UPIS Math Department holds first virtual Math Week
Mathematics Unites, the theme of the first virtual Math Week celebration, was hosted by the UPIS Math Department from March 14 to 18, 2022.
The celebration promoted appreciation for Mathematics as a unifying language and as a tool in understanding the world and fighting global challenges. In line with this, four programs were announced on the UPIS Math Week Facebook page.
For Pi Day, more than a hundred participants joined the Pi Day Quizziz, a competition held via Zoom at exactly 3:14 PM on March 14. From K-2, they awarded Luccio Pang of K-Sampaguita, Altair Santiago of K-Kamia, and Amelia Obias of 2-Atis. For grades 3-6, Precious dela Paz of 3-Sapa, Zeke Sagayaga of 5-Banahaw, and Reen Lopez of 5-Sierra Madre won the competition. Lastly, the winners from grades 7-12 were Timothy Capulong of 11-Campos, Kirstin Mejia of 7-Jupiter, and Renz Dolorias of 8-Firefly.
Another activity is the Math Scavenger Hunt, a team activity that required students to search for eight items from the list posted on the event's Facebook page. According to Mr. Harold Badilla, Grade 11 Math teacher who facilitated the event, 32 groups of three members joined the game. The members of the K-2 team winner in this activity were Ilenea Amihan Baltazar, Freedom Dioquino, and Chloe Bianca Usi of 2-Mangga while Joaquin Bayuga, Allyssa Sarenas, and James Deximo of 4-Patani won the 3-6 contest. Last but not least, the members of the winning team from 7-12 were Erielle Arceo and Bianca Baguio of 11-Lopez, along with Gabe Matias from 11-Marasigan.
Guess the Number was a challenge for students to count all the candies inside a jar. “This activity warmly received 244 guesses from students,” Mr. Badilla said. Altair Santiago from K-Kamia, Paulo Dulfo from 4-Singkamas, and Justine Catiis from 11-Campos were the winners of this activity.
Finally, Math Museum featured interesting facts about math posted on the UPIS Math Week page every day for four days. The topics included historical mathematicians, math articles, and throwbacks of older UPIS students sharing their math hugot lines.
On March 18, Prof. Angel Rocena, Mathematics department head, hosted the closing ceremony with Mr. Badilla. The latter expressed his appreciation for the UPIS community’s engagement during the festivities. “We are extremely grateful for the active participation of students as evidenced by the high turnout of entries, for the class advisers and subject teachers for promoting the Math Week events, for the UPIS administration for the leadership and guidance, and for the PTA for sponsoring the prizes shared to the winners,” he shared.
Prof. Rocena disclosed that organizing the event was challenging because teachers had to do all the planning, preparing, and executing of the programs alongside their teaching responsibilities. Despite the problems they faced, she added, “Challenging, yes, but we were joyful as we did all those because we know that it would be a fun learning experience for the students, something outside the usual Zoom discussions.”
When asked about next year’s Math Week, Prof. Rocena answered, “Whatever mode of instruction we'd have next year, expect a Math Week around 3/14/23 with new activities that will make you appreciate and love Math more.” //by Ricci Dantes, Andre Panopio, and Jemuell San Jose
SIM Registration Act, nilagdaan; umani ng iba’t ibang reaksyon
PAGPIRMA SA BATAS. Noong Oktubre 10, 2022 ay pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Republic Act 11934 o ang SIM Registration Act. Larawan mula sa Inquirer.net via Youtube.
Oktubre 10, 2022 - Tuluyan nang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong Marcos Jr. ang Republic Act 11934 o ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at human rights violations sa bansa.
Sa ilalim ng batas na ito, kinakailangan nang iparehistro ng publiko ang mga bagong SIM card sa mga rehistradong Public Telecommunication Entities (PTE). Ang mga PTE ay mga pampubliko o pribadong establisyemento na binigyang pahintulot na mamahagi o magbenta ng mga serbisyong pang-telekomunikasyon. Bibigyan naman ng 180 araw ang mga existing user na iparehistro ang kanilang numero. Ang mga mabibigong sumunod ay maaaring mabigyan ng 120 araw na ekstensyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang makapagrehistro. Kung hindi magagawa sa kabila ng ekstensyon ay tuluyan nang ide-deactivate ang kanilang mga numero.
Umani ng samu't saring reaksyon ang pagsasabatas nito, partikular na sa panahon na ilalaan para sa proseso ng pagpaparehistro. Subalit, ayon kay Senador Win Gatchalian, sapat na ang anim na buwang palugit para rito. “My version was as early as 2013. So it's been 10 years since we've been talking about this. So in terms of infrastructure, in terms of process, I don't think it will be a problem with the telcos,” dagdag pa niya.
Pinuri naman ni Senador Grace Poe ang pagpasa ng batas. “We worked hard to pass the legislation anew as a crucial first step to fend off text scammers, while guaranteeing utmost respect to fundamental human rights.”
Iba-ibang pagtanggap
Positibo rin ang pagtanggap ng mga telecommunication company o telco sa paglagda ng batas. Sa inilabas na opisyal na pahayag ng Globe, bukas sila sa mungkahi na gamitin ang National ID System para sa masinsinang beripaksyon sa pagpapatupad ng batas. “Our position has been clear from the beginning, a National ID system must be in place to ensure the safe and successful implementation of this new law,” sabi ni Globe General Counsel Froilan Castelo.
Sa isa namang panayam ay ipinahayag ng kanilang Chief Privacy Officer na si Irish Almeida na ipapatupad nila ang pinakamataas na standard para sa data account privacy, na gagawin ng lahat ng telcos.
Suportado rin ng DITO Telecommunications ang paggamit ng National ID at pasaporte sa beripikasyon ng pagkakakilanlan ng subscriber. Ayon sa kanilang Telecommunications Officer na si Rodolfo Santiago, “Doing so will unburden the telcos of the need to establish another database to store biometrics data, which would be time consuming and resource heavy.”
Bukas ang Smart Telecommunications na lumahok sa paggawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas, na ilalabas 60 araw pagkatapos itong lagdaan. Samantala, nilinaw naman ng kanilang Vice President at Head of Regulatory Affairs na si Roy Ibay na kailangan pa rin na bigyan ng oras ang paghahanda at pag-test para masigurado ang ligtas na implementasyon ng batas sa pagkolekta ng mga personal na impormasyon.
Samantala, binatikos naman ng Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan na si Renato Reyes Jr. ang batas. Ayon kay Reyes, malaking banta ang bagong batas sa privacy rights ng publiko. “The Philippine government is a notorious human rights violator for years now, and any measure that would compromise privacy rights should be seen as a danger.”
Matatandaan na noong Abril 2022 ay hindi pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang batas. Kinakailangan pa raw pag-aralan ang pagsaklaw ng batas sa pagrerehistro rin ng social media accounts.
Reaksyon ng mga batang Isko
Nagbahagi rin ng reaksyon ang mga mag-aaral ng UPIS sa nasabing batas. Ayon kay Samer Lagunilla, mag-aaral mula Grado 12, maaaring makatulong at maging banta ito.
“Oo at hindi. Oo dahil maaari nang parusahan ang mga taong may mga SIM card na hindi registered at mataas ang halaga nito. Hindi dahil hindi natin alam kung gaano ka-accurate ang kanilang pag-filter sa mga messages at kung ano ang mga kino-consider nilang spam text at spam call,” aniya.
Mayroon din siyang pag-aalangan sa kanyang personal privacy dahil alam na ng gobyerno kung kanino ang mga SIM card at kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga tao gamit ito.
Ngunit, sa kabila nito, mapipilitan pa rin si Samer na magparehistro kahit na wala siyang balak na gawin ito. “Wala akong balak, pero wala rin akong choice. Kailangan kong sumunod sa batas dahil ayaw ko naman magbayad o maparusahan dahil dito. Ngunit mananatili pa rin ang aking worry [para] sa aking privacy.” //nina Dante Aquino at Andre Panopio
Taas-pasahe sa Pampublikong Transportasyon, Umarangkada na noong Oktubre 3
PAGTAAS NG PAMASAHE. Epektibo na noong Oktubre 3, 2022 ang pagtaas ng minimum na pamasahe sa mga pampublikong transportasyon tulad ng dyip, bus at taxi. Larawan mula sa GMA News
Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas ng pamasahe sa Public Utility Vehicles (PUVs) noong Setyembre 20, 2022.
Ayon sa isang panayam kay LTFRB Chairperson Cheloy Gerafil, magiging permanente na ang pagtaas ng singil at hindi maaapektuhan ng pagtaas-baba ng presyo ng produktong petrolyo, na naglalaro ngayon sa ₱67 hanggang ₱86 kada litro. Dahil dito, magiging ₱12 na ang minimum na pamasahe sa mga tradisyunal na dyip, habang ₱14 naman para sa mga modern jeepney. ₱2 naman ang dagdag sa mga provincial at city buses, kaya’t magiging ₱11 hanggang ₱15 na ang minimum fare para rito. Tataas sa ₱35 hanggang ₱45 ang flagdown rate para sa mga taxi at Transport Network Vehicle (TNVS). Pinaalalahanan ni Gerafil ang mga operator at driver na bawal maningil ng taas-pasahe kung walang nakapaskil na bagong fare matrix sa loob ng sasakyan.
Apektado ng panukala ang mga dyip na balik-biyahe na sa loob ng UP Campus, kasabay ng pagbabalik ng face-to-face classes sa unibersidad noong Setyembre 5. Kabilang sa mga nagbalik na dyip ay ang mga biyaheng UP Ikot, UP Toki, Katipunan, Pantranco, Philcoa, at SM North Edsa. Inaasahan na makatutulong ang taas-pasahe upang mabawi ng mga drayber ang nawalang kita bunga ng dalawang taong pandemya.
Sa kabilang banda, malaking pasakit sa mga commuter ang nakaambang na taas-pasahe. Isa na dito si Kyle Garcia, isang UPIS Grade 12 student na tatlong beses sa isang linggo sumasakay ng dyip. Ayon kay Garcia, bagaman mas mabilis ang kanyang biyahe kung sasakay, mapipilitan siyang maglakad dahil sa taas ng presyo ng pamasahe.
“Naiintindihan ko kung tumaas ang presyo ng pamasahe para mas mataas ang kita ng mga jeepney drivers. Pero depende kung magkano na ang bagong presyo ng pamasahe, maaaring mas madalas na lang akong naglalakad. Ito ay dahil malapit ang mga pupuntahan ko, mas matagal ngunit mas mura na lumakad na lang.” Nang tanungin tungkol sa mga paraan kung paano mapapabuti ang serbisyong transportasyon sa UP at sa Metro Manila, sabi ni Kyle, “Sana ay [mas] patas [ang] pamasahe upang maging accessible ang pampublikong transportasyon para sa lahat.”
Nagpasalamat naman ang mga transport group sa LTFRB dahil sa naging tugon nito. Humingi naman sila ng pasensya sa mga commuter na maaapektuhan nito. “Malaki pong tulong ito na madagdagan ang aming kinikita,” sabi ni Liberty Deluna, miyembro ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), “Doon po sa aming commuters, humihingi kami ng pasensiya sa kanila dahil kami ay humingi na naman ulit ng panibagong fare increase at naaprubahan po ito.” Epektibo na ang fare hike mula noong Oktubre 3, 2022. //ni Andre Panopio