Gusto ko lang sabihin na inaadmire kita. Dito ko na ginawa kasi may less ang chance na di mo 'to makita at para maiba na rin. Kaya di na ako nag ask. Anyway po, ilang weeks pa lang kitang finofollow at kitang-kita ko naman na ang ganda ng mga thoughts mo (chos, english!). Siguro nagawa ko 'to ngayon kasi nakita ko 'yung ni-reblog mong photo sa classmate mo during your Prom. Wala kasi kaming Prom eh, at base sa nakita ko, mukhang nag enjoy kayo. Sana ma experience ko rin yan. Yan siguro ang "last straw". Yung photos. Marami naman akong nakitang mga Prom photos eh pero "last straw" na siguro yung sayo. Nakakainggit. Hehe. Ewan ko ba kung bakit para sayo 'tong post na 'to, basta ang alam ko lang ay swerte kayo dahil may Prom kayo at inaadmire kita hindi lang dahil sa looks mo kundi na din sa mga sinusulat (or binoblog) mo.