Nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko. Halos muntik na kong tumumba, pero pinilit kong pigilan. Pati narin yung mga luha kong kanina pa gustong bumagsak.
Balak ko pa sana silang kausapin, pero nung marinig ko na yung mga yapak nila, bigla akong natakot.
Natakot akong malaman yung totoo.
Natakot ako na baka pag nalaman ko, mawala yung pagmamahal ko para kay Eroll.
Agad akong umalis nang hindi nagpapakita sa kanila. Naglakad kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Natauhan lang ako nung mapatigil ako sa isang bahay.
Sa dami naman ng bahay na pwedeng puntahan, dito pa ko dinala ng paa ko.
Tatalikod na sana ako at akmang aalis na, kaso may biglang tumawag sakin.
Sht! Wag ngayon please! Badtrip ako, wag ngayon!!
"Bakit nandito ka? Namissh mo shiguro kami no! Teka tatawagin ko shila!" sabi nya habang punong-puno yung bibig nya ng pagkain. Kaya ayun, lahat tumalsik sakin.
Napa-facepalm nalang ako.
Kapag minamalas ka nga naman.
Sinundan ko nalang sya at pumasok sa bahay nila, wala naman na kong magagawa eh. Diba?
Pagkapasok ko sa pinto, sumigaw narin yung bugok na kasama ko.
"GUYSH! ANDITO SI ERISH! COME DOWN FROM THERE!"
Nice, improving ang english ni Keifer ah? Mali nga lang ng gamit.
Maya maya lang rin, nakarinig na kami ng kalabog mula sa taas. At sabay sabay na nagtakbuhan yung tatlo pababa sa amin.
"Jean!" gulat na sigaw ni Nico. Nginitian ko naman sya.
"Jean ikaw pala. Eh bakit sabi ni Keifer, Erish?" tanong ni Daven. Napa-pokerface nalang ako.
"Jean my loves! Namiss mo ba ko kaya ka nandito?" tanong naman ni Paul.
"Mamimiss lang kita Paul kapag wala ka na sa mundong ibabaw." sagot ko naman.
"Ouch. That's hurting ah? Teka bakit ka nga ba nandito?"
Bakit nga ba? Hindi ko rin alam eh.
Tinignan naman ako ni Nico na may halong pagtataka.
"Napadaan? O sinadyang dumaan? Kilala kita Jean. Anong problema?" sabi nya.
Kilalang-kilala nya talaga ako. Kahit itago ko pa sa kanya, nalalaman nya parin.
Ngumiti rin sakin si Nico, at tsaka hinawakan ang kamay ko.
"Lika nga, mag-usap tayo." sambit nya.
Tumango naman ako, at hinayaan nalang si Nico na hilahin ako hanggang makalabas kami ng bahay nila.
"Pupunta lang kami ng condo pre, kayo na munang bahala jan ah." paalam nya kela Paul.
"Sige pre. Dapat pagbalik nyo, nakangiti na yang myloves ko ha!" sagot naman ni Paul.
"Oo nga. Tapos pag balik mo, ipagluto mo na kami ha? Namimiss ko na yung luto mo eh." singit pa ni Daven.
Napangiti naman ako sa sinabi nila at napatingin narin kay Keifer na hindi pa nagsasalita.
Tumingin din sya sakin tapos ngumiti, "You'll get over this. I know you can." sabi nya in STRAIGHT ENGLISH. Kaya naman nanlaki ang mata ko.
Bibilib na sana ako sa kanya, kaya lang nagsalita nanaman sya na nakasira sa cool image nya kanina.
Natawa nalang ako. Ok na sana eh. Sinira nya pa.
Pagtapos magpaalam, sumakay na ko sa kotse ni Nico at nagdrive narin sya papunta sa condo nya.
Wala parin palang pinagbago sa condo. Malinis parin. Pati yung mga picture namin na ang tagal tagal na, andito parin.
Lahat talaga ng bagay kahit na maliit man, basta't na kay Nico, iniingatan nya.
Sana lahat ng lalaki katulad nalang nya.
"Anong gusto mo Jean? Coffee, tea or me?" tanong ni Nico.
"Wala bang juice?" napasimangot naman sya sa sagot ko.
"Bakit naiinom ka ba? Nakakain ka ba?"
"Pwede rin." natatawang sagot nya.
"KADIRI KA NICO! IPAGTIMPLA MO NALANG NGA AKO!"
Ang green talaga neto! Nakakainis.
"Hahaha oo na, joke lang eh." sabi nya at pagtapos ay nagtimpla na ng juice.
Nung matapos sya, umupo sya sa tabi ko at iniabot sakin yung tinimpla nyang juice.
"Oh yan na yung juice mo." sabi nya na akala mo nagtatampo.
"Ano ba yan Nico, pati juice pinagseselosan mo."
"Eh mas pinili mo pa sakin yung juice eh. It hurts you know."
"Letche. Ako tong may problema tas ikaw yung nagdadrama?"
"Hehe. Sige na mag-open ka na. Ano bang problema?"
Biglang lumungkot yung kaninang masayang mukha ko. Naalala ko nanaman kasi yung nangyari kanina.
"Ano, sabihin mo na." pagmamadali sakin ni Nico.
Napabuntong hininga ako, "Kasi si Eroll.."
"Oh anong nangyare kay Chris?"
Tumingin ako ng diretso sa kanya, "Sa tingin ko, nakabuntis sya.."
"Baka naman mali lang yung narinig mo?" sabi ni Nico.
"Hindi nga! Yun nga talaga yung narinig ko!" mangiyak-ngiyak na sagot ko.
"Kausapin mo muna sya. Pakinggan mo yung paliwanag nya."
Binatukan nya naman ako, "Eh tanga ka pala eh. Nagmahal ka tapos ngayon natatakot ka?"
Lalo naman akong naiyak sa sinabi nya.
Kaya ko nga minahal si Eroll eh. Para hindi na ko masaktan. Kasi yun yung pangako nya sakin! Pero ngayon andito ako, umiyak sa best friend ko.
Tangina, asan dito yung pangako nyang hindi ako masasaktan?
Nanahimik ako saglit, at ganun din si Nico. Hindi ko na kasi alam kung ano pang sasabihin ko.
Napatingin nalang ako sa kanya nung bigla syang tumayo, at pumunta sa kusina. Pagbalik nya, may dala na syang beer.
"Oh. Uminom ka. Alam kong kailangan mo yan." sabi nya sabay abot ng beer.
"Ayoko. Magagalit si Eroll--" Teka nga. Bakit ko ba iniisip kung magagalit sya? Eh eto nga ako nasasaktan nang dahil sa kanya.
Ilang oras din kaming nag-inuman ni Nico. Hindi ko na nga namalayang gabi na pala. Buti nalang talaga kasama ko sya. Kahit papano sumaya ako.
Ang kaso lang, biglang naglaho yung saya namin nung may nagdoorbell sa condo ni Nico..
"Teka, tignan ko lang kung sino." paalam nya.
"Wag na! Ako nalang!" prisinta ko naman at pagtapos ay tumakbo na papunta sa pinto.
Pakanta-kanta pa ko, pero natigil yun nung buksan ko yung pinto.
"La la laa~ Sino kaya to--" nanigas yung buong katawan ko.
"So nandito ka lang pala?" sabi nya.
Bakit sya nandito? D-diba kasama nya kanina si Kaye? Bakit kailangan nya pa kong hanapin?
"Chris?" biglang sabi ni Nico na nasa likod ko na pala.
Tinignan lang sya ni Eroll at tsaka tumingin sakin.
"Lika na, iuuwi na kita." cold na pagkakasabi nya.
"Ayoko." pagmamatigas ko.
"Ano ba Eris! Halika na!" sigaw nya at tsaka hinatak ang wrist ko.
Inawat naman sya ni Nico at hinawakan ang balikat nya.
"Pre ayaw nya daw. Pabayaan mo nalang muna sya."
Hindi nanaman sumagot si Eroll. But I saw his jaw tightened, and his other hand balled into a fist. Nagulat nalang ako nung bigla nyang suntukin si Nico.
"Teka ikukuha kita ng yelo—" hindi na ko nakatakbo papuntang kusina nang biglang nanaman akong hawakan ni Eroll.
"Iwanan mo na sya, umuwi na tayo!" sigaw nya.
"UMUWI NA NGA KASI TAYO!"
Inalis ko ang kamay nya na nakahawak sakin, "DIBA SINABI KO NA NGA! AYOKO! AYOKONG UMUWI KASAMA MO!"
Lalo pang kumunot ang noo nya sa sinabi ko.
"ANO BA ERIS! PINAGHANAP MO NA NGA AKO KUNG NASAN KA, TAPOS NGAYON GANYAN PA TRATO MO SAKIN?!"
"BAKIT, SINABI KO BANG HANAPIN MO KO?!"
Nakita kong lalong humigpit ang pag-clench nya sa kamay nya.Mukang nakita din ni Nico kaya nakisabat na sya.
"Pre tama na. Mas mabuti pang bukas nalang kayo mag-usap."
Napatingin si Eroll sa kanya, "Bakit sino ka ba? Wala ka nang pakealam kung ngayon ko sya gustong kausapin. Problema namin to kaya wag kang makisali!"
"Alam ko yun pre pero magkakasakitan lang kayo ngayon. Magpawala nalang muna kayo ng init ng ulo."
"PUTANGINA! SINABING WAG KANG MAKISALI!" sigaw ni Eroll at muli nanamang sinuntok si Nico.
Hahawakan nya sana ulit ang kamay ko, pero hindi ko na sya binigyan ng pagkakataon.
Sinampal ko sya ng malakas na ikinagulat nya.
"Umalis ka na." mangiyak-ngiyak na sabi ko.
Hindi nakasagot si Eroll.. Siguro dahil hindi nya inakala na gagawin ko yun.
Sa galit nya, sinapak nya nalang yung pinto at tsaka umalis.
Naramdaman ko nalang na nanghihina ang mga tuhod ko, kaya bigla akong napaupo.
Bakit ganto yung nangyari?
Kanina ko pa sinusuntok tong pader, pero hanggang ngayon hindi parin nawawala yung galit ko.
ANO BA KASING PROBLEMA NYA?!
KUNG SAAN-SAAN KO SYA HINANAP! NI MAGTEXT HINDI NYA MAGAWA!
TAPOS MALALAMAN KO PANG PUMUNTA SYA SA BAHAY NG BESTFRIEND KO!! PUTANGINA! NAKAKAGAGO NA!
Humiga nalang ako sa kama.
Tangina. Ang sakit ng kamay ko ah. Hayy. Ano naman kayang gagawin ko dito sa bahay? Wala pa namang tao. Mag-inom nalang kaya ako?
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa. Tatawagan ko sana si Joseph. Ang kaso, may nagtext sakin.
Ano nanaman kayang gusto neto?
Agad ko naman tong binasa..
Asan ka? Kita tayo after ng klase ko. Kailangan ko na kasi talaga yung tulong mo.
Rereplayan ko sana sya, pero naalala ko. Masakit nga pala yung kamay ko.
Kaya tinawagan ko nalang sya.
"Sa labas ng campus, kakatapos lang ng klase ko. Pwede ka ngayon?"
"Oo. Pumunta ka nalang dito sa bahay, tinatamad akong sunduin ka."
"Okay! Papunta na ko." masayang sagot nya.
Pagtapos, binaba ko na agad yung tawag nya. At maya maya lang din, dumating na sya.
"Oh. Wala parin sila tita?" tanong nya sabay umupo sa sofa.
"Nakikita mo ba sila?" sarcastic na sagot ko naman.
"Sungit— Uy anong nangyare sa kamay mo?!"
Umiwas ako ng tingin, "Wala ka nang pakelam."
"Tsk. Wag ka jan. Dun ka sa kwarto ko maghintay. Baka biglang dumating sila mama, makita ka pa."
"Opo boss." sagot nya at sinunod naman ako.
Delikado kasi kapag nakita sya nila mama. Baka sabihin pa kay Eris, edi lalo akong— Teka nga. Puta bakit ko ba sya iniisip? Eh sya nga pumunta sa condo ni Nico eh!
Bahala na sya sa buhay nya!
Sa sobrang inis ko, pinira-piraso ko yung mga dahong nakuha ko kanina. At sabay tapon sa nakulong tubig.
Tangina, kung si Nico nalang sana tong dahon na to, edi sana tahimik na buhay namin ni Eris! Bwiset!
Pagkatapos kong gawin yung inumin, umakyat na ko sa kwarto. Naabutan ko naman si Kaye na nakahiga sa kama ko.
"Hoy! Wag ka nga humiga jan!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit? Dati naman na kong nahiga dito ah?" pabalang na sagot nya.
"Basta wag kang humiga jan!"
"Oo na! Putek. Nag-away kayo ni Jean no?" tanong nya.
Sinamaan ko naman sya ng tingin, "Ano naman?"
"Haha! Sabi na eh. Ganyan ka din kasi dati kapag badtrip ka sakin."
"Wag mo nang ibalik yung nakaraan." inis na sabi ko sabay abot nung ginawa kong inumin, "Oh. Inumin mo."
Napatingin sya dito, "Ano yan?"
"Yan yung iinumin ko?!"gulat na tanong nya.
"Inaabot ko nga sayo diba?!"
"Eh bakit puro dahon?! Tsaka.." tinikman nya, "ANG PAIT!!"
Napatingin ako sa kanya ng masama.
"Diba yan yung gusto mo? Yung ilaglag ang anak mo? Kaya magtiis ka!"
Napa-pout naman sya, "Ang hard mo talaga." sabay inom ulit.
Umupo lang ako sa sahig para antayin sya. Pero hindi pa nga nya nakakalahati yung iniinom nya, binitawan nya na to at tsaka tumayo.
"Alam ko na Eroll!" biglang sigaw nya.
"Yung ano nanaman?" inis na sagot ko.
Tumingin sya sakin sabay ngiti, "Imbis na yan ang inumin ko, mag-aalak nalang ako. Tapos sumali ka na rin sakin, tutal badtrip ka ngayon. Diba?"
"Bibili na ko!" sabi nya sabay takbo palabas kaya hindi ko na natapos yung sasabihin ko.
Kahit kelan talaga, ang kulit nung babaeng yun..
Maya maya dumating na din sya dala dala ang isang bote ng Emperador at isang pitsel ng juice.
Napabuntong hininga nalang ako. Sabagay may point din naman sya. Tsaka balak ko naman talagang mag-inom.
Umupo sya sa harap ko at pagtapos inabutan ako ng tagay.
"Oh. Pampawala ng badtrip." sabi nya tapos ngumiti.
Kinuha ko naman yun at tsaka ininom.
Salitan dapat kami ng tagay, ang kaso etong si Kaye nagreklamo. Lugi daw sya kasi babae sya, kaya ang nangyare.. Dalawa sakin, isa sa kanya.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa hindi namin namalayan na nakalahati na pala namin yung bote. Pinagtataka ko lang..
Sanay akong uminom, pero bakit parang..
"Eroll tagay ka pa! Nakaka-isa ka palang!"
"Ayoko na Kaye. Tigil na natin to." sobrang nahihilo na talaga ako.
"Nye. Konti palang nga ng naiinom natin eh. Sige na isa nalang." pagpupumilit nya.
Wala na kong nagawa kaya kinuha ko na at ininom ng diretso. Nagulat nalang ako na mas lalo pa akong nahilo kesa kanina.
Teka.. Isang shot lang yun pero bakit ganto?
Tumayo ako at tsaka humiga sa kama. Hindi ko na kasi talaga kaya.Wala namang reaksyon si Kaye.
"Oo. Kaya umalis ka na, matutulog na ko."
"Ehh mamaya na. Kwentuhan mo muna ako kung bakit ka badtrip." pagpupumilit nya.
"Syempre!" nakangiting sabi pa nya.
Hindi ko na sya sinagot para matapos na yung usapan. Hilong hilo na kasi talaga ako. Pero kahit na ganun, hindi parin sya umalis. Hanggang sa naramdaman ko nalang na tumabi sya sakin sa kama.
Tumawa sya ng mahina, "Balita ko nasa condo ni Nico ngayon si Jean ah?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, "Oh ano naman?" cold na pagkakasabi ko.
"Wala na kong pakelam sa kanila. Magsama sila kung gusto nila."
"Aww. Don't worry, aalisin ko yang init ng ulo mo.."
"Ha?" tanong ko pero hindi nya na ko sinagot.
Bigla nya nalang akong hinalikan.
Shit! How did I end up in this situation..
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung mag-away kami ni Eroll. At hanggang ngayon, hindi parin kami nakakapag-usap. Hindi ko na alam kung ano nang nangyare sa kanya.
Malapit pa naman na yung birthday nung gagong yun..
"Mali ba ko?" tanong ko kela Irene.
"Ano sa tingin mo?" sagot nila.
Kung kayo tatanungin ko, mali ba ko? Mali bang magalit ako dahil sa ginawa nya sakin? Mali bang hindi ko sya pinapansin, dahil hindi ko pa kaya?
"Nagalit lang naman ako dahil sa ginawa nya ah! Mali na ba yun?"
"Bakit Jean, ano nga bang ginawa nya?" sambit ni Michelle.
"Ano.. Niloko nya ko? Nabuntis nya ata si Kaye..? "
"Yun naman pala eh! Ngayon ikaw ang tatanungin ko. Tama ba yung ginawa mong nagalit ka sa kanya nang hindi mo man lang sya pinagpapaliwanag?"
Psh. Eh nakakainis naman kasi eh! Hindi ko man alam kung totoo yun, pero the fact na kasama nya si Kaye sa bahay nila at silang dalawa lang, isang malaking kasalanan na yun no! Tapos yung ginawa nya pa kay Nico!
"Pero sinapak nya si Nico!"
"Na nagawa nya lang dahil nakita nya kayong magkasama!" sagot ni Michelle.
"Teka nga, sino ba talagang kaibigan mo samin?!"
Nakakahalata na ko ah! Parang ako yung dehado dito!
"Ikaw syempre. Pero mali ka Jean, kaya ko to sinasabi sayo!"
"Eh mali din naman sya ah!"
"Hay nako ewan ko sayo. Jan ka nalang kay Irene makipag-usap. Baka magkasundo pa kayo."
Napatingin naman ako kay Irene. Tangina! Kanina pa pala tulala, kaya pala hindi nasagot!
"Bahala na nga kayo jan! I hate you Michelle!" sigaw ko tsaka walk-out.
Wala akong mapapala dun! Uuwi nalang nga ako para iwas stress. Boset!
Maya maya lang nakarating na ko sa bahay namin. Pero something's odd. Parang ang tahimik, tapos may mesa pa na nakalabas sa may garden.
May handaan kaya? Ang alam ko kasi nilalabas lang nila yun kapag may okasyon.
"Ma! Pa! Andito na ko!" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay.
Weird. Walang nasagot. Dati kapag sumigaw ako, nasagot na agad sila mama. Except kung wala sila syempre.
"Maaa? Paaaa?" sigaw ko pa at tsaka naglakad lakad sa bahay.
"Mukang wala nga ata sila- *boogsh!"
"ARAY! PUT- TAY! Hehe. Andito pala kayo." Isisigaw ko sana nang malaman kong si Papa pala yung nabangga ko.
Puta muntik na yun ah. Kundi nabalibag na ko ng Papa ko.
"Anong Tay? Kelan mo pa ko tinawag na Tay ha?" takang tanong ni Papa.
"Hehe, nahawa lang po ako sa kaklase ko. Anyway Pa, bakit nakalabas yung lamesa? May okasyon ba?"
Napangiti si Papa, "Oo nak! Mag-iinuman kami!"
Ibinaling ni Papa ang mukha ko sa may kusina sabay turo dun sa lalaking nakaupo, "Sya."
Mag-iinuman sila ni Eroll..
MAG-IINUMAN SILA NI EROLL?! KELAN PA SILA NAGING CLOSE?!!
"At bakit hindi?" sagot nya.
"Pa naman eh! Magkaaway kami ngayon!"
"Kaya nga kami mag-iinuman eh, dahil magkaaway kayo. Muka kasing malungkot yung bata kaya ayan niyaya ko."
THE HELL! AT TALAGANG SI PAPA ANG NAGYAYA HA?!
"Hep! It's final. Nakabili na nga ako ng beer oh." pagmamayabang pa ni Papa habang hawak-hawak yung binili nyang beer.
Napasimangot nalang ako at tsaka padabog na naglakad paakyat ng kwarto. Nadaanan ko naman ang kusina kaya napatingin sakin si Eroll.
Holy sht. Ang gwapo nya parin. Pero mejo na-haggard nga sya ng onti.
Nginitian nya lang ako. Yung ngiting nagsasabing bakit-mo-ko-iniiwasan-ha! Kaya nginitian ko lang din sya. Pisti sya, bahala na sila jan.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang bigla ulit magsalita si Papa.
"By the way anak, dito matutulog si Eroll kaya ayusin mo yung isang kwarto."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Papa..
"TALAGA?!" sigaw ni Irene mula sa kabilang linya.
"Puta Irene, ang sakit sa tenga ha!"
"Hehe sorry nagulat lang. Pero seriously, andyan nga si Eroll?"
"Oo nga! At ang lakas pa ng loob na makipag-inuman kay Papa! Akala naman nya makikipag ayos ako. Kahit gamitin nya pa si Papa, hindi ko sya kakausapin!" sagot ko.
I heard her sighed, "Bakit ba kasi ayaw mo pang makipag-ayos?"
"Wala lang. Naiinis pa ko eh. Tsaka ang sakit kaya!"
"Gago, eh ikaw ang nananakit sa sarili mo eh! Hindi pa nga nag-eexplain yung tao, nag-aassume ka na agad."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Irene. Tangina neto, aawayin din ata ako.
"Ah basta! Galit parin ako sa kanya!"
"Edi galit na kung galit. Nagrereklamo ka pero ikaw naman tong ayaw makipag-ayos. Try mo kayang kumain ng flourescent, nang maliwanagan yang utak mo!"
"Pakyu ka Irene. Humanap ka na nga ng ibang kausap!"
"No thanks. Tutulog nalang ako. Sige na, baka mahawa pa ko sa kagaguhan mo. Bye!" sabi nya at tsaka binaba yung call.
Bwisit na babae yun! Trashtalkin ba naman ako! Alam na ngang may problema yung tao eh. Hayy.
Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog.
Tumayo ako ng kama at naisipan kong bumaba para tignan kung ok pa sila. Pero mali ata yung desisyon ko..
Kasi habang pababa ako ng hagdan, nakasalubong ko si Mama na inaalalayan si Papa sa pag-akyat.
"Anong nangyare Ma?" tanong ko.
Itinuro nya si Papa, "Ayan.. Lasing."
Napa-facepalm nalang ako.
"Andun sa baba si Eroll, alalayan mo nalang din. Tulog na yung kapatid mo eh."
"Hala Ma! Ayoko! Gigisingin ko nalang si Jacob!" pagmamaktol ko.
"Wag na! Ikaw na tumulong dun. Ang sarap na ng tulog ng kapatid mo, wag mo na gisingin." sagot naman ni Mama at nagpatuloy na sa pag-akyat.
Ano ba yan! Tulog daw eh naglalaro lang naman yun ng COC! Badtrip talaga, special treatment nanaman.
Bumuntong hininga nalang ako at tsaka bumaba. Wala narin naman akong magagawa eh.
Inabutan kong nakasalampak si Eroll sa lamesa, at mukhang lasing na lasing.
Ayos! Pagtapos nyang magpakalasing, magpapabuhat sya sakin..
Nilapitan ko sya at pagtapos ay niyugyog ng malakas.
Napatingin sya sakin, "Babe! Tara *hic* inom ka!" bulol na pagkakasabi nya.
"Gago matutulog ka na!" sigaw ko at tsaka inalalayan syang tumayo.
"Ulul. Baka gusto mong iwanan kita dito para yang si Bark ang katabi mo?" sabi ko habang nakaturo sa aso namin.
"Eto naman, highblood agad."
"Sino ba naman kasing hindi mah-highblood sayo." sabi ko pero hindi na sya sumagot.
Few minutes passed. Nung paakyat na kami ng hagdan, tsaka lang ulit sya nagsalita. His eyes look so serious. Tapos expression-less pa yung mukha nya. Bigla tuloy akong napalunok sa sobrang kaba.
"Babe.." pagsisimula nya.
Tumahik muna sya saglit, at tsaka sambit ng.. "Bakit ang ganda mo kapag lasing ako?"
Nawala ang lahat ng expression ko sa mukha.
TANGINA LANG? ANO TO BASTUSAN?! KABADO PA KO SA SASABIHIN NYA YUN PALA TA-TRASHTALKIN LANG AKO! PUTA IHULOG KO KAYA TO SA HAGDAN, NANG MAWALA ANG KALASINGAN?
"Hehe tangina mo rin Babe."
Aba gago to. Binatukan ko nga.
"Hayop ka talaga! Ayan, matulog ka na! Bwiset!" sigaw ko sabay balibag sa kanya sa kama nang makarating kami sa kwarto.
Akmang paalis na sana ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko, at tsaka hinatak ako pahiga sa kama.
"Hoy Eroll ano ba!" pagpupumiglas ko.
"Mmm.. Wag kang *hic* malikot.."
"Anong wag malikot! Eh dinadaganan mo ko!"
"Namiss lang kasi kita.." malungkot na sambit nya.
Bigla tuloy akong natigilan. Nakakainis..
Bakit ba kahit sobrang nasasaktan na ko sa kanya, hindi ko parin sya kayang tiisin?
Hanggang sa hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at niyakap ko nalang din sya. Napatingin sya sakin at napangiti. And then started leaning towards me, hanggang naramdaman ko nalang ang mga labi nya.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko, "Wag na tayong mag-aaway ha?" malambing na sambit nya at tsaka bumalik sa paghalik sakin.
The next thing I know.. is we're already making love.
Ano pa nga bang magagawa ko?
"Uy sorry na kasi.. Kakabati lang natin, galit ka na agad." pagmamakaawa ni Eroll.
"Letche ka. I hate you!" sigaw ko naman at tsaka pumasok na ng classroom.
Napakamot nalang sya ng batok sabay alis na.
"Oh ano nanamang problema nyo?" tanong ni Michelle.
"Pfft. Wag mo nang tanungin Michelle, hahagalpak ka lang ng tawa hahaha! Hanggang ngayon nga hindi parin ako maka-recover eh haha!" natatawang singit naman ni Irene.
"Bakit ano ba kasing nangyare?!" sigaw ni Michelle.
"Hoy Irene! Binabalaan kita!"
"Oo na! Hindi ko sasabihin."
Nakampante naman ako sa sinabi nya kaya nag-iba na ko ng tingin.
Pero talagang mali na magtiwala ka sa tropa mo pagdating sa ganitong bagay..
"WHAT?! NAKATULOG SI EROLL HABANG NAKIKIPAG-SEX KAY IRENE!!"
Napatingin ang lahat ng nasa classroom sa direksyon namin.
Tangina lang Michelle! At talagang sinabi mo pa yung pangalan namin ha?!
Tumingin ako ng masama kay Michelle..
"Hehe. Sorry! Nabigla lang." sabi nya habang naka-peace sign.
"Alam mo kung hindi lang kita kaibigan, baka kanina ko pa nabalibag sayo tong upuan ko."
"Sorry na nga! Pero seryoso Jean. Pano mo nalamang tulog na pala yung ka-ano mo hahaha!"
"Tama na nga! Naiinis na ko ah!"
Bigla namang sumulpot si Joseph out of nowhere.
"Oh bakit highblood si Jean?"
"Nakatulog kasi si Eroll habang nag-aano sila ni Jean hahaha!" sagot nung dalawa, kaya nanlaki ang mata ni Joseph.
"HA?! EDI HINDI NYO NATAPOS?!" sigaw nya. IN A SARCASTIC TONE.
"SIGE PUTA PAGTULUNGAN NYO KO!"
"Hahaha! Eh kasi naman Jean, EPIC!" sabi ni Michelle with matching palo pa sa binti.
"True! Ano kayang itsura mo nung nalaman mong tulog na pala sya? Hahaha! Malamang kung nakita ko yun, mamamatay ako kakatawa!" singit pa ni Irene.
"Isa pang asar nyo, hahambalos ko sa inyo tong bag ko."
"Tsk tsk. Ok lang yan." pahabol ni Joseph.
Kaya ayun, sya yung nahambalos ko..
"Ughh! Nakakainis ka! Kasalanan mo to eh!"
"Hoy! Lasing ako nun! Ikaw naman kasi eh, inakit mo pa ko!" sagot ni Eroll.
"Aba puta kasalanan ko pa? Eh ikaw nga yung nagfirstmove eh!"
"Na hindi ko gagawin kung hindi mo ko hiniga sa kama."
Biglang akong napaupo at napahawak sa tyan ko.
Nakakahalata na ko pero hindi ko lang sinasabi. Ilang linggo na kasing sumasakit ang tyan ko. Yung parang dismenoria. Pero ang weird dun, wala naman akong dalaw. At never in my life ko ding maranasan yun kapag meron ako.
"Babe, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Eroll.
"Ok lang." sagot ko naman pagtapos ay inalalayan nya kong tumayo.
Tumango ako, "Oo nga. Teka babe, may tao ba sa bahay nyo?"
"Bakit? Itutuloy natin?" nakangising tanong nya.
"Sira! May gusto kasi akong gawin."
"Ano?" takang tanong nya.
Gago lang? Kaya nga mag-PPT eh, para malaman kung buntis o hindi. Minsan talaga kulang-kulang to.
"Haha oo na! Eto na pupunta na."
Sinunod nya naman yung gusto ko. Pagkatapos namin maglunch, pumunta na kami sa bahay nila. Pero bago yun, dumaan muna kami sa drugstore para bumili ng PT.
Muntik pa ngang mapagalitan si Eroll kasi nung tinanong sya kung saan nya raw gagamitin, ang sinagot ni tanga, itatry nya raw kasi baka buntis sya. Siraulo diba?
"Kung nakita mo lang yung mukha nung matanda babe, grabe!" natatawang sabi nya tsaka salampak dun sa kama nya.
"Oo na paulit-ulit ka. Akin na yung PT dali."
Inabot nya naman sakin, "Uminom ka muna bago ka magtest." pahabol nya.
"Bakit? Kailangan ba yun?" tanong ko.
Wala naman kasi akong alam sa ganto no! Nagpaturo nga lang ako sa kanya kung pano to gamitin eh.
"Hindi. Pero kasi nga iihi ka diba?"
"Bakit, iihian ko ba yung buong PT? Hindi naman diba?"
"Boset ka talaga. Pasalamat ka mahal kita eh. Sige na gawin mo na yung gagawin ko!" asar na sabi nya.
Kasi mags-suggest, wala namang kwenta. Ayan, basag tuloy.
Pagkalapag ko ng gamit ko, bumaba na ko papuntang CR nila. Tapos ginawa ko yung tinuro sakin ni Eroll. Umuhi ako sa palad ko, at pagtapos kinuha yung parang tube na plastic at tsaka pinisit para makakuha ng kaunti.
It may sound gross, pero ganun talaga dapat. Tsaka hindi ako prepared! Alangang umihi ako sa baso or sa tabo, para lang makakuha ng onti. Edi mas kadiri yun, diba?
Pagtapos kong maghugas, dali dali akong umakyat sa kwarto.
"Oh Babe, ikaw na magpatak jan! Baka magkamali pa ko." sabi ko sabay abot ng PT sa kanya.
"Ano ba yan, ipapatak lang eh. 3 lang naman kailangan eh, di ka ba marunong magbilang?"
Napasimangot nalang sya at ginawa na nga yung sinabi ko. Sa kanya ko narin pinahawak, kasi baka mapakain ko pa sa kanya yan kapag nakita ko yung result.
Tahimik lang akong naghihintay ng reaksyon nya, habang sya naman parang petiks lang at parang hindi man lang dinadapuan ng kaba.
Pagkatapos ng 3 minuto, nakita kong unti-onti syang napapangiti.
"Bakit? Anong result?" kabadong tanong ko.
"Positive babe!" tuwang tuwang sambit nya.
Natulala ako sa narinig ko.
Hindi to pwede.. Hindi pwedeng buntis ako..
"Bumili ka pa." pagpuputol ko sa sasabihin nya.
"Bumili ka pa ng isa. Dali na!"
"Parang timang to. Ayan na nga oh, positive. Bakit bibili pa?"
"Ehh basta bumili ka pa."
Napakamot nalang ng ulo si Eroll at tsaka umalis ulit para bumili.
Hindi ako naniniwalang positive yun. Sira yun malamang! Yung susunod baka ayos na, kaya relax ka lang Eris..
Maya maya lang ay dumating na si Eroll.
"Oh ayan na! Last na yan! Ang mahal kaya." pagrereklamo nya.
"Oo na! Teka tatry ko ulit. Jan ka lang ah!"
"Oo! Kala mo naman tatakasan sya."
Pagkasabi nya nun, bumaba na ulit ako at pumuntang CR. Ginawa ko yung ginawa ko kanina, pero ngayon ako na ang nagpatak. Baka kasi mali si Eroll kanina.
Pagtapos nun ay umakyat na ulit ako.
"Babe hawakan mo nga ulit! Nanginginig ako eh!" sabi ko sabay abot ng PT.
Umupo ako sa kama nya at tsaka tinitigan ko ulit ang magiging reaksyon nya.
Pagkalipas ng ilang minuto, unti-onti nanamang lumawak ang ngiti nya.
"Ano negative na?" tanong ko.
"Positive nga! Ayan pangalawa na, papangatlo ka pa?"
Para nanaman akong binuhasan ng malamig na tubig sa sagot nya.
"Oy papangatlo ka pa talaga?! Tama na kasi babe! Positive na nga oh!"
"Hindi nga pwedeng maging positive yan!"
"Ano bang gusto mo? Negative? Teka, akin na yang ballpen mo, buburahin ko yung isang line." sabi nya at tsaka binura nga yung isa.
"Ayan na, isa nalang yung guhit hahaha!" biro nya.
Puta, mukha ba kong nakikipagbiruan? Biruin mo na ko sa ibang bagay, wag lang sa gantong sitwasyon!
Hinablot ko yung PT sa kanya, "Akin na nga yan! Ano bang ginagawa mo?! Sabi ko bumili ka eh!"
Kita kong mejo naaasar na si Eroll sa usapan namin.
"Babe naman eh. Positive na nga yan kahit anong gawin mo. Kasi nga bunt-!"
Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya, agad ko nalang syang sinampal ng malakas. Natulala naman sya ng dahil dun.
"Bumili ka nalang Eroll. Please." malamig na sambit ko.
Nakita ko ang pag-ngisi nya..
"Ha. Para san pa? Bakit ba kasi nagpapabili ka pa? Ayan na nga yung result oh. BAKIT AYAW MO PANG MANIWALA?!"
"AYOKO NGA KASI NG RESULT NA TO! AYOKONG MAGING POSITIVE SYA! AYOKO PANG MABUNTIS! HINDI MO BA KO NAIINTINDIHAN?!!"
"EH PUTCHA NAMAN ERIS! AYAN NA NGA YUNG RESULT EH! ANJAN NA YAN! KAHIT ANONG GAWIN MO, HINDI NA YAN MABABAGO! KAHIT BILHAN PA KITA NG BENTENG PREGNANCY TEST, POSITIVE PARIN ANG LALABAS!"
Nag-init ang ulo ko sa mga sinabi nya. Kaya pinagbabato ko sa kanya yung PT na ginamit ko.
"PALIBHASA KASI LALAKI KA, KAYA HINDI MO KO NAIINTINDIHAN! HINDI NAMAN KASI IKAW YUNG MABUBUNTIS! HINDI IKAW YUNG TITIGIL SA PAG-AARAL! HINDI IKAW YUNG MANGANGANAK KAYA ANG DALI PARA SAYO NA SABIHIN YAN!" sigaw ko kasabay ang pagpatak ng mga luha ko.
Natigilan si Eroll dahil sa sinabi ko..
Hindi ko na kasi napigilan. Sobrang sama na ng loob ko. Sobrang dami na ng dumatakbo sa isip ko.
"Sige na, sorry na. Ano ba kasing gusto mong gawin ko?"
Nanahimik ako sandali at pinigilan ang mga luha ko. Nung alam kong ok na ko, tsaka ako humarap sa kanya at nagsalita..
"Tulungan mo kong ipalaglag to."
Bakas sa mukha nya ngayon ang pagkalito. Hindi nya siguro inaasahan na maririnig nya to galing sakin.
Hindi ko din naman akalaing masasabi ko to, pero wala na kong magagawa. Hindi ko kakayanin kapag natuloy tong ipinagbubuntis ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang makita ang disappointment sa mukha nila mama. At lalong hindi ko kaya kapag nawala sila ng dahil lang sa pagkakamaling to.
Di bale nang iwan ako ni Eroll kasabay ng pagkawala ng dinadala ko, wag lang ang pamilya ko.
"Haha, nice one." he said in a sarcastic tone.
"Ano ba Eroll seryoso ako! Si Kaye nga tinulungan mo eh, bakit ako hindi?!"
"Leave Kaye out of this! Problema natin to kaya wag mo syang idamay!"
Nagulat ako sa sagot nya.
"Ah so pinagtatanggol mo na sya ngayon?"
"Hindi ko sya pinagtatanggol! Totoo naman kasing labas sya dito eh! Problema nating dalawa to, wag kang magsali ng iba!"
"Edi tulungan mo ko! Kung ayaw mong sa iba pa ko magpatulong."
Sa sobrang inis, sinapak ni Eroll yung pader.
"Anak natin yan Eris! Bakit kailangan mo syang ipalaglag?! Andito naman ako oh, hindi kita pababayaan. Pananagutan kita!"
"Hindi yun ang kailangan ko!"
"EH ANO NGA?!" sigaw nya.
"Ang gusto ko, ipalaglag natin to.."
Lalong nainis si Eroll sa sagot ko.
Sorry pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung anong mangyayare sakin kapag natuloy to.
"TANGINA! PESTENG BUHAY TALAGA TO! ANO BA ERIS! UMAYOS KA NGA!!"
"Ikaw ang umayos at makinig sakin Eroll!"
"TANGINA NAMAN, HINDI KA BA NAAAWA?! ANG SAMA MO NAMAN 'RIS!"
Bigla akong natahimik sa sinabi nya..
Wow. At sa kanya pa talaga nanggaling yan ha? Sa kanya na boyfriend ko.
"Bakit, ako palang ba ang tutulungan mo kung sakali? Hindi naman diba? Masama na kung masama. Pero wag mong masabi-sabi sakin yan Eroll. Dahil sating dalawa, ikaw ang unang nakagawa neto." sabi ko at pagtapos ay umalis ng bahay nila.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay nila, agad na tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Nakakainis na kasi! Hindi nya ba alam na nakakasakit na sya? Oo mahirap para sa kanya to, pero mas mahirap to para sakin!
Ang dami ko nang nagawang kasalanan sa magulang ko. Ilang beses ko na rin silang nasuway at nasaktan. At higit pa dun, ako ang panganay samin kaya ako ang inaasahan nila. Matanda na sila Mama at Papa, at sobrang tagal na rin silang naghihirap para magtrabaho. Hindi ko na kakayanin kung pati ito idadagdag ko pa sa problema nila.
"Nakakainis.. San na ko pupunta neto.." bulong ko sa sarili.
Habang naglalakad, biglang may nag-pop sa isip ko.
May isang tao pa na makikinig sakin. Na tatanggapin ako kahit na ano pa ang nagawa ko. Na hindi na magtatanong kung bakit..
Isang tao nalang talaga ang naiisip ko na pwede kong matakbuhan..
"Putang ina pre, isang dikit mo pa masasapak na kita!" rinig kong sigaw sa loob ng dorm.
Wow.. Buti pa sila masaya..
Lumapit ako sa may pinto at tsaka pinindot ang doorbell. Maya-maya ay may nagbukas na neto.
Hindi pa nagsasalita si Nico, agad ko na syang niyakap ng mahigpit.
"Wow pre! Nagbukas ka lang ng pinto, may yakap ka na agad! Patry nga!" pagsira ni Daven sa moment.
Tangna, kahit kelan talaga ang sarap patayin ng mga ugok na to.
"Pakyu ka tol. Oh Jean, para san yung yakap na yun? May sasabihin ka no?" tanong ni Nico sakin.
Inakbayan nya ko, "Lika na nga sa condo ko, mukang marami kang sasabihin eh." sabi nya at nagpaalam na sa tatlong ugok.
Kahit wala pa kong sinasabi, alam na alam na talaga ni Nico na may problema ako..
Maya maya lang, nakarating na kami sa condo nya. Agad nya kong hinatak at pinaupo sa sofa.
" Oh ano yung problema? Nambabae si Chris? Sabihin mo lang, uupakan ko para sayo." biro nya sakin.
"Sana nga ganun nalang.."
Biglang nag-iba ang expression ng mukha ni Nico dahil sa sinabi ko.
"Bakit anong ginawa nya?"
Napatingin ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko ulit si Nico at tsaka humagulgol ng malakas. Mukha namang nagtaka sya sa inasal ko.
"Huy Jean! Hindi na nakakatuwa to ah! Sabihin mo na kasi yung problema." sabi nya habang hinahagod yung likod ko.
Hindi ko alam kung maiintindihan nya ko dahil sa sobrang lakas ng pag-iyak ko, pero pinilit ko paring magsalita.
Napatigil sa paghagod ng likod ko si Nico. Naramdaman ko rin na biglang nag-tighten yung panga nya.
Galit sya.. Alam ko yun..
Humiwalay ako ng pagkakayakap at nakita ko ang expressionless na mukha nya. Yung mga mata nya parang biglang nanlamig na akala mo papatay sya ng tao. Magsasalita na sana ako nang bigla nya kong unahan.
"Nasan si Chris?" malamig na sambit nya.
"Nico.. T-Teka-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla syang tumayo at suntukin ang pader.
"NICO!" sigaw ko dahil sa gulat.
Nilapitan ko sya at pagtapos ay niyakap sya para hindi na sya makagawa ng kung ano.
"Nico tama na, hindi ako pumunta dito para pag-awayin kayo ni Eroll.."
"Hindi nalang to tungkol sayo Jean, SINIRA NYA YUNG PANGAKO NYA!"
Naguluhan ako sa sinabi nya pero pinigilan ko parin sya.
"Nico please.. Dito ka nalang.." mangiyak-ngiyak na sabi ko.
Isinabunot nya bigla ang kamay nya sa buhok nya. Nung akala kong itutulak nya ko para umalis, bigla nyang inilapag yung isang kamay nya sa ulo ko habang yung isa ay nakayakap sakin.
T-teka.. Si Nico, umiiyak?
Mas lalo nya pang hinigpitan yung yakap nya sakin sabay sambit ng mga salitang ito..
"Sana hindi nalang kita pinakawalan.. Sana pala, pinaglaban nalang kita.. Kung hindi ako naduwag Jean, edi sana.. Nasakin ka."