Bakit ba kung sino pa ang hindi takot mawala ay siya pa ang takot na mawalan.
Pwede bang ako na ang paunahin mong mawala, nang sa gayon ay magkita tayong muli sa kabila.
Dahil oo, takot ako sa mararamdaman ko, oo, takot akong mawala ka sa paningin ko, oo, takot akong malimutan ka ng pandinig ko, at oo, takot akong mawala ang presensya mo.
Dahil sa unang tagpo pa lamang ng ating mga mata, alam kong ikaw na ang siyang magdadala ng sakit.
Ang magpapaiyak ng manhid kong kaluluwa na minsan nang pinangarap na makawala.
Kung sa katawan na ito'y sa'yo ako, pipilitin kong bumalik kahit itakwil pa ako ng mundo.



















