Sa bawat sambit mo ng kamatayan ay siya ring aking hangganan.
Napupuno na ako ng kalungkutan, ngunit hindi kita masisisi sa kagustuhan mo.
Sa nakaraan na bumabagabag sa iyo at sa mapait na kasalukuyang pumapatay sa'yo.
Bawat parte mo ay pinapatay ako.
Araw-araw ay nangu-ngunsume ako.
Araw-araw akong nananalangin sa may kapal na sana ay buhay ka.
Na sana ay hindi mo tinapos ang lahat.
Ikaw palagi ang nasa isip ko, ikaw ang lakas ko, ikaw ang kahinaan ko, ikaw ang kalungkutan ko, ikaw ang kasiyahan ko, at ikaw ang kamatayan ko.
Huminahon ka sana, maging kampante na maliligtas ka, kumapit ka mahal at ilalayo kita sa kanila.









