Hanggang iyak at advice nalang ako para sa'yo. Kasi kilala kita ee. Masyado kang plag boy. Minsan isa, minsan naman dalawa. Kung minsan naman tatlo. Sabay sabay pa. Sa dinami-dami ng mga naging ex-girlfriend mo di ko na sila ma-bilang. Ang masaklap pa dun, iilan sa kanila mga kaibigan ko. Sa dinami-dami naman ng taong pwedeng mahilin, ikaw pa ang naisip ng puso kong piliin. Minsan gusto kong sabihin sa'yo nararamdaman ko pero ayokong maging isa sa napakarami mong ex. Nasasaktan rin ako kapag nakikita kong nasasaktan ka. Pero wala naman akong magagawa kasi di mo nakikita. :'(










