Up until now, I still couldn't believe that I conquered Mt. Ulap. ✨
Great job, self! You did well.
seen from France
seen from China
seen from Japan

seen from South Africa
seen from China
seen from United States

seen from India
seen from Finland
seen from Russia
seen from Singapore

seen from Czechia

seen from China

seen from United Kingdom
seen from Russia
seen from China

seen from Italy
seen from France

seen from Austria

seen from Belgium

seen from United States
Up until now, I still couldn't believe that I conquered Mt. Ulap. ✨
Great job, self! You did well.
May 26, 2024 | Mt. Batulao - Nasugbu, Batangas
We made it!
Umakyat sa bundok talaga namimiss ko eh.
Yung tipong kailangan mong gumising ng sobrang aga. As in para hindi abutan ng sikat ng araw
Yung mga struggle paakyat. Nako antarik paakyat promise, kailangan may spike yung kamay at paa mo para hindi dumulas sa mga bato. Nakakahingal as in! HAHAHAHA. Kaya kung pwedeng nagpapahinga nagpapahinga kami. Pero kailangan saglit lang dahil baka hindi nga maabutan ang sunrise! >:))
Yung tipong may makikita kayong ligaw na unggoy sa puno. Hahahaha. De joke lang tao yan, Gusto ko rin sana umakyat kaso baka maputol yung puno. Choss. Hahaha. Hindi naman kasi ako marunong umakyat ng puno -__- Ang saya siguro dun sa taas.
Tapos pag dating mo sa taas mawawala yung pagod mo, Kasi makikita mo na yung magandang view. Kahit na hinihingal ka nakangiti ka kasi, nakaya mong akyatin! Tapos uupo na kayo sa isang tabi, sa ilalim ng puno. Magkkwentuha, maghahanapan ng bahay at skul. Ang saya lang kasi matatanaw mo yung buong San Antonio.
Syempre pagkatapos naming umakyat ng bongga kakain kami! May dala kaming breakfast, hahahaha. Grabe yan, naalala ko talang parang hayop kaming kumain pag dating namin sa taas, sobrang nagutom kami. Hahaha. Ang sarap din kumain sa taas habang nakikita mo yung view, sobrang aliwalas.
Syempre picture picture sa mga lugar na pakamatay . Hahahaha. Yung mga malalapit sa bangin para astig! Hahaha. Eto yun moment na turuan kung sino ang magpipicture, yung tipong " Uy ikaw na kasi dali na picture kana" . Meron pa yung pinatong lang namin sa bato yung camera para lahat kami kita, Hahahaha.
Eto pinakamasayang part eh, pababa! Hahahaha. Yung tipong, "Uy saang bato ka umapak" "Uy saglit, pahawak neto" . "Ay puta, muntik nako dun ah" Mga ganyan maririnig mo hahaha. Kasi once na ibang bato naapakan mo patay kana! makakarating ka ng mabilisan sa baba yun nga lang sugatan na. Hahahaha. Pero para sakin hindi nakakapagod pag pababa yun nga lang talaga e delikado.
Pagbaba naman diretso sa ilog, matatampisaw, ibabad ang mga maduduming paa sa tubig.Nagpapahinga hanggang sa abutan na ng tanghali, Hindi kami naliligo e kasi malalaki na kami. Hahaha. Hanggang babad lang ng paa at basaan ng kamay.
Masaya yung gantong adventure! Nakakamiss sobra. Lalo na yung mga kasama ko. Grabe lang kasi ang aga naming umaalis pero pag balik namin tanghali nadin. ang sarap kasi magkwentuhan pagkatapos mong mapagod, heehee, Parang yun yung nagsisilbing pampawi ng pagod, kahit na hingal ka sa pagakyat nakukuha mo paring tumawa atsaka magbiro dahil sa mga kasama mo. Tsaka kahit na anong pagod pa yan at sugat worth it pag dating dun sa taas ng bundok, sobrang hingang maluwag pag nakita mo yung buong bayan mo. Masaya talaga, Hindi ko alam kung kelan ulit mauulit yan :)