Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Walang maisagot sa tanong kung bakit kita iniisip ng paulit ulit. Na kung bakit napapangiti ako sa tuwing may mensahe akong natatanggap mula sayo.
Alam kong tapos na ang istorya natin. May kanya kanya ng bida ang istoryang binubuo natin sa ngaun. Gusto kitang makita. Gusto kong malaman kung anong meron sayo na hindi ko mabitaw-bitawan.
















