mini meet-up Aug. 21, 2012
A few months ago napapagusapan na ang pagpunta ng Ambotkada member na si Neil dito sa pinas. tulad ng pagbisita ni Boleng noong bakasyon. Napapagusapan na rin ito sa FB group ng ambotkada hanggang a few days ago nag GM si Kaloy na magkikita nga ngayong araw, napagusapan na sana kahapon pero dahil sa di available yung nakakarami inurong ngayong araw ang pagkikita ng ambot. sobrang excited ang lahat. Pero sa kasamaang palad di nakasama si Arce dahil may mga importanteng bagay siyang dapat ayusin na related sa school. Nakausap ko rin si Kvin pero di rin siya makakapunta dahil nakauwi na siya sa Nueva Ecija isang araw bago nagpagkasunduan ang araw na magkikita ang ambot. pero gayon pa man nagkukulitan na rin kami sa FB group ng ambot sila Jireh nag expect na ng picture na pede isingit ang ibang miyembro na di makakasama sa araw na napagkasunduan. gayun din sila PJ, Boleng , Milo at Margs.
Dumating ang araw na magkikita na ang ambot ang mga sure na darating ay ako, Kian, Kaloy, Neil, Ly at Ajh. sa twitter pa lang naguusap na kung anong oras at saan magkikita kahit yung mga di makakapunta nag msg na rin ako sa kanila para kunwari ay makakasama naman sila. nakakatawa lang dahil sinakyan nila ang kakulitan ko.
Usapan 3pm magkikita pero 2pm pa lang nasa SM north na si Ajh nauna sila ni Kian magkita at nagtxt na lang sila na daanan ko sila sa Bench sa SM north. pero pag baba ko sa sobrang excitement ko sa HerBench ako nakapasok at di ko sila nakita at nagulat na lang ako na nasa tapat lang pala yung bench bago pa ako pumasok ay nakita ko na si Ajh sa labas habang si Kian ay may kinakalkal sa bag nya. Si Ajh na di nagpaalam sa kanila at sabi nya pupunta cya sa bday at may dala pa talaga siyang extang damit. sunod na dumating si Kian na may dalang dalawang bag na kala mo maglalayas na nagbibiro na lang siya na may babakasyon siya sa Hongkong.
Nagikot-ikot muna kami habang nag hihintay sa iba. hanggang napagkasunduan na lumipat kami sa THE BLOCK ilang minuto pa lang kami roon ay nagtxt na si Ly na papunta na siya pero doon na lang daw kami magkita sa Mcdo malapit sa entrance. so bumalik kaming tatlo. nasabi na lang ni ajh na ayun si Ly oh kita mo yung salamin. yun talaga napansin ni ajh db. so ayun nagkita na kami apat tumayo kami sa harap ng mcdo at nagkakatuwaan habang hinihintay si Kaloy at Neil. Ewan ko kung ano meron kay Kian at napagtripan niyang punahin ang mala maternity dress daw na suot ni Ly at ang Bag ni Ajh na mula sa pahina ng comics ni Mickey Mouse. at xempre si Ly daw ang example ng Fresh at ako ang Haggard. yung totoo lang. pero ok lang yun. ilang minuto na kami nakatayo pero ayon sa text ni kaloy ilang kembot pa bago siya makarating sa SM north. Matapos ang ilang kulitan namin nila ajh dahil sa pamumula niya dahil magkikita na sila ni Neil na may temang muling ibalik ang tamis ng pagibig. at ang ID ni Ly na laspag na dahil ginawang ruler. at na bida na rin ni kian ang cellphone nya na loading station daw. napag pasiyahan namin na pumunta na lang sa food court upang maka upo na rin habang nag aantay.
konting kwentuhan at usapan pa. nakapagonline pa si kian dahil dala nya yung laptop nya nakapag post pa ng ilang pictures at dumating na rin si Neil. wala pa rin si kaloy anong oras na yun. kwentuhan pa ng onti at kumustahan. malungkot man pero di rin magtatagal si Neil. at marami pang kulitan at kumustahan sa pagitan nila ni ajh ng biglang dumating si Kaloy sa wakas. tulad ng nakagawian picture picture. at kulitan pa rin. humihingi nga kami ng souvenir kaso nga-nga. di handa si neil.
umorder ng Pizza si neil at kian habang nag picture kami nila Ajh,Ly at kaloy. bumalik sila Neil at Kian pero kailangan na umalis ni Neil noon. Goodbye Hugs at Handshakes at umalis na si neil sana may next tym ulet. sandaling oras lang kasi namin siya nakasama. yung dating nasa TC at Gif lang nakikita eto nasa personal na. sana may mas mahabang oras na makasama namin siya.
kulitan ulit kahit wla na si neil. dumating ang pizza. napagkasunduan na gagawing souvenir yung box ng pizza tutal ito naman ang iniwan ni neil sa amin ng araw na yon. ewan ko pero habang inaalis ni ajh at kaloy ang bag ni kian sa lamesa natabig nila ang isang baso ng coke at tumapon ito sa kalahati ng pizza. nakakatawa dahil napatili si kaloy sa sobrang gulat. nagulat rin ako at napasabi na lang ako ng "shutanginamels" dahil natapunan ng coke ang upuan ko buti na lang at hindi ako nabasa. adik lang si kaloy dahil pinahid nya yung basa sa pantalon ko, (kainis talaga), pero kahit ganon pa rin naubos ang pizza at naisipan namin na magsulat ng mensahe sa box ng pizza at sinulat na rin namin ang lahat ng member ng AMBOTKADA. pinilas nila kaloy at kian ang part na yon at itinago. after kumain naisipan na rin namin umuwi.
Yung mga Pictures makikita na lang ninyo kay Kaloy. hoping na maipost na rin niya kasabay yung pictures namin noong si Kvin naman ang pumunta dito.
Salamat sa panahon AMBOT mahal ko kayo. forever ambot mag 8 months na ang ambotkada sa Aug 27, 2012.