HOW DO YOU VIEW YOUR PROBLEMS? (Wrong Perspective In Viewing Problems) This is the topic that we shared with our Life Group (LG) of Young Professionals last May 11, 2020. Ikaw, kaibigan, paano ka ba magrespond sa mga problema? Paano mo nga ba ito tingnan? Ikaw ba yung tipong napapasabi ng, "kailan ba matatapos 'tong problemang 'to? Haaaaay! Tila 'di na ata ito matatapos!" (Ecclesiastes 3:1-8) Lagi mo lang tandaan, sadyang may panahon sa bawat bagay na dumadating sa ating buhay. Mapa-blessings man yan o pagsubok o hamon ng buhay, mapa-kasiyahan man yan o kalungkutan, mapa-pag-ibig man yan o pagiging wasak sa pag-ibig. Di nga ba't maging ang araw at ulan ay sadyang napapanahon ang pagdating? At sa kanilang pagdating, sila din naman ay may paglisan. Kung may pagsikat ang araw, aba'y mayroon ding naman itong paglubog. Kapag bumuhos ang ulan, maghintay ka lang at pagtila ay darating din naman. Kaya huwag isiping problema ay di matatapos. Ito'y iyong isulat huwag sa palad, kundi sa puso't-isipan, "THIS TOO SHALL PASS!" Matatpos din yan, kaibigan! Magtiwala ka lang! At kung nais mo nang mahihingahan ng iyong problema, halika't kami'y iyong samahan! Every Monday yan, 7PM via ZOOM. Just PM me and I'll give you the details para maka-join ka din sa amin. Pag-usapan natin yan, kaibigan! GOD Bless you! #WeTheEDGE #EDGELifeGroup #MondayHabbit #AllToJESUS #Discipleship https://www.instagram.com/p/CAGL2-UJnP6/?igshid=juk0g2as2vuk

















