AM18 (Chapter 26-30)
Chapter 26
Nico's POV
It's been a week since I last went to Jean's apartment. Hindi na rin ako nakapagparamdam sa kanya dahil sa guilt na nararamdaman ko.
These past few days, hindi ko na kinakaya ang mga nararamdaman ko. Sinubukan kong labanan pero wala parin. I really want Jean. Gusto kong mapasakin na sya kahit alam kong hindi iyon pwede.
She's pregnant... at hindi naman ako ang ama.
Pero kahit na ganun, hindi parin mawala sa akin na gustuhin sya. I fucking want to have her and it's driving me nuts! Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. I kissed her. I can't believe I just did that!
Tuwing nakikita ko kasi sya, para akong hinihila palapit sa kanya. Kahit na alam kong mali iyon, I just can't help it. I love her. God knows how much I do. Pero dahil sa katangahan ko, lalong nahihirapan ngayon si Jean.
I sighed. Fuck! I can still remember what happened. It's playing in my head, over and over. Her soft lips... I can still taste her in my mouth. Damn, how I wanted to kiss her again.
"I'm really losing it." I said to myself.
Para na akong nababaliw. I can't get her out of my head. How she looks like. How she laughs. How she moves. God, I really love her. Pero tangina. Tuwing naiisip ko sya, lagi ring sumasagi sa isip ko si Chris.
That asshole!
Nagpaubaya ako sa kanya dati dahil sabi nya, mahal nya daw si Jean. Nagkaroon sya ng isang malaking heartbreak sa huli nyang girlfriend na si Kaye kaya masaya ako noon na nakapagmove-on na sya. Kahit labag sa loob ko, hinayaan ko syang ligawan si Jean dahil iniisip kong baka infatuation lang ang nararamdaman ko noon para sa kanya.
But it turns out... I do love her.
Kaya umalis ako noon at nagtransfer sa ibang school.
I needed time to forget her. To accept everything. But of course, before I left, nagkasundo kami ni Chris sa isang bagay.
"You better not make her cry. Treasure her well. Cause if you don't... I'll come back for her. And I swear to God I'll take her from you."
That's what I said. But fuck it! Paano pa sya magiging akin ngayon? Kasalanan ko talaga to. I caused my own misery.
Patulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Chris' number flashed in the screen. Hindi ko na dapat iyon sasagutin, pero wala sa sariling dinampot ko ang cellphone.
"Nico." pambungad nya.
"What?"
"Nasaan si Eris? Kasama mo ba sya?" he asked in an annoyed tone.
"Bakit ko sasabihin sayo?"
I heard him groan in frustration, "Because I'm asking you. Now... Where is she?"
Natawa nalang ako dahil sa tono ng boses nya. Halatang galit na sya pero bakit ko naman sasagutin ang tanong nya. Alam ko namang aawayin nya lang si Jean. Makakasama lang sa pinagbubuntis nya.
"Why don't you ask her? Dahil wala akong balak sabihin sayo."
"What the fuck, Nico! Sabihin mo nalang! Ako parin ang boyfriend nya kaya may karapatan akong malaman!" tumaas na ang boses nya kaya nag init na din ang ulo ko.
"If you're her boyfriend, ikaw dapat ang kasama nya! Hindi ako! Inaalagaan mo dapat sya dahil puta, buntis sya! Pero anong ginagawa mo? Kung kelan kailangan ka nya, tsaka mo pa sya sinasaktan! I know you're an asshole, pero hindi ko alam na ganito ka pala kagago--"
"Will you shut the fuck up! Wala kang karapatan sabihin yan! Kaibigan ka lang nya! I'm her boyfriend. I'm the father of the child she's carrying. Kaya wala kang pakealam sa problema namin."
"Edi tangina, gawin mo yung trabaho mo!"
Every muscle in my body quivered with anger. My hands clenched into fists as I fight the urge to explode.
It's been a long time since we talked. We were best friends before. Pero ngayon, nalaban kami para sa isang babae.
Alam kong tama ang ginawa kong pagpapaubaya dati. I was saving our friendship, so I convinced myself that Chris can make Jean happy. Pero hindi ko alam na napakatanga ko pala dati para isipin yun.
Oo, sumaya si Jean. Pero nakita ko rin kung paano sya nasaktan sa tuwing nag aaway sila. Nakita kung paano sya umiyak noon para lang sa gagong yun. Tapos ngayon, nahihirapan sya nang mag isa. Napakabata nya pa pero ang laki na ng responsibilidad nya.
She doesn't deserve this.
Kaya kung dati, nagawa kong magpaubaya. Ngayon hindi na. Hindi ko na kayang makitang nahihirapan si Jean. Hindi na ko papayag na tinatrato sya ng ganito ni Chris. I'll fight for her. Kahit pa ipaglaban ko ang mali.
"You don't deserve her, Chris. And damn, I regretted my choice every fucking day."
I heard him laugh. That bastard!
"Ano naman kung hindi? Oo makasarili ako, pero mahal ko sya. At ang sakin, sa akin lang. Naiintindihan mo, Nico?"
My mind went berserk because of his words. Mabuti nalang talaga at sa telepono lang kami nag uusap. Dahil kung kaharap ko sya ngayon, hindi ko na alam kung anong nagawa ko sa hayop na to.
"Sayo sya... sa ngayon. Pero tandaan mo to Chris. Kukunin ko sya. Wala akong pake kahit ikaw pa ang nakabuntis sa kanya, o kahit ikaw pa ang ama ng batang dinadala nya."
Hindi agad nakasagot si Chris kaya mabilis kong ibinaba ang tawag. I growled in frustration. Ngayon palang ako nainis ng ganito sa tanang buhay ko.
But I meant every word I said. Sigurado na ko ngayon. It's time to fight for what I want.
Chapter 27
Eris' POV
Wala na kong nakitang Nico simula nung umalis sya dahil sa nangyare. Mahigit dalawang linggo na syang hindi nagpaparamdam. Tinatawagan ko sya at tinitext pero hindi sya sumasagot sa kahit na ano.
Samantalang si Eroll naman, panay ang paramdam. Minu-minuto syang nagtetext o natawag para lang guluhin ako. Sinabi ko na sa kanyang lubayan muna ako, pero makulit talaga sya. Gusto nya na raw makipagbati. Na hindi na raw ulit kami mag aaway basta kausapin ko lang sya.
Masarap sanang pakinggan ang mga sinasabi nya... kung sana ay totoo lang iyon.
"Jean, hindi ka pa ba makikipagbati kay Eroll?" tanong sa akin ni Michelle.
Nandito silang apat ngayon nila Irene, Sophie at Kristine. Wala raw kasi akong kasama kaya lagi silang nagpupunta.
"Parang ayaw ko pa." simpleng sagot ko.
"Eh pano yan pag umuwi ka? Hindi ba magtatapat ka na sa pamilya mo? Paano kung hanapin ang ama ng bata?"
Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Nakaramdam na naman ako ng kaba dahil sa pinaalala ni Michelle.
Dalawang buwan lang ang paalam ko kayla mama na pagstay ko dito sa Maynila. May isang buwan na ako dito kaya sa isang buwan ay uuwi na ako.
Tatlong buwan naman ang tyan ko. At ngayon, masasabi ko na na may pagbabago na sa akin.
Madali pa naman ang pagbubuntis ko. Hindi ako nagsusuka o naghahanap ng kung ano anong pagkain, hindi katulad ng iba. Pero madalas na akong maihi, which is normal naman daw.
Ramdam ko na rin ang pagtigas ng bandang puson ko. Kapag kinapa mo iyon, masasabi mong may laman na talaga. Paminsan minsang sumasakit ang tyan ko, pero siguro dahil lang yun sa paghahanda ng katawan ko sa pagbubuntis ko.
Hindi pa naman masyadong halata ang tyan ko, pero naisip ko nang sabihin sa pamilya ko. Ayaw kong sila pa ang makaalam. Sigurado akong mas mahirap ang magiging sitwasyon kapag ganoon ang nangyari. Kaya may isang buwan nalang ako para ipunin ang lahat ng tapang ko.
"Sorry Jean kung pinaalala ko pa." malungkot na sinabi ni Michelle.
"Ano ka ba, ok lang. Mangyayari din naman yun. Basta ngayon, ayoko munang mastress. Kaya baka sa pag uwi ko nalang kausapin si Eroll."
Tumango naman sila bilang pagsang-ayon.
Nanonood kami ngayon ng movie. Tungkol iyon sa isang malaki at puting robot. Animated iyon at hindi naman drama, pero hindi ko alam kung bakit sunod sunod ang patak ng luha ko. Para na nga akong tanga dahil natawa silang lahat habang ako naman ay naiyak.
Seryoso ang lahat sa panonood nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi ko na sila inistorbo kaya ako na ang pumunta.
"Sino yan?" sigaw ko pero walang sumagot.
Binuksan ko iyon ng kaunti para masilip kung sino pero humarang sa mukha ko ang isang bouquet ng bulaklak.
"Ano ba!" inis kong binuksan ang pinto at tumambad sakin ang mukha ni Nico.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat ako sa bigla nyang pagpunta matapos ang ilang linggo kaya nawala ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.
Napansin nya ang pagkagulat ko kaya sya na ang naunang nagsalita.
"Ikaw lang ba mag isa?" tanong nya.
Umiling lang ako, hindi parin alam ang sasabihin.
Tumango sya at tinignan ako sa mata, "Can we talk? I mean... outside? Yung tayong dalawa lang sana."
Lumunok ako, pilit na binabasa ang tuyo kong lalamunan.
"S-Sure."
Maingat at tahimik kaming umalis ni Nico nang hindi mahalata ng apat. Nagulat ako nang may naghihintay na kotse sa tapat ng aking apartment.
"Sayo yan?"
Umiling sya, "Kay daddy. Hiniram ko muna habang nandito sa Manila."
Tumango ako. Pinagbuksan nya naman ako ng pinto at umupo ako sa passenger's seat. Pagkasara ng pinto ay umikot naman sya para makapasok na din, pagtapos ay inabot sa akin iyong bouquet kanina.
"Para pala sayo."
"T-Thanks."
Ngumiti sya at binuhay na ang makina, "Saan mo gusto?"
"Uhmm... Basta hindi matao. Ang pangit kasi ng suot ko ngayon."
Tumango naman si Nico.
Naging tahimik ang byahe namin. Hindi ako nakapagsalita dahil sa hiya. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ginagawa ito ni Nico.
Para ba to makabawi sa akin? Kasi kung yun nga ang dahilan, hindi na kailangan dahil hindi nya naman ako obligasyon. May sarili din syang buhay. Hindi nya dapat inilalaan ang lahat ng oras nya para sakin.
Tinitigan ko si Nico habang nagmamaneho sya. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa'king sarili.
Paano kaya kung hindi kami nagkakilala ni Eroll? Paano kung si Nico ang naging boyfriend ko? Ano kayang buhay ang mayroon ako ngayon?
Matagal ko nang kaibigan si Nico kaya kilala ko na sya. Kung yun ang pagbabasehan ko, siguro napakasaya ko ngayon. Wala kaming away, walang sakitan, at walang problema. Pero kahit na ganun, hindi ko magawang kumbinsihin ang sarili ko na magiging masaya nga talaga ako sa kanya.
Dahil kahit na nakikita ko na ang lahat ng maganda kay Nico, hindi ko parin sya nagawang mahalin.
Habang si Eroll... minahal ko agad kahit na walang kasiguraduhan. At ngayon, patuloy ko syang minamahal kahit nakita ko na ang lahat ng pangit sa kanya. Kahit naranasan ko na ang lahat ng hirap, kasama sya.
Mahal ko eh.
Ganun siguro talaga ang buhay. Kasabay ng saya ang sakit. Dahil hindi mo naman talaga maaappreciate ang kasiyahan mo kung hindi ka nakaranas ng hirap.
"Andito na tayo."
Nawala lang ang lahat ng iniisip ko nang magsalita si Nico. Mabilis sya lumabas para pagbuksan muli ako ng pinto.
Nasa tapat kami ngayon ng isang malaking gusali. Hula ko ay isa itong condominium dahil sa napakagrandeng endrada nila. Kahit na nag aalangan ay sumama ako kay Nico sa loob, paakyat sa unit nya.
"Sabi mo kasi sa hindi matao, kaya dito ang naisip ko. Unit ito ni daddy, pero pinahiram nya muna dahil bihira lang naman magamit."
Tumango ako habang pumapasok kami sa loob.
"Ang ganda! Mas maganda pa ata to sa condo mo."
"Yup. Mas malaki kasi ito at mas detalyado."
Iminuwestra sa akin ni Nico ang sofa kaya naupo ako doon. Pumunta sya ng kusina at kumuha ng kape pagtapos ay tumabi narin sa akin. Unti onti na rin akong nasasanay sa presensya nya kaya nung makita kong hindi nya alam ang sasabihin, ay ako na ang unang nagsalita.
"Para saan ba to, ha? Wag mo sabihing may aaminin ka sakin?" biro ko.
Nilingon nya ako. Agad nawala ang ngiti ko dahil sa titig nya.
"N-Nico--"
"I'm sorry, Jean. I just... can't help it."
Sandali akong naguluhan sa sinabi nya pero agad ko ring napagtanto.
Yung kiss ba ang tinutukoy nya?
Nag init ang pisngi ko dahil sa naisip, "A-Ah. Yun b-ba. Wala yun, kalimutan--"
"No, that's not what I mean."
Natigil ako sa pagsasalita at hinintay nalang ang sasabihin nya.
"Totoo nyan Jean... matagal na kong may gusto sayo."
My eyes widened in surprise. Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba kaya hindi ako nakapagsalita.
"I liked you, Jean. Even before Chris. Kaya lang, nagsabi sya sa akin na gusto ka nyang ligawan. Kaya nagpaubaya ako. Inisip kong makakalimutan din kita, dahil akala ko infatuated lang ako. Pero hindi eh."
He focused his eyes on mine as he continue.
"I love you. Napagtanto ko lang yun nung nakita kong masaya na kayo ni Chris. Kaya lumayo ako dati. Pero ngayon... seeing you hurt, makes me want to have you even more. I'm tired of running from my feelings. Mahal kita, Jean. Seryoso ako noong sinabi ko sayong ako ang pupuno sa pagkukulang ni Chris. If you will just let me."
"W-Wait, what?"
Naguguluhan ako. Sa tagal kong kilala si Nico, hindi ko alam na may ganito syang nararamdaman sa akin. Pero bakit nya to sinasabi ngayon? I'm pregnant, for God's sake! Hindi tama itong nararamdaman nya para sakin dahil wala namang maidudulot yun sa kanya. I'll only drag him down with me. Masasayang lang ang buhay nya sa akin.
"Alam kong mahal mo pa si Chris. Pero kung hindi mo na kayang makasama sya, sana pagbigyan mo akong pumasok sa puso mo. I'll take care of you."
"Wait, Nico. This isn't a game. Buntis ako. Alam mo ba ang magiging buhay mo sa akin? Masisira ang kinabukasan mo!"
"The hell I care! Mas mahalaga ka sakin!" hindi na napigilan ang pagtaas ng boses nya dahil sa nararamdaman.
"So, anong gusto mo? Ikaw ang ipapakilala kong ama ng anak ko? Tapos ikaw na ang aako ng lahat? Ganun ba, Nico--"
"Yes."
Natigilan ako sa sagot nya. Even if that sounds stupid, his eyes were serious. Not a bit of hesitation was there. Like it's telling me that his decision was final. But mine was, too.
Papayagan ko syang tulungan ako, pero hindi na kaya ng konsensya ko ang hinihingi nya. Hindi ko kayang idamay sya sa katangahang ginawa ko. I'll pay for my own mistakes. Kahit pa wala si Eroll, kahit pa mag isa lang ako, aakuin ko ang lahat ng mali ko.
Chapter 28
Eris' POV
"No."
Parang biglang nanlumo ang mukha ni Nico dahil sa sagot ko.
"Jean, alam ko kung paano ka trinato ni Chris. He always takes you for granted! Hindi ka na nya iniisip kaya nangyari sayo yan. Pero Jean, ako aalagaan kita. Kaya ko ding mahalin ang batang dinadala mo. Basta hayaan mo lang ako." he insisted.
"Alam mo ba ang mangyayari kapag ginawa ko ang gusto mo? Magkakagulo, Nico! Sayo magagalit sila mama! At paano kung biglang dumating si Eroll, at sabihin nyang sya ang ama? Edi mas lalong gumulo!"
Kahit pa anong sabihin nya, imposible talaga ang gusto ni Nico. Alam kong kapakanan ko ang iniisip nya pero hindi talaga pwede. Hindi ko pwedeng idamay sya dito.
He shook his head, "Kilala ko si Chris, Jean. Kapag sinabi ko sa kanyang ako ang ama ng pinagbubuntis mo, he'll believe me. Oo magagalit sya, pero bandang huli, maniniwala sya at iiwan ka nya."
He paused at mas lalong lumungkot ang mukha nya,
"Ganung klaseng tao si Chris. Paniniwalaan nya ang sasabihin ng iba, pero sarado ang utak nya pagdating sayo. I know you know that by now."
Sandaling akong natahimik. Unti-onti ko naring nararamdaman ang pagtutubig ng aking mga mata.
He's right. Ganun nga ang ugali ni Eroll. He only thinks about himself. Kung ano ang magpapasaya sa kanya, kung ano ang tingin nyang tama. Lahat tungkol sa kanya. At ang masakit, hindi nya alam na nasasaktan ako.
Pero kahit na ganun, paninindigan ko ang desisyon ko. Kahit pa masaktan ako ng paulit-ulit, ayos lang. Sya yung minahal ko eh...
"Masasaktan ka lang lalo sa kanya."
I looked him straight in the eye, making him understand.
"Then so be it."
"Jean--"
"Kung masaktan man ako, edi sige. Kung iwan nya ako, ok lang din. If that's the price of loving him... I can take all of it. Pero hindi ko kayang idamay ka sa paghihirap ko, Nico. Alam kong iniisip mo lang ako, pero hindi mo naman kailangan eh. I can handle it myself... Please, try to understand."
Huminga sya ng malalim. Sa tingin ko ay handa nang sumuko sa usapan namin.
"Ayaw ko lang mawasak ka, Jean... Na kung masasaktan ka ng paulit-ulit, mawawala yung ikaw na kilala ko... I can't forgive myself if that happens."
His words pierced right through me. Nang dahil lang sa mga salitang iyon ay nakaramdam ako ng sakit at takot.
Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa bigat ng emosyon nya, pero masakit marinig iyon na galing mismo sa kanya. Nico was nothing but good to me. And it hurts seeing him like that, all because of me.
Kasabay nyan ay natatakot ako. Dahil hindi ko naman talaga alam ang mangyayari. Hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng pamilya ko matapos kong magtapat. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko ba talaga ang lahat ng ito.
I'm 18...
My mind maybe tough. But my heart? I'm not sure.
Pinagmasdan ko si Nico. Nakayuko sya pero kita ko parin ang pamumula ng kanyang mga mata. He's about to cry, pero alam kong pinipigilan nya yun dahil ayaw nyang maging mahina para sa akin.
Nilapitan ko pa sya at niyakap ko ang braso nya. Ramdam ko ang panginginig ng buo nyang katawan. Kaya hindi ko narin tuloy napigilan ang mga luha ko.
"Hey... That's not gonna happen. At kung sakali mang mawasak ako, alam kong ang anak ko ang bubuo ulit sakin."
I smiled, trying to imagine what my baby would look like.
"You don't have to worry..."
Tinagilid ni Nico ang ulo nya at pinatong iyon sa ulo ko. He exhaled a deep breath and calmed himself. Then he nods after a while.
Binalot kami ng katahimikan. Walang nagsalita sa amin dahil parehas naming kinakalma ang sarili.
That was exhausting, emotionally. Pero masaya ako dahil sinabi iyon sakin ni Nico. Nalaman ko ang nararamdaman nya at ang kagustuhan nyang tumulong. Unfortunately, hindi ko nga lang kayang suklian ang mga iyon. All I can do is love him... as a friend.
"Nico?"
"Hmm?"
"Thanks... for loving me."
Nilingon ko sya at ganun din ang ginawa nya.
He forced a smile, then ruffled my hair.
"What's not to love?
Sadali naming tinitigan ang isa't isa, pero naputol iyon nang tumunog ang aking cellphone. Umirap ako sa ere sa pag-aakalang sila Irene lang iyon, pero binalot ng takot ang aking katawan ng makita ko kung sino. Lumakas ang kabog ng puso ko sa kaba, kaya tumingin ako kay Nico. Nagtaka naman sya sa akin.
Lumunok ako at pilit na inayos ang sarili, bago ko sinagot ang tawag.
"H-Hello?"
"Ej!" ang masayang boses ni Mama ang sumalubong sa akin.
"M-Ma! B-Bakit po?"
"Nako nak! Magandang balita! Uuwi ang Tita Eva nyo kasama ang mga pinsan nyo!"
Nanlaki ang mata ko sa gulat, "Ho?! Eh hindi ba nagtatrabaho pa sya sa America? Bakit po biglaan ang uwi?"
Humagikgik si Mama, "Pinayagan kasi syang magleave ng matagal ngayon, kaya ayan at uuuwi bigla! Maganda nga iyon dahil ang tagal na natin silang hindi nakakasama."
Hindi ako sumagot. Pinakinggan ko lang ang mga susunod pang sasabihin ni Mama.
"Oo nga pala, doon nalang daw sila sa katabing bahay titira. Tutal ay wala naman na ang Lola ninyo at ginagawa lang nating imbakan yun. Inaayos na ng Papa mo dahil sa isang araw na ang dating nila."
"Ha?!"
"Oo! Ang saya, hindi ba? Kaya dapat ay mag ayos ka na at umuwi ka na bukas para madatnan ka nila dito, ha! Osige na! Ingat ka jan." tsaka nya binaba ang tawag.
Natulala ako dahil sa sinabi ni Mama.
Bukas? Uuwi na ako?
Paano na yung plano ko? Balak ko pa naman sanang magtapat na pagkauwi ko, pero hindi ko pa kaya bukas! At dadating sila Tita... paano pa ko magkakaroon ng pagkakataong magtapat kung lahat sila nandun?!
"Jean, ok ka lang? May problema ba?"
Binalingan ko si Nico na mukhang nag aalala na sa akin.
"Nico..."
Tumayo sya at nilapitan ako, "What?"
Pumikit ako nang mariin. Sa isang iglap ay naglaho ang plano ko at mas gumulo ang problema ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang ayaw kong umuwi pero kailangan.
Bakit ba kasi ngayon pa nangyari to?!
"I'm screwed..."
Chapter 29
Eris' POV
"Ok ka lang?" tanong ni Nico sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot.
Noong tumawag si Mama sa akin ay umuwi rin agad kami ng apartment. Nagpaalam ako kela Irene at nag ayos na agad ako ng gamit kahit na labag sa kalooban kong umuwi. Bukod kasi sa hindi pa ako handa, hindi ko rin maatim na makita sila habang may tinatago akong lihim. Pakiramdam ko ay sinasaksak ko sila ng patago.
"Magiging maayos din ang lahat. Kapag bumalik ang tita at mga pinsan mo sa states ay tsaka mo nalang sabihin."
Tinitigan ko si Nico habang nagmamaneho. Nasa byahe kami ngayon pauwi ng Cavite. Ang sabi nya ay sabay na kaming umuwi, kaya pumayag akong magpahatid. Ako lang naman daw kasi ang dahilan ng pagluwas nya. Kaya kung wala na ako doon ay wala na rin saysay kung magtatagal pa sya sa Manila.
"Pero hindi ko alam kung hanggang kailan sila. Paano kung mahalata na nila ako?"
"You'll be fine. Hindi pa naman lumalaki ang tyan mo kaya hindi yan mahahalata."
Panay ang pag-aassure ni Nico sa akin, pero hindi ko alam kung bakit sobrang kabado parin ako. Dahil ba sa may tinatago lang ako? Hindi ko alam. Pero sana ay mawala na tong kaba ko.
Halos dalawang oras ang byahe namin. Umiikot lang sa akin ang usapan namin ni Nico hanggang sa hindi ko namalayang malapit na pala kami sa bahay.
Kumalabog agad ang puso ko nang makita ko ang arko papasok ng baranggay namin. Lalo pa itong lumalas nang naaninag ko na ang aming pulang gate.
"We're here." sabi ni Nico matapos pumarada sa harap ng bahay.
Lumunok ako at pilit na inayos ang sarili. Pinasadaanan ko pa ng tingin ang suot kong tshirt, tinitignan kung talaga bang hindi halata ang tyan ko bago ako lumabas ng kotse.
Dala na ni Nico ang mga gamit ko. Kaya naman pagkasarado ko ng pinto ng kotse ay tuloy tuloy na kaming naglakad papasok. Nanlamig agad ang katawan ko nang nahawakan ang pinto namin pero pilit kong pinakalma ang sarili para hindi mahalata.
"Tara?" anyaya ko kay Nico.
Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Akala ko noong una ay kapatid ko lang ang naroon. Pero laking gulat ko nang tumambad sa akin si Mama, kasama si Tita Eva pati ang mga pinsan ko sa may sala.
"Oh! Ej!" salubong sa akin ni Mama sabay lapit sa amin.
"Good morning po, tita." bati ni Nico na sinuklian naman ni Mama ng ngiti.
"Kasama mo pala si Nico! Hindi ka man nagsabi. Buti maaga kayo?"
Nagmano ako kay Mama ganun din si Nico.
"Ang aga po kasi nito." sabay turo ko sa katabi, "Galing din sya ng Manila kaya sinabay nya na ako pauwi."
"Mabuti at nagsabay kayo. Salamat Nico, ha?" sabi ni Mama kay Nico.
"Wala pong anuman." sagot naman nito.
"Oh! Si Ej na ba yan?"
Natigil kaming tatlo nang biglang lumapit si Tita Eva sa amin. Bigla akong tinamaan ng hiya at kaba nang makita sya nang malapitan.
"Tita!" nagmadali akong nagmano sa kanya. Masaya akong makita sya pero hindi ko magawang matuwa nang lubos dahil sa takot ko.
Niyakap naman ako ni Tita Eva na mas lalong nagpakaba sa akin.
"Dalaga ka na pero maliit ka parin!" biro nya.
"Tita naman eh!"
Tinawanan nya lamang ako pagtapos ay bumaling kay Nico.
"Oh, eto ba yung kaibigan mo na lagi mong ikinukwento dati?"
Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa hiya. Yun kasi yung panahong may gusto pa ako kay Nico.
"Opo. Tita si Nico, Nico si Tita Eva. Kapatid sya ni Mama." pagpapaliwanag ko.
"Good morning po. Nice meeting you po." sagot ni Nico at nagmano rin.
"Aba, hindi mo naman sinabing gwapo pala ito. Magalang pa! Dapat ay binoyfriend mo na ito, Ej."
Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Tita. Tinawanan naman ako ni Nico nang makita iyon.
"Halika na nga. Pumasok na tayo at kumain. Ej, puntahan mo na ang mga pinsan mo. Ipakilala mo na rin sa kanila si Nico."
Pumunta na ako sa sala matapos iyon sabihin ni Mama. Nandoon nga ang mga pinsan ko at nakasalampak silang lahat sa sofa. Tumayo lang sila nang makita ako.
Nagulat pa ako noong una nang makita silang lahat. Akala ko kasi ay mga anak lang ni Tita Eva na si Ate Cassie at Rossel lang ang naroon, pero maging ang anak ni Tita Gina na si Ate Ferna, Kuya Ren, Rj at Iya ay naroon din.
"Ej!" sabay na tili ng mga babae, habang ang dalawang lalaki naman ay malawak ang ngiti.
Sinalubong ko silang lahat ng yakap kahit na naiilang ako dahil sa aking tyan. Nagkamustahan din kami pagtapos ay pinakilala ko sa kanila si Nico. Mabilis naman syang nakasundo ng mga lalaki.
"Akala ko si Ate Cass lang at Ross? Pati pala kayo." sabi ko kay Iya.
"Eto kasing si Ate, naexcite nung malamang umuwi sila Tita. Kaya ayan sumugod dito. Dinamay pa kami." sagot naman nito.
Tumango ako at napatingin naman kay Ate Cassie na biglang sumingit.
"Uy Ej, may girlfriend na ba yang si Nico? Reto mo naman ako!"
"Child abuse ka Cass." sabat naman ni Ate Ferna.
"Hoy excuse me! 23 palang ako no! Apat na taon lang tanda namin."
Umirap nalang kami habang natatawa sa kabaliwan nya.
Namiss ko sila. Namiss ko yung ganito na bonding namin. Pero kahit na anong gawin ko ay naiilang talaga ako.
Mga pinsan ko sila. Kahit na matagal kaming hindi nagkita, alam kong kilalang kilala parin nila ako. Natatakot tuloy ako na baka sa sobrang close namin ay malaman nila ang sikreto ko.
Matapos ang mailkli naming kwentuhan ay tinawag na kami ni Mama sa kusina. Nakahanda na roon ang pagkain. Nakaupo narin si Tita Eva at ang kapatid kong si Jacob. Pero dahil sa dami namin, naisip nalang naming kumain sa sala dahil hindi na magkasya ang lahat sa lamesa.
Dala ko ang pagkain ko pagtapos ay umupo ako sa katabing pwesto ni Nico sa sofa. Kanya kanya na rin ng pwesto ang mga pinsan ko.
"Ej, pinaalam ka pala namin kay Tita Elena. Sama ka samin mamaya."
Napalingon ako kay Kuya Ren na biglang nagsalita.
"Ha? Saan?"
"Bar hopping."
Nanlaki ang mata ko, "Hala, pumayag si Mama?!"
Ngayon naman ay si Ate Cass ang sumagot, "Naman! Kami pa! Tsaka magbbonding sila ni Mommy, kaya ok lang yan."
Kabado akong lumingon kay Nico. Tinignan nya rin ako at parang nag iisip rin ng pwedeng sabihin. Napansin naman ni Ate Ferna ang pagtititigan namin.
"Kung may lakad kayo, isama mo nalang din si Nico. Tutal ay kasundo nya naman na ang boys."
"Ako nang bahala kay Nico, Ej." singit pa ni Rj kaya wala na akong nagawa.
Pumayag nalang ako. Hindi nalang ako iinom para hindi makasama sa baby. Kapag nagtaka sila ay bahala na.
Kinagabihan ay nag ayos na ako para sa lakad namin. Ganun din ang ginawa ng mga pinsan ko. Si Nico naman ay umuwi at kikitain nalang daw kaming sa bar.
Faded jeans, tank top at fannel shirt ang sinuot ko. Pakiramdam ko kasi ay mahahalata ang tyan ko kaya dinoble ko na suot. Pagbaba ko ay nakahanda na silang lahat.
"Let's go, let's go!" maligayang sinabi ni Ate Cassie.
Sumakay kaming lahat sa Innova ni Kuya Ren. Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bar na napili nila. Hindi iyon magulo katulad ng mga club. Tamang tutog lang at mas kaonti ang tao.
Halatang masaya ang lahat pero ako naman ay problemado. Dati na kasi kaming nainom ng mga pinsan ko kaya baka magtaka sila kapag hindi ako uminom ngayon. Lalo pa akong namroblema nang binigyan na ako ng shot ni Kuya Ren.
Nico, asan ka na ba?!
"Oh, hindi ka iinom? Bago yan ah!" sabi ni Rossel nang mapansin ako. Nilingon naman ako ng lahat kaya mas lalo akong napressure.
"Iinom ako." simpleng sagot ko tapos ay kinuha na ang shot ng Whiskey.
Shit! Paano ko itatapon to nang hindi nila nahahalata? Oh wait... Saan ko pala itatapon?! Nakalimutan kong hindi nga pala kalsada to! Langya naman oh. Dapat pala ay nagdala ako ng plastic!
Ay ewan! Bahala na si batman!
Inilapit ko ang baso sa aking bibig. Pepekein ko nalang sana ang pag inom nang biglang may humablot noon sa aking kamay. Nagtaas ako ng tingin at nakita si Nico na mabilis nilagok ang Whiskey na para sana sakin.
"Nico!"
Inilapag nya ang baso pagtapos ay umupo sa tabi ko. Nakipag-highfive din sya kay Kuya Ren at Rj.
"Ako muna iinom para kay Jean, ha? Kakagaling lang nito sa sakit eh." paalam nya.
"Ha? Bakit hindi mo sinabi, Ej!" sabi ni Ate Cassie.
"Oo nga! Sige Nico, hindi na namin paiinumin." singit ni Ate Ferna.
Nakahinga ako nang malalim dahil dun. Buti nalang talaga at dumating na si Nico. Kung hindi ay mababaliw ako!
Chapter 30: Soon...












