First of all I want to thank you for being part of my life! Tinuruan mo kong tumayo sa sarili kong mga paa lalung lalu na sa mga panahong naging makapangyarihan ka at lahat lahat nalang na sayo na. Ni wala ka na ngang tinira di lang para sa kin pero para sa lahat ng tao. Hindi ko masasabing hate message to kase along the way, siguro naman, may tama ka ring nagawa. Hindi ko alam bakit unang kita ko palang sa'yo, uindi na kita gusto. Sorry girl. Yung aura mo kase. Di maexplain ng simpleng verbatim. To see is to believe. Anghel ka kase sa mata ng marami. Ang ganda ganda, ang bait bait, ang sipag sipag, at ang talino pa! Total package! Oh ano pa? Kaso may sablay eh. Ewan ko kung ako lang ba talaga o sadyang ang *di ka nais nais na pang abay* ng ugali mo. Maraming nagsabi sakin, lahat sila tinuring kang true friend. Ewan ko lang kung anong turing mo sa kanila. Tuwing may problema ka, isang tawag mo lang sa kanila, nandyan na sila kagad. Every Time may kelangan ka, wala silang atubiling tulungan ko o gawan ka ng favor. Sinasabihan ka nila ng mga problems in life, mapa family probs or lovelife. They trusted you. Dati rati'y kayo kayo lang magkasama mula sa pagkain ng agahan hanggang sa hapunan pati na sa tagay at pati na rin siguro sa galaan. Pero ngayon? Ni hi o hello o simpleng gesture na nagsasabi, "uy ikaw pala!", wala na eh. Kung natandaan ko yung sabi ng isa sa kin, "feeling ko, hangin lang akong dinaanan niya" di naman daw sila invisible pero bakit mo pinipilit mawala sila sa buhay mo? Naginvest kaya sila ng time at effort para sa'yo. Tapos ngayong may new friends ka na, strangers nalang sila? Ayos ka rin ano? Ngayong tapos ka na sa kanila, nakuha mo na lahat ng tulong na kelangan mo, para silang laruan na itatapon mo nalang ng basta basta? Tapos ipapalabas mo na ikaw yung iniiwan nila? Ikaw yung loner? Yung totoo? April fool's day? Oh well, mapili ka siguro. Pero hello?! Yung pagiging choosy ate iayon din paminsan minsan. Kylie Jenner lang? Please. Sabihin na natin na di na kase nakakarelate yung dati mong friends kase di ba, magkaiba kayo course. You needed to be with people who can understand you. People who are willing to talk about zoology and all. Di ko alam kung masama silang kaibigan dahil nasasabi nila yan. Oh ikaw yung unang nagpakita ng totoo mong ugali? Dapat wala akong pakialam sa'yo eh. Di nga kita feel di ba? Pero ewan ko. Mga kaibigan ko rin kase yung binabasura mo. Ako yung mas lalung nahurt. Maswerte ka nga kase nandyan sila sa tabi mo. Ako? I would trade anything just to be with those guys. I find peace and comfort in them. Family, as I may consider them. And you blew your chance. They are few of those people who will be and will always be true. No matter how you make a fool out of yourself, no matter how wasted you can get, no matter how "wasak" you are after a heartbreak, no matter how you keep yolo-ing during your finals week, no matter how broke you are in finances, they will all be willing to accept and help you out. Kaya sobrang inis ko nung sinabihan nila akong ganyan na pala ang trato mo sa kanila. PI. They were nothing but good to you! Oo alam ko, wala akong right na magalit sa'yo. Kase sino ba naman ako para tutulan yung pag-iibigan nio ng taong sabihin na nating minsang naging rason kung bakit natutunan kong umibig muli. Okay lang sakin. Promise. Di naman kami eh. Di naging kami. At di magiging kami. Ni "never" nga akong niligawan eh. So talagang tanga lang ako. Umaasa. Babae eh. Tapos ikaw. Bakit? Akala ko ba you were rooting for us to be together? Akala ko ba tinuturuan mo lang siya pano dumiskarte? Nakanang. Akala ko ikaw lang dapat yung pansamantalang practisan niya? Totohanan na pala. Siguro you two can't hold it in. Siguro.. Distance zero makes the hearts grow fonder till forever. *Draft 1: Sa sobrang tagal naklimutan ko kelan ko sinulat to