ANG SUSUNOD AY MGA PUNTO O PAKSANG KAILANGAN NINYONG MALAMAN TUNGKOL SA PROYEKTO.
ANO: BLOG MO IPASUOT MO - UNANG SABAK. Isang proyekto ng mga bloggers na naglalayong damitan ang mga batang salat sa maaayos na tshirt.
KAILAN: Ang unang sabak ay gaganapin sa Pebrero 11, 2012, sa ika-14 sana pero naisip namin na baka may mga date kayo at maaring makahadlang sa inyong pagdalo. Isa pa ay may pasok nang araw na iyon.
SINO: Mga bloggers at hindi bloggers na nais maki-isa sa layunin ng proyekto.
SAAN: Ang unang sabak ay gaganapin sa Balagtas Plaza, Pandacan, Manila.
BLOGGERS - Magdala lamang ng damit na may tatak ng inyong blog logo o blog title sa susunod na meet-up. Ang meet up ay gaganapin sa Pebrero 4, 2012 sa SM Mall of Asia (Greenwich). Sa mga hindi kayang magpagawa ng tshirt ay maari ring mga luma ngnit maaayos na damit ang dalhin. Sa mga nais namang magpatatak pero walang oras, maari ay makipag-ugnayan lamang po sa amin.
HINDI BLOGGER PERO GUSTO RING MAKI-ISA - Maaari rin po kayong pumunta sa meet-up upang dalhin ang damit na nais ninyong ibahagi sa mga bata. Ngunit sana ay makipag-ugnayan muna po kayo sa amin. Narito ang mga numerong maaring tawagan. Tumatanggap rin mo kami ng perang donasyon. Makikita po ang account number at account name sa link kanina.
BAKIT: Isang maliit na tulong lamang po ito sa mga maliit na paksyon ng mga kabataang salat at walang saplot.
KONTI NA LANG MGA 'TOL! SANA MAGTAGUMPAY TAYO.. PARA SA MGA BATA.