“NO TO DRUGS, SAVE LIFE, LOVE LIFE!”
seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye

seen from Vietnam
seen from Egypt
seen from Latvia
seen from United States
seen from United States

seen from Belarus
seen from Canada
seen from Canada

seen from Canada
seen from United States

seen from United States
seen from Philippines

seen from United States

seen from China
seen from Canada
seen from China
seen from France
“NO TO DRUGS, SAVE LIFE, LOVE LIFE!”
Grand Alumni 2015 #Batch2005 #ASNHS #10thYearAnniversary #me [12262015] Photo: www.facebook/photofree2k15
Second Day ng Founding Anniversary ng School namin. [Part I]
Kahapon yun pero ngayon lang ako nakapag-update kasi, 2:00 AM na ako nakauwi kanina. HAHAHAHA! Super fun at nakakapagod ang Battle of The Bands.
So una, kahapon ng umaga, nagparade muna. KAso late ako kaya di na ako nakasali sa parade. Tumambay at tumulong na lang ako sa SSG dun sa tindahan nila. LOL. Pagdating ng lahat after ng parade, siyempre uhaw na sila sa kakalakad. Ikaw kaya ang lumibot sa buong bayan niyo? Haha! Anyway, para bumenta kumanta nalang ako. You're so thirsty~ thirsty~ thirsty. Kaso umulan kaya tinigilan ko na. LOL. Nung umulan na nga, takteng mga sophomores sumilong sa amin. e_e Ayun, di na makita tinda namin. Haha! pero okay lang. SIna bi ko naman sa kanila, "Bakit pa kayo sumisilong? Eh mababasa lang din naman kayo mamaya sa field demonstration niyo!" Haha! Eh kasi kaming mga seniors, wala na kami niyang field demonstration na yan. Been there, done that na lang kami sa lower years namin. Yung mabasa ng ulan? Yung magkandaputik-putik mga paa namin? Yung mangamoy kalabaw kami pagkatapos? Sus! Napagdaanan na namin lahat yan. HAHA! Ayun nga, yung iba naligo na nga sa ulan. Pero malas din nila kasi may plano naman pala ang ulan na tumigil sa pagbuhos. Pero pa'no ba yan? Basa na sila. AHAHAHAHAH!
Yun na nga, isa isa nang nagperform bawat MOB. MOB kasi maramihan sila. Field Demonstration eh. Yung kulay orange na mga freshmen nahati sa dalawa. Tapos lahat ng nakadilaw, sophomores. Pink naman ang juniors. Ang seniors, wala. Pero siguro masasabi mong may kulay rin kami. Lahat ng nakaputi, seniors. Naka-CAT uniform.
Yung unang MOB, trained ng kaparehong teacher na nagtrain din sa batch ko nung freshman pa lang ako para sa field demonstration namin. Bola props nila. Dati yung sa amin, ribbon eh. Haha! I remember the days lang kasi talaga. Next is freshmen pa rin. may iba-iba silang props eh. Bongga! Kasi alam ko choreography nila kaya sumabay na rin ako sa gilid. LOL. Pagkatapos yung mga nakadilaw. may dala silang bilog na kulay ble sa isang side at pink naman sa kabila. Di ko lang talagang maiwasang mapansin na kinuha nila ang concept na yun sa CRAM namin last year. Ahahaha! Kaso nga lang, talagang nigo gamit namin. Tsaka ibang kulay rin: Red at Yellow. Pagkatapos, yung mga nakapink naman na mga juniors. Pamaypay yung props nilang dala. I find it cool naman eh. SInayaw pa ng kapatid ko one time sa harap ko yung choregraphy nila. Junior siya eh. Napansin ko rin sa choregraphy nila, lalo na sa formations nung pinanood ko na yung final, may kinuha rin sila mula sa CRAM namin last year. HAHA! Anubeey. Sa bagay, maganda naman talaga yung CRAM Mass Demonstration namin last year. You can watch it here. Mahigit 3K kaming lahat niyan!
Pagkatapos ng lahat ng Field Demonstrations, nagsiuwian na ang lahat for lunch. Lahat pinalabas. Wala dapat maiiwan maliban sa SSG Officers. Battle of the Bands na kasi pagsapit ng gabi. At ipagpapatuloy ko ito sa susunod.