Ang Seen Zoned Story Mo.
Alam mo yung pakiramdam na makita mo siyang online. Yung tipong minsan lang mangyari. Sobrang excited ka kasi pareho kayong online. Hindi mo alam kung imemessage mo ba, kasi natatakot ka baka mapahiya ka lang. Pero sa isang banda, napaisip ka. Kung magmemessage ka nga ba o itatago mo pa. Pero kung itatago mo hanggang kailan mo kaya?
Nagkalakas loob at ilang beses mong pinag-isipan kung imemessage mo siya. Nung nakaipon ka na ng sapat na tapang. Nagisip kung ano yung sasabihin mo sa kanya. Alam mo yung feeling na andyan ka na, pero nagdadalawang isip pa. Mali ba ang spelling o pangit nga ba ang pinapahiwatig. Syempre ayaw mo naman lumabas na walang kwenta yung message mo. Kasi iisipin mo din na wala kang kwenta sa kanya
Pero alam mo yung masakit. Yung alam mong nabasa niya yung message mo pero hindi ka man lang niya nagawang replyan. Kahit isang smiley o emoticons na llang sana. O Iisipin mo na lang na sana hindi na lang niya nabasa. Kasi mas ok pa yun kesa alam mong hindi ka niya pinansin. Mapapaisip ka tuloy na sana hindi mo na lang siya minessage. Pwedeng busy lang sya o walang data. Ngayon hindi mo alam kung saan siya walang pakialam, sa message mo ba o sayo mismo talaga.












