Look, may kagaya akong adik. Difference ay nagpapractice siya, and kumikita nang higit na malaki kaysa akin. And yet, wala pa rin daw siyang idea paano mag-adulting. No one knows, brotha!!! Do your own thing. Mag-ipon ka kung gusto mo, EF, insurance, 'kaw bahala. Magpagawa ka ng bahay or mag-rent, it's up to you. Bayad before judith. Explore!
Tanong nang tanong 'yung kaklase ko kung nag-moonlight na raw ako sa ER. Nyemas. Hindi ko nga kasi gusto 'yung mga gano'ng role. Haha. Inofferan din ako ng kakilala na mag-work somewhere, 2 weeks per month lang ang schedule. Pero on-call ka for 14 days straight. Dun ka matutulog. I'm just not the person for these things.
May nakita rin ako, 40,000 take home para sa 7 days of 24h duty in a month. Oo, 7 lang, pero every time, parang 1 month bago ako makarecover. Hindi ko lang talaga bet 'yung mga gano'n, okay. I hate patients, I hate talking to patients. Weird man na eto 'yung ginawa ko sa life pero mas naeexcite pa ako magbukas ng laptop at mag-type kaysa kumausap ng mga wala namang sakit pero gusto ng medcert.















