!
seen from United States
seen from Algeria
seen from United States

seen from Canada
seen from Türkiye
seen from Kazakhstan
seen from Venezuela
seen from United States

seen from United States

seen from Japan

seen from Singapore

seen from United States
seen from Norway

seen from United States
seen from Singapore
seen from Türkiye
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom

seen from United Kingdom
STOP. OKAY KA NA DIBA?!
10 Oct 2025
Last day ko na.. ngayon lang nagsisink in sa isip ko na ibang tao na pala makakasama ko sa mga susunod na araw, ibang lugar, ibang itsura. Gustuhin ko man pilitin na maging masaya pero bakit pakiramdam ko, ako yung talo.
Dapat talaga matuwa tayo sa mga pagkakataon na binibigay sa atin.. kasi nga may mga bagay na kailangan natin iwasan.
Sa'yo,
Sa harsh words mong nasaktan talaga ako pero sabi naman nila truth hurts, pero alam kong yun yung way mo para maging totoo ka. No judgment. No regrets.
Thank you kasi pinakinggan mo lang din ako pero at the same time, alam ko yung magiging response mo. Kaya ako lang talaga yun..
Sobra kasi ako.. sobra sa lahat. Pero minsan gusto ko ring marinig ano yung mga hindi mo gusto.
Lilipas din yan.. yan lang naman palagi kong sinasabi, pero at least narinig ko sa'yong napapansin mo rin pala yung mga kinikilos ko.. sadyang hindi mo lang binibigyan ng kulay.
Thank you! Sa lahat..
At bumalik.. bumalik na ulit.
TAMA.
Tama na umiwas. Tama na lumayo. Tama na hindi isipin.
Sa mga bagay na naguguluhan ka.. sa mga pagkakataon na natatanong mo ang sarili mo.. yan lang naman palagi ang sagot. Walang tanong-tanong, ito lang ang sagot.
Kung minsan sa bawat tanong mo.. mas dumadami pa yung nagiging tanong, lalo ka lang maguguluhan.. at darating sa punto na, aayaw ka na lang talaga.
Tapos pag-umayaw ka.. magsisisi ka lang.
Okay na diba? Hindi mo na maibabalik yung dati. Okay na yun. Huwag mo na masyadong isipin.. mas mabuti na yung may iba kang iniisip o ginagawa. Kaya mas mabuti talagang balewalain mo na lang. Pero bakit kasi... bakit ba may ganun??? Haaayyyyy.. DON'T EXPECT nga diba.. ganun talaga. Ganun lang talaga.
IKAW NA TALAGA ANG PINAKA TANGANG TAO NA NAKILALA KO.
WAG KA ASSUMERA KASI! GINAGAWA MO NA NGA MAGING BUSY DIBA?! PERO BAKIT GANYAN? ANO KA NA!
DON'T MAKE EFFORTS SA MGA BAGAY NA HINDI NAMAN DAPAT.
FOCUS KA DAPAT SA GOALS.
HINDI YUNG KONTING GANTO, "SIGN BA YUN?"
ASSUMERA AMPOTA!
OKAY NA DIBA?! NAKIKITA MO NAMAN. WAG KA TANGA HAH!
Bakit ba kasi mas pinipili natin na mas masaktan pa tayo?
Kahit alam mo naman na hindi na babalik yun, madalas talaga ang tao mas pinipili yung masaktan para siguro ipaalala yung mga bagay na hindi na dapat iniisip pa. Hindi mo na rin maaalis yun.
Pero may mga bagay kasi talaga na dapat mong bitawan.. kasi darating yung panahon na hirap kang kumawala.
Kaya dapat mo lang talaga tanggapin ang mga bagay na yun.
MAGSERYOSO NA TAYO.