AM18 (Chapter 6-10)
Chapter 6
Eris' POV "E-Eroll?!"
Powta. Powta. Powta! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Tangina ibabaon na ko ni Eroll nang buhay! Guyt help T_T
Nanlilisik ngayon ang mga mata nya. Yung tingin na nagsasabing tangina-mo-bakit-kasama-mo-yang-mokong-na-yan! Kasi naman Eris eh! Ang tanga tanga lang. Talagang dito pa kayo sa school nag-usap, eh pwede namang lumabas nalang kayo.
"Eroll.. It's not what you think." sabi ko pero hindi sya sumagot.
Hinatak nya ko papatayo sa kinauupuan ko at itinago sa likod nya.
"Anong ginagawa mo dito." malamig na pagkakasabi nya kay Nico.
"Relax bro. I'm not doing anything."
"Just returning to this school means you're planning something. Ano bang kailangan mo ha?"
Wow. Sige mag-englishan lang kayo. Ok lang ako dito.
"Bumalik lang, may balak na agad? Hindi ba pwedeng namiss ko lang yung school?"
"Wag mo kong gaguhin Nico! Kilala kita! Pwede ba layuan mo na si Eris!"
At bago pa makasagot si Nico, hinila na ko ni Eroll palabas ng cafeteria.
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay nya dahil sa galit. Syet natatakot ako.
Kakausapin ko ba sya? O tatahimik nalang ako? Wahh hindi ko na alam ang gagawin ko!
Lumabas kami ng campus at dinala nya ako sa tambayan nila dati. Umupo sya sa may bleachers sabay labas ng yosi. Aawatin ko pa sana sya kaso naisip kong galit nga pala sya. Kaya naupo nalang ako sa tabi nya. Takot ko lang no.
Nung maubos nya yung yosi, tsaka nya lang ako kinausap.
"Bakit ka nakipagkita sa kanya?" he asked coldly. Napalunok naman ako.
"Kasi.. Ano eh.. Hindi ko alam na sya yung--"
"Hindi mo alam?! Eh bakit hindi ka umalis nung nakita mo sya?!"
Aba aba, sumosobra na to ah! Tama bang sigawan ako?!
"Punyeta naman bakit ka nasigaw?!"
"Eh alam mo naman kasi yung nangyare dati diba?! Bakit hindi ka pa umiwas?!"
"Tanga ka ba?! Bestfriend ko din yun! Hindi lang yun kung sinong tao na kaya kong iwas-iwasan! Tsaka wala na kong pakielam sa issue nyo!"
Mukang nagulat naman si Eroll sa mga nasabi ko. Totoo naman kasi eh! Porket may issue sila, damay ako? Unfair dude!
"Huh. Hindi ko alam na masasabi mo yan Eris. Sabagay, ano nga ba ako sayo? Eh boyfriend mo lang naman ako."
Pagkatapos nyang sabihin yun, kinuha nya yung bag nya sa may bleachers at umalis na nang tuluyan.
--------------
"Shot pa! Mga putang ina nyo! Pahamak kayo sa buhay!" sabi ko habang hawak hawak ang bote ng san mig.
Kasama ko ngayon si Irene at Michelle. Ang puno't dulo ng lahat ng to. Tengena kundi ko lang kaibigan tong dalawang to, baka nahampas ko na sa kanila tong boteng hawak ko!
"Ano ba yan Jean! May klase pa kami, paalisin mo na kami parang awa mo na!" pagmamakaawa ni Irene.
"Letche wag nyo kong pinaglololoko! Sasamahan nyo ko o ihahampas ko tong mesa sa inyo?"
"Tangina sinong aalis?! Tara inom pa! Rak na ituu!" sabi nya.
May pagka-alien din talaga tong babaeng to eh. Nahawa na ata sa crush nyang si Taehyung -___-
Buti pa si Ilong ko, ang pogiii! Hahaha!
Pero buset! Naiinis parin ako kay Eroll! Tengena nung hayop na yun! Akala mo tatay ko kung pagsabihan ako. Ha! Manigas yung bangs nya, hindi ko sya kakausapin! Pakyu sya.
----------
Nico's POV
Kahit kelan talaga panira ng moment yung si Chris. Yun na eh! Magkasama na kami ni Jean, napurnada pa. Tanginang buhay nga naman.
Bumalik nalang ako sa dorm dahil wala naman nang mangyayaring maganda sakin dun sa school. Pero kararating ko palang, parang gusto ko nang umalis -____-
"Aahhh! Uhhmm! Harder! Harder!"
"Hard na kami te! Hard na hard na!"
"Tangina Paul! Hard ka na nyan?! Eh kasing laki lang yan ng kikiam eh!"
"Gago! Kesa naman sayo, kasing hard ng muscles mo, yang mukha mo!"
"Moom Manesxsxs!"
"MGA PUTANG INA NYO! MAGSITIGIL NGA KAYO!" sigaw ko sa kanila. Napatingin naman silang tatlo sakin.
"Uy Nico! Just in time! Nanonood kami ng bold!" pagmamalaki ni Daven.
Tangina mo, proud to be ka pa? Hindi pinagmamalaki yan ulul!
"Yeah. We seeing bold. Want to see too?" sabat naman ni Keifer.
PUTA. ANO DAW?
WE SEEING BOLD?
WANT TO SEE TOO?
Yes, I want to see!
I want to see how your face would look like, pagtapos kong ihampas sayo tong tv!
Tangina meeennn! Nakaka-stress kayo!!
Papasok na sana ako ng kwarto ko dahil ayaw ko nang makita ang magmumukha ng mga bugok na yun, nung bigla namang may tumawag sakin.
Si Michelle.
Ano kayang kailangan neto?
Sinagot ko naman agad yung tawag nya.
"Oh Arie. Anong problema?"
"Nico puntahan mo namin kami oh. Andito kasi si Jean.. Lasing."
"Si Jean?! Teka asan ba kayo?!"
"Sa Papa's. Bilisan mo ha!"
"Ok sige papunta na ko." tapos pinatay ko yung tawag.
Shet. Bakit nandun si Jean? Eh kanina lang magkasama sila ni Chris ah? Dammit. Ano kayang nangyare?!
Chapter 7
Eris' POV
"Ang sakit ng ulo ko Nicooo!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas hampas yung braso nya.
"Sinong tanga?"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Tangina naman neto, sakit na nga ng ulo ko ang hard mo pa sakin." pagmamataray ko.
"Eh bakit ka ba kasi nag-inom?!"
Naalala ko tuloy yung nangyare kanina. Bwisit! Bwisit ka talaga Eroll! Kung di lang kita mahal, matagal na kitang pinatay!
"WALA!" padabog na sagot ko tapos binilisan ko yung lakad ko.
Kasi naman eh. Bakit ba kailangan nyang magalit ng ganun?! Pwede namang sabihin nya nang mahinahon na dumistansya ako, edi sana pumayag pa ko.
"Andito na tayo." sabi ni Nico.
"Teka, wala na yung condo mo?" nagtatakang tanong ko.
"Meron pa. Kaso nabobored ako, wala kasing kausap."
"Ahh. Okay." sabi ko sabay tango.
"Pasok na."
Pumasok naman ako gaya ng sabi nya. Malaki din yung bahay, tsaka malinis. Pwede na din.
"Ilan kayong nakatira dito?"
"Apat." sakto namang pagkasagot ni Nico, lumabas yung isa sa mga kasama nya.
"Uy Nics may bisita ka pala!" sabi nung lalaki.
"Guys baba kayo! May bisita si Nico!"
"Kung bakla nanaman yan, wag nyo na kong idamay. Parang awa nyo na." rinig kong sagot nung isa.
"Gago hindi! Chicks to pre!"
"TALAGA?!" sigaw nung dalawang nasa itaas.
Kaya nagsibabaan sila at pagkatapos tumakbo papunta samin ni Nico.
"Oo nga pre, chicks nga! Teka ihahanda ko na yung pick-up ko." sabi nung lalaking mejo chubby yung pisngi.
"Ehem. Who is he, Nics?" tanong naman nung payat na cute.
Ano daw? Who is he?
"Tanga babae yan! 'Who is her' dapat bobo!" sabat nung mejo macho.
Napa-facepalm nalang ako. Tangina lalo atang sasakit ulo ko dito eh.
"Alam mo Nico, kung ganyan lang din ang makakasama ko sa bahay. Mas gugustuhin ko pang mamatay nang walang kausap." iritang sabi ko.
"Haha! Mababait naman yang mga yan, kahit kulang kulang."
"Pakilala na kayo." sabi ni Nico sa kanila.
"Ako muna!" sigaw nung isa sabay taas pa ng kamay.
"Wag na! Gagamitin mo lang yung corny mong pick-up eh!"
"So what? Hi ate, Paul Pormé nga pala." sabi nya sabay lahad ng kamay nya.
"Pormé?" tanong ko at inabot din ang kamay ko. (A/N: por-mey po ang basa jan ;D)
"Yes. Alam mo ba kung bakit yun ang pangalan ko?"
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"Kasi I will do anything, just to make you Paul Pormé." sagot nya sabay kindat.
"..."
GUYS, KILL ME NOW.
"Tara alis na tayo, ang korni na." yaya ko kay Nico. Kaso tinawanan nya lang ako.
"Hahahahaha! Basted ka agad pre!" pang-aasar naman nung isa.
"Tangina nyo kasi eh."
"Pagpasensyahan mo na yan te. Fitz Daven Guillas nga pala." sabi nya tapos nakipag-shakehands din.
"Ako naman si Keifer Lee." matipid na sabi naman nung isa.
OK NAMAN.
Ang gwapo sana nila, kaso pare-parehas may saltik. Pano naging kaibigan ni Nico tong mga to?!
"Wag mo nalang sila pansinin." payo ni Nico.
Tangina panong hindi papansinin eh kahit saan ako pumunta, nakakalat yung mukha nila?!
Jusko po, patawarin nyo po ako kung may magawa man ako sa tatlong to.
------------
Umalis muna ako sa sala kung saan nandoon yung tatlong bugok. Lalo lang akong mai-stress sa pagmumukha nila eh.
Hinanap ko kung may tambayan sila sa likod, at nung makita ko, pumunta ako doon.
Nilabas ko yung kaha ng yosi na kaninang gamit namin nung nag-inuman, at pagkatapos ay kumuha ako ng isa.
Gulat kayo?
Oo nagyoyosi ako, pero minsan nalang. Kapag naiinis at stressed lang ako.
Simula kasi nung naging kami ni Eroll, sinubukan ko nang pigilan dahil ayaw nya nga din. Kaya ayan bihira nalang.
Sinindihan ko ito at naupo sa upuan na andito sa labas.
Hi-hits na sana ako nang may humawak sa kamay ko at pinigilan ako.
"Tigilan mo nga yan, o ayan stick-o! Yan ang hithitin mo!" sabi nya sabay salpak ng stick-o sa bunganga ko.
AS IN SINALPAK NYA NALANG BIGLA!
"ANO BA YAN NICO?!"
"Oh bakit?! Kulang pa?! Ayan isang galon, ubusin mo!" tapos biglang hinagis nya sakin yung lalagyan.
NAMUMURO NA TO SAKIN AH!
"PUNYEMAS! ISA PANG HAGIS MO BIBIGWASAN NA KITA!" sigaw ko sa kanya, pero hindi sya nagpaawat at sinigawan din ako.
"EDI GAWIN MO! BAKIT KA BA KASI NAGYOYOSI?! ANO BANG PROBLEMA MO JEAN?!"
TANGINA NETO?!
Nag-init ang ulo ko dahil sa pagsigaw nya, kaya ibinato ko sa kanya yung suot ko sapatos.
"ARAY! PUTA MASAKIT AH!"
"SINISIGAWAN MO KO EH!"
"EH SINISIGAWAN MO DIN KAYA AKO!"
"ANO BANG PAKELAM MO?! AKIN NA KASI YAN!" tapos pilit kong inaagaw sa kanya yung yosi ko.
Sa inis nya, tinapon nya nalang sa kanal.
"AYUN NASA KANAL, LANGUYIN MO!"
AY PU--! ASDFGHJK!
"ANO BANG PROBLEMA M--!"
Sisigawan ko sana ulit sya, sasapakin, sesermonan, ang kaso lang natigilan ako.
Hinawakan ni Nico ang magkabila kong pisngi, at tsaka ako niyakap.
"Wag mo ngang pabayaan ang sarili mo."
"N-Nico."
Bumitaw sya sa pagkakayakap, "Alam mo namang ayaw kong nagkakaganyan ka."
"S-Sorry.."
"Wag ka nang magsorry."
At kasunod ng malambing na pagkakasabi nya ng mga salitang yan..
Ay ang malakas na batok na kanina nya pa pinipigil.
"BWISIT KA NICOOOO!"
Chapter 8
Eris' POV
"Ano ba! Wag mo nga akong sundan!"
"Sorry na kasi! Kausapin mo na ko!"
"Heh! Manigas ka!" sigaw ko sabay takbo.
Kainis naman to! Kanina pa habol nang habol! Mula palang sa pintuan ng bahay, hanggang sa makarating ako ng school, nakabuntot parin.
"Babe! Eris!" narinig kong sigaw nya.
Argg! Nakakainis na talagaaa!
"Pwede ba Eroll wag mo na kong sundan! Konti nalang talaga mahahampas ko na sayo tong bag ko!" sabi ko at tsaka padabog na pumasok ng room, kaya naman lahat ng kaklase ko napatingin sakin. PATI NARIN YUNG PROF KO.
"Miss Salvador, please wag mong dalhin sa class ang kung ano man ang misunderstanding nyo ng boyfriend mo." pagsaway nya sakin.
Napatango nalang ako sa sobrang hiya ko. At pagtapos ay umupo na sa upuan ko.
"LQ kayo?" tanong ni Joseph. Remember him? Yung bwisit na stalker namin ni Eroll from chapter 2?
"Shut up Seph, kung ayaw mong isubsob ko yang pagmumukha mo sa desk ko"
"Ouch! Na-hurt naman ako. Ang hard mo talaga sakin, no?"
"Oo. Kasing tigas ng mukha mo. So please, shut up already." sabi ko sabay irap sa kanya.
Dahil naman dun, nabaling ang tingin ko sa glass window. And guess who's there?
Si Eroll.
Kainis. Hindi ba sya titigil? At talagang naghintay pa sya sa tapat ng room ko?
Mahirap bang intindihin na galit parin ako sa kanya?! Ugh!
Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanya, at nakinig nalang sa dini-discuss ng prof ko. And after two hours of discussion, natapos na rin.
Guys nakasurvive ako! Praise me!
Inayos ko na ang mga gamit ko, pero bago pa man ako makalingon, may humatak na agad sa braso ko.
"Babe, kausapin mo na ko, dali na." sabi nya.
"What the?! Andito ka parin?!"
"Kausapin mo na kasi ako please. Sige ka, break na tayo kapag di mo ko kinausap."
WOW HA?! NAHIYA NAMAN AKO SA KANYA!
"EDI BREAK KUNG BREAK! TSE!" sigaw ko sabay hairflip.
ABA! PAPATALO BA KO? MASYADO NANG MAKAPAL ANG MUKHA NYA NO!
Kinuha ko ang mga gamit ko sabay labas ng room. And at last! Tumigil na sya sa kahahabol.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad, pero hindi pa ko nakakalayo nang makarinig ako ng tilian galing sa room ko kanina. At dahil tsismosa ako, bumalik ako para tingnan kung anong meron.
Sumilip ako ng konti sa may pinto, "Ano kayang meron?"
Sisiilip pa sana ako nang mas malapit para makita ko, pero napabalikwas ako pabalik sa pwesto ko nung may sumigaw.
"KYAAAAA ANG GWAPO MO TALAGA KUYAAA!!!"
Anu ba yung babaeng yun! Kung makasigaw akala mo naman kinukurot. Pero teka..
Gwapo daw.
Sino kaya yun? Hehe.
Masilip nga. Hindi naman pagc-cheat yun diba? Sisilip lang naman ako kung sino eh.
Bumalik ako sa may pinto para makita kung sino nga yung gwapong tinitilian nila. But my smile turned into a frown pagkakitang pagkakita ko sa lalaki.
Ayos ka talaga Chris Eroll! Nalingat lang ako, may nilalandi ka nanaman! Humanda ka talaga sakin!
Pumasok ako sa room sabay hawak sa kamay nya, "Let's go babe! Tapos na klase ko."
Napakunot naman ang noo nya, "Akala ko ba break na tayo?"
"Ha? Kelan ko sinabi yun?"
"Uhmm. Kanina?" naka-ngising sabi nya kaya nagreact yung mga babaeng nalapit sa kanya.
"Oh break na pala kayo te eh, alis na!"
"Yahh. Wag mo nang ipilit ang sarili mo kung ayaw nya sayo."
Napataas ang kilay ko, "So feeling nyo naman papatulan nya kayo kapag break na kami?"
"Of course! Diba kuya?" sabi nung isa sabay palupot sa braso ni Eroll.
Kaya ayun, nag-init ang ulo ko at tsaka hinatak ang mahaba nyang buhok mula sa room palabas ng pinto.
"Awwww! Ano ba bitawan mo koooo!" sigaw nya.
"Hoy ikaw babae ka, wag kang malandi! At pwede ba, pumili ka nang lalandiin mo wag yung boyfriend ko!" sagot ko naman sa kanya.
Nagulat naman yung mga kasama nya kanina, pati narin si Eroll.
"Oh, anong tinitingin tingin nyo?"
"At ikaw, sumunod ka sakin." sabi ko kay Eroll.
"Y-yes babe." sagot nya at nangangatog pang sumunod.
Naglakad ako hanggang sa makalabas kami ng campus, at nung makarating kami sa tambayan, tsaka ko lang sya nilingon.
"Oh ayan na, kakausapin na kita. Ano na yung gusto mong sabihin?" cold na pagkakasabi ko.
Napasimangot naman sya, "Sorry na."
"Ewan ko sayo."
"Sorry na nga eh. Eto oh, peace offering." sabay abot ng box na maliit.
"Oh, ano yan?"
Hindi sya sumagot..
"Ano nga yan?!" sigaw ko pa, pero hindi parin sya sumagot. Instead, he came close at hinawakan ang kamay ko.
Sabay sinuot nya yung regalo nya sa daliri ko..
"Dapat sa birthday ko pa to ibibigay sayo, kasi diba malapit na tayong mag 6 months nun. Ang kaso napaaga kasi nga nagalit ka." sabi nya habang nakatingin lang sa kamay ko.
I WAS SPEECHLESS.
Yung feeling na kahit anong gawin ko, wala talaga akong maisip na sabihin.
Naging bato lang ako, literally.
Ang tanging nagawa ko lang ay batukan si Eroll sabay sabi ng, "Bwisit ka talaga."
Sweet ko ba? Eh kese nemen debe?! Bigyan ba naman ako bigla ng singsing! Sino bang hindi mababato nun?!
"Sooo.. Bati na tayo?" sabi nya na may alanganing ngiti.
Ano pa nga ba?
"Oo na. Kainis ka."
Biglang lumawak ang ngiti nya, tapos bigla nalang akong niyakap at nagtatatalon pa.
"Tama na Eroll, ang OA na."
"Sorry. Natuwa lang talaga ako." natatawang sabi nya.
"Sayang talaga babe. Dami ko pa namang plano sa birthday ko. Dapat sasabihin ko pa yung 'wear this ring, as a token of my love--' ARAY!"
"ULUL BADUY MO!" sigaw ko sa kanya pagtapos syang batukan. Corny amputa!
"Baduy nga, sweet naman." sabi nya sabay kindat.
YUCK! EWW! BAKIT BA KO NAINLOVE SA BADUY NA TAONG TO!
"Kilabutan ka nga!"
"Haha. Sus, kinikilig ka lang!"
"Asa naman."
"Ah ganun? Halikan kita jan eh." banta nya.
"Edi halikan mo! Halika na nga, iuwi mo nalang ako."
"Okay."
"Uhmm. Babe." pahabol na sambit nya.
"Bakit?" tanong ko.
Ngumiti sya sabay sabi ng, "I love you."
Nag-pout lang ako at hindi na sumagot. Alam nya na yun, di ka kailangang sabihin.
Alam nya nang kinikilig ako.
----------------
"Nakakainis sya! Nakakainis sya!" sigaw ko kay Nico habang kausap sya sa cp.
["Pero kinikilig ka, parang tanga lang."]
"Eh nakakakilig naman kasi talaga, hihi."
["Oh anong pinaglalaban mo?"]
"Wala nakakainis lang kasi ang dali nya kong pakiligin mehehe."
["Nasaan ang pake ko dun?"] pambabara nya.
"Putang ina mo, bigti ka nalang. Wala kang kilig sa katawan. Good night!" mabilis na pagkakasabi ko sabay binaba ko na yung call.
Bwiset eh. Makatulog na nga lang.
After a few minutes ng magmumuni-muni, nakatulog narin ako.
And I woke in the morning, with a big question mark on my face. I don't know why, but I dreamed of something strange that night.
Lahat ng pangyayari napakalinaw pa sa utak ko.
At ang tumatak talaga sakin ay yung matandang hinabol ako. Hindi dahil sa nakakatakot sya, or she's so weird.
But because of what she said..
"Ingatan mo yung baby mo."
Chapter 9
Eris' POV
"Bilisan mo nang pumasok Jean!" sigaw sakin ni Michelle.
Bwisit kasi tong mga to, sa dami ng booth dito, dun pa sa may fortune telling pumunta. Ano namang mapapala ko dun? Eh boka lang yang mga yan. Kainis lang.
"Lika naaa!" sambit ni Irene sabay hatak sakin.
"Hindi na ko sasama sa loob. Kayo nalang."
"Halaa bakiiiit?" sabay na sigaw nila.
"Eh basta. Ayaw ko talaga. Hanapin ko nalang sila Eroll."
Nagpout sila, "Ang KJ mo."
"Sige na, pumasok na kayo. Wag nyo na kong isama. Babush!" sabi ko naman.
Paalis na sana ako nang biglang may humatak sakin.
Napasigaw ako dahil sa gulat, "Ay punyeta!" Lumingon naman ako sa likod.
Pag lingon ko, isang matandang babae ang bumungad sakin. Puti na ang mga buhok nya tapos naka-robe sya.
Siguro sya yung manghuhula dito sa may tent?
"Ginulat nyo naman ako nay. Ano po bang kailangan nyo?" tanong ko, pero hindi nya ko sinagot.
Ngumiti lang sya tapos sabay sambit ng, "Ingatan mo baby mo."
Nanlaki naman ang mga mata ko, at medyo kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero nanigas lang ako sa pagkakatayo ko.
Wala naman akong anak ah? Bakit nya sinabi sakin yun?
"Teka nay, nagkamali po ata kayo? Bakit nyo po sinabi sakin yun?"
Ngumiti lang ulit sya at tsaka pumasok sa may tent.
'Ingatan ko baby ko?'
"Babe.."
Bakit nya sinabi yun?
"BABE!"
"H-Ha?!"
"Sino ba yang iniisip mo ha? Kasama mo na nga ako, kung sino sino pang lalaki iniisip mo." sabi sakin ni Eroll.
Kanina pa pala ako tulala, ngayon ko lang napagtanto.
"Siraulo! Wala akong iniisip no!"
"Eh kanina pa ko kwento nang kwento, di ka naman nakikinig."
"Wala kasi, ang weird lang ng panaginip ko kagabi."
"Bakit? Wet dreams?" nakangising tanong nya.
"Tanga! Lalaki lang nagw-wet dreams! Bobo!" sabi ko naman sabay bato sakanya ng unan. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto nya.
"Hahaha alam ko! And FYI, I'm not an idiot."
Tangina mo pa-english english ka pa. Ibato ko sayo tong kama mo eh.
"Gusto mo?" alok nya sakin sabay abot ng kinakain nyang piatos.
Hindi ako sumagot. Hanggang ngayon kasi napapaisip parin ako dahil sa panaginip ko. Sabihin ko na kaya kay Eroll?
I paused for a sec, tapos tumungin sa kanya.
"Babe, pano kapag buntis pala ako?" biglang tanong ko sa kanya.
Pero hindi man lang sya nagulat sa tanong ko.
"Edi maganda." nakangiting sabi nya.
"Ha? Pano naging maganda yun?!"
"Eh kasi magkakababy na tayo!"
"Sira ka talaga. Eh paano kapag ayaw ko? Kapag hindi pa ko handa?"
Napataas naman yung kilay nya sa sinabi ko, "Kapag anjan na, handa ka man o hindi, kailangan nalang natin tanggapin. Baliw ka ba?" sagot nya.
"Ehh basta ayaw ko pa."
"Edi wag. Mag-aanak nalang ako sa iba. Hahaha!"
Napakunot ang noo ko,"Tang ina mo? Edi mag-anak ka sa iba! Anakan mo si Kaye para masaya!"
Tinawanan nya naman ako.
Hayop to?! Pagtapos nyang sabihin yun, tatawanan nya lang ako?!
"Joke lang babe, ikaw lang syempre no. Teka nga, bakit ba ganito yung topic natin?" tanong nya.
"Wala naman. Nanaginip kasi ako kagabi. Ang weird nga eh. May matandang nagsabi sakin na alagaan ko daw yung baby ko, eh wala naman akong anak! Nakadrugs ata eh."
"Talaga? Malay mo, baka may laman na nga talaga yan hahaha." sabi nya habang nakaturo sa tyan ko.
"Gago. Anong laman? Ta3?"
"Ewan kooo~ Don't worry papanindigan naman kita eh." pang-aasar pa nya.
"Sira ka. Ah basta, ayoko pa! A.Y.O.K.O!"
HINDI PA PWEDE! MADAMI PA KONG GUSTONG GAWIN! TSAKA PATAY AKO SA PAMILYA KO!
"Hindi naman ikaw ang mamimili kung magkakababy na tayo o hindi eh."
Napa-pout naman ako sa sinabi ni Eroll. Oo nga, alam ko yun. Pero sana hindi pa talaga. Sana wag muna. After 5 years siguro pwede na, basta wag lang ngayon.
Sa bahay na nila Eroll ako nagdinner, at pagkatapos din nun hinatid nya na ko sa bahay.
And as usual, katakot-takot na sermon nanaman ang natanggap ko.
Wala namang pinagbago eh. Kahit pilitin kong magpakabait, sesermonan at sesermonan parin nila ako. So why bother, diba?
Umakyat agad ako sa kwarto ko pagkauwi ko. Naghilamos, nagbihis, tapos naghanda nang matulog. Pero nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan bago pa man ako makahiga.
So I went to the bathroom, and did what I had to do.
Pero bigla akong napa-isip.
Oo nga pala...
Kelan nga ba yung huling dalaw ko?
Chapter 10
Eroll's POV
"Late ka lang. Magkakaron ka din, hintayin mo lang." sabi ko kay Eris.
Kagabi pa daw kasi sya hindi mapakali, kasi malapit nang mag isang buwan pero hindi parin daw sya nagkakaron. Alam nyo na.. Yung buwanang dalaw.
"Ehh babee. Kinakabahan na talaga ako. Mag-PT na kaya ako?"
"Hindi pa naman natin sure eh. Saka nalang. Kapag sa monthsary natin, wala ka pa. Bibili na ko."
Napasimangot naman sya.
"Sige na nga." malungkot na sabi nya.
Nginitian ko naman sya, "Wag ka nang sumimangot. Sige na pumasok ka na, papasok na rin ako."
"Okay. Sige na, kita nalang tayo mamaya." sabi nya tapos pumasok na sa room nila.
Naglakad na rin ako papunta sa room ko. Nung makapasok ako, nagtinginan sakin yung mga kaklase ko.
Problema ng mga to? Ngayon lang nakakita ng gwapo?
"Chris, may naghahanap sayo." sabi nung isa kong kaklase.
Sakin? Sino naman hahanap sakin?
"Sino daw?" tanong ko.
"Di namin kilala eh, basta sabi nya pagdating mo daw sabihin namin na aantayin ka nya sa may gym."
"Ah ok salamat pre. Wala ba tayong klase? Bakit wala pa si ma'am?"
"Wala. Napagod daw kagabi kaya di papasok haha." natatawang sabi nila.
"Mga gago. Sige alis na ko!" paalam ko.
"Haha sige pre."
Paglabas ko ng room, naglakad na ko papuntang gym. Tutal wala namang klase, baka hintayin ko nalang matapos yung klase nila Eris.
Pero bago yun, sino naman kaya yung naghahanap sakin?
At talagang pinapunta pa ko ng gym ha? Pwede namang dun nalang sa room. Tsk.
Pagpasok ko ng gym, walang katao-tao.
"Tangina nung mga yun, pinagtripan pa ko!" bulong ko sa sarili ko.
Akmang paalis na sana ako nang biglang may tumawag sakin mula sa likod. Agad ko namang nilingon kung sino yun.
I was surprised nung makita ko sya.
Si Kaye..
Bakit ako hinahanap nito?
"Eroll.." malambing na pagkakasabi nya.
Nagtaka naman ako sa tono ng boses nya, pero hindi ko nalang to pinansin.
"Oh, bakit mo ko hinahanap?" cold na pagkakasabi ko.
Hindi sya nakapagsalita, niyakap nya nalang ako bigla at tsaka humagulgol ng malakas.
"Teka! Anong nangyare sayo?!" nagtatakang tanong ko.
Dahan dahan syang tumingin sakin, "Buntis ako Eroll."
I paused for a minute.
Teka nga, bakit sakin nagrereklamo to?
"Bakit sakin mo sinasabi yan? Don't tell me, anak ko yan?" sarcastic na pagkakasabi ko.
"Mag-usap muna tayo please." pagmamakaawa nya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa."
"Pero Eroll buntis ako!" pagdidiin nya.
"Oh, anong pakealam ko? Dun ka magreklamo sa kung sino mang nakabuntis sayo."
"Eroll please, makinig ka muna sa sasabihin ko. Kailangang kailangan kita!"
"Tama na Kaye. Please lang"
"Please Eroll! Kung gusto mo isama mo si Eris! Maka-usap lang kita! Please!"
This is getting more and more frustrating! Hindi ba nya maintindihan yung 'hindi'?
"Eroll please.." sambit uli nya.
Hayy buhay. Kapag minamalas ka nga naman. Wala ka ngang klase, bigla ka namang hinanap ng Ex mo. Tapos sasabihin pang buntis sya. Ang saya lang diba?
Buti pa sana kung si Eris to eh. Edi sana nagtatatalon na ko kanina pa. Tsk.
"Oo na. Halika sa bahay."
-------------
Umupo ako sa couch malapit sa kanya. Buti nalang walang tao ngayon sa bahay.
"Let's hear it." sabi ko.
Uminom muna sya ng tubig at tsaka tumingin sakin, "Buntis ako." sabi nya.
"Oo, kanina mo pa sinasabi. Diretsohin mo na ko Kaye, ano bang kailangan mo?"
"Ikaw." mahinang pagkakasabi nya.
Napatawa naman ako ng mahina, "Wag na tayong maglokohan. Buntis ka ba talaga?"
"Oo buntis nga ako."
"Sinong tatay? Ako?" natatawang tanong ko.
"Hindi ba pwede?"
Muli nanaman akong natawa dahil sa sagot nya, "Ilang buwan na ba mula nung naghiwalay tayo? 6? 7 months? Wag mo sabihing pagtapos ng panahong yun, ngayon lang lumobo yang tyan mo?" sarcastic na sagot ko.
Naningkit naman ang mata nya dahil sa sinabi ko.
"Pakinggan mo muna ako.." ~ * ~
Eris' POV
"Hayop talaga yung Eroll na yun! Sabi nya may klase sya, pero andito yung mga kaklase nya sa labas! Ano lahat sila nagcutting, tapos sya lang yung pumasok?! Tangina matapos lang tong klase namin, mapapatay talaga kita!"
"Hoy ano bang binubulong mo jan ha?" biglang tanong sakin ni Michelle.
"Si Eroll kasi eh! Nakakainis!"
"Ewan ko sayo Jean! Si Eroll nalang lagi mong bukang-bibig. Ipalamon ko sayo yun eh." inis na sabi nya.
"Tse! Palibhasa, bitter ka. Kasi iniwan ka ni Yves!" pang-aasar ko naman sa kanya.
"Hoy excuse me no! Ako ang nang-iwan sa kanya!" Wow? Kaya pala iyak ka ng iyak nung nagbreak kayo?
"Ewan ko sayo. Kausapin mo nalang yang alien na katabi mo."
"What? Is that me you're talking about?" sagot naman nung alien.
Nakoo Irene. Konti nalang talaga, matutulad ka na kay Taehyung.
Pagtapos ng ibinigay na quiz ng prof namin, pinaalis nya na din kami. Buti nalang mabait sya ngayon.
Agad naman akong pumunta sa bleachers kung san nakatambay yung mga kaklase ni Eroll.
"Guys nakita nyo si Eroll?" tanong ko sa kanila.
"Si Chris?" sagot naman nung isa.
Hindi. Si Eroll. Tangina naman neto ang bobo. Eh iisang tao lang naman yun.
"Oo. Nakita nyo?"
"Lumabas ng campus. Uuwi daw sya."
Uuwi? Anong gagawin nya dun?
"Ahh. Sige sige salamat!" sabi ko atsaka naglakad na papunta kela Eroll, since walking distance lang naman.
Nung makarating ako doon, nakita kong nakabukas ang gate nila kaya pumasok nalang ako. Malamang wala sila tita, kasi hinayaan ni Eroll na bukas ang gate.
Nagtaka nalang ako nung nandun na ko sa pintuan nila. Andito nga yung sapatos ni Eroll, pero may isang pang sapatos dito. Pang babae.
Kaya imbis na pumasok, dahan-dahan nalang akong sumilip sa bintana.
Nagulat nalang ako nung makita ko kung sinong kasama nya.
At lalong kinagulat ko, ay yung pinag-uusapan nila.
"Hindi ko naman sinasabing akuin mo yung responsibilidad, gusto ko lang na tulungan mo ko." sabi ni Kaye.
Nagtaka ako nung una kung bakit kay Eroll sya nakikiusap, pero nawala lahat nang yun nunh si Eroll na mismo ang nagsalita.
"Sige tutulungan kita. Pero wag ka nang magpapakita samin ni Eris."













