Alinlangan
Ang hirap naman nito, Bakit ganito? Akala ko ito na ang tamang panahon, Ngunit bakit tila walang naaayon? Mga planong hindi matuloy-tuloy, Mga planong parang isang ilog na unti-unti na lamang tumitigil sa pagdaloy. Mga hamon na hindi natatapos, Mga hamon na para tayong ginagapos. May patutunguhan pa ba ito? Kakayanin pa ba natin ito? Ilang taon pa ba? Ilang taon pa ba bago tayo maging malaya na? Malaya na magmahalan sa ilalim ng sikat ng araw, Malaya na magmahalan na kanilang tanaw, Malaya sa lahat ng takot, Malaya sa lahat ng panghuhusga at poot. Mangyayari pa ba ito? May direksyon pa ba ito? Dapat ba tayong kumapit? O mas mabuting huwag ng kumapit? -Eiralights














