all 4 Juan, Juan 4 all experience!
grabe yung feeling na nasa Barangay namin sila. fan kasi tlaga nun. lagi kong inaabangan. tuwang-tuwa ba kasi ako kela Jose. nawawala panandalian yung iniisip mong problema pag pinapanood sila.
so ayun nga, kanina, nakitakbo ako dun sa bayanihan. sayang kasi yung P500 na consolation. 15 bottles, wall clock sabay takbo! di na ko nag-expect na mananalo ko. pero grabe si God! pinapanalo niya ko. :) may pang-review na ko! :D alam mo yung 125 ang nabunot at pang 128 ako. e apat ang kukuhanin. sakto! nung lumapit na yung boom boom pow, napatalon na ko at napatingin sa taas. sabay, Lord, alam ko Ikaw yon. salamat! :)
at after nun, eto na, kadami nagtext, balato! manlibre kana! kala mo kalaki ng 14k. e pang review ko lang, ubos yun. haha. gusto ko man pero wala e. haha. sa mamahalin pa kasi nagpapalibre, dati masaya na sa lugaw ang mga loko. haha.
ang saya lang talaga! :)) thank you Eat Bulaga. Bossing! mwa mwa tsup tsup! :D
















