I wrote this song (originally a poem) with my mother and other OFWs in mind. I would like to think that this is my social commentary about the Filipino culture and diaspora. This song was included in the Santa Guerilla 1 album. You can buy it here. Title: Sige (featuring Myk Miranda)
Produced by: Rudy Boquila
Lyrics:
Pakinggan aking awitin,
Himig ng aking damdamin
Ako'y hindi alipin
Kulay ko ay kilalanin.
Sige ka lang ng sige kahit na nakakadiri
Kayod ka lang ng kayod kahit na nakakapagod.
Sige ka lang ng sige,
Padala ka ng padala ng pera sa nangulila mong pamilya
Kahon na balikbayan,
Laman nama'y puro utang,
Sayo'y bale wala lang
Mababaw na kasiyahan ang siya mong inaasam.
Sige ka lang ng sige kahit na minamaltrato
Ng 'yong kapwa't ng 'yong amo
Kalimutang ika'y tao na may puso at talino.
Sige ka lang ng sige kahit na tawaging "nanny"
Hanapbuhay mo'y disente pero di nila masabi,
At tikom ang mga labi
Hanggang saan ang dulo,
Makamit pangarap dito
Kung tawagin ka'y bayani,
Pinagmamalaki kunwari.
Pre-chorus:
Pero sige ka pa rin ng sige
Sige pa rin ng sige.
Bakit sige ka lang ng sige?
Bakit sige ka lang ng sige?
Bakit sige ka lang ng sige?
(... Myk Miranda's vocals)
Sige ka lang ng sige
Bakit sige ka lang ng sige
Bakit sige ka lang ng sige?
Bakit sige ka lang ng sige? (x3)
Luha mo ang 'yong itak
Sa lungkot ika'y sindak
Landas mo na tinahak
Minsan sa baul ang iyong bagsak
Pero sige ka lang ng sige?
Sige ka lang ng sige (bakit)
Sige ka lang ng sige
Bakit sige ka lang ng sige?
Bakit sige ka lang ng sige?
Bakit sige ka lang ng sige








