Ang Pagdadalaga ni Astrella
Trivia: She's my first ever crush from Tumblr. Alam niya 'yan. Pero siya yung Tumblr Crush # 2 ko kasi naka-rank 'yun. Basta. Arte ko kasi sa mga crush-crush! Dapat may keywords.
Paano ko ba ide-describe ang isang Astrella Celeste Sanchez (I wonder kaano-ano niya si Jessica Sanchez)?
Chicks 'to. Walang char 'to dahil totoo. The first time I met her, na-mesmerized agad ako. She may not know this pero I can't take my eyes off her sa Moonleaf nung nagkita kami. Hawig niya kasi yung isa sa mga ultimate college crush ko. Pero iba kasi siya... ang kyot niya. Swear! Yung feeling ko everytime she's around ay katulad ng feeling ko kapag nakikita ko si Ryza (ng Eat Bulaga) sa TV. Mehehe.
One of the boys rin 'to. Boy scout. Flower among thorns siya sa NPA. Imba! Walang hiya-hiya sa katawan. Kung ano gawin ng isa, gagawin din niya. Kaya nga bilib ako dito. Plus, yung nakaka-inlove niyang singing voice. Hay. I'm blushing.
She's so maingay, too. Kalog, parang laging sabog. Yung tipong kapag maka-shout sa loob ng Moonleaf parang cave woman. Peace! Makatawa pa, hagalpak. We're getting unwanted attention tuloy from the parokyanos of Moonleaf. Like sobrang nakakahiya (rolls eyes). Pero enjoy 'tong kasama. Walang dull moment. I clearly remember yung time na ginaya nila ni Kris yung katabi namin sa Moonleaf. That was epic!
Dear Tumblr Crush # 2 (cough cough),
Hi, Star! Babe. Bitch. Ang ka-emohan ko magpakailanman at ang babaeng kasing-ganda ni Taylor Swift ang boses. Gulat ka 'no? I just wanna greet you a happy, happy seventeenth birthday! Sure kang 17 ka lang? De joke. 'E kasi naman di'ba kahit noon pa, sobrang matured na ang tingin ko sa'yo kaya di'ba kapag may huhu moments ako noon, sa'yo ako tumatakbo.
I miss you so much, crush. Lolwhut. Ang tagal na kasi nating 'di nagkakausap. Mga 3 months? Ang busy mo na kasi sa mga manliligaw mo. Nako, ang haba ng hair! Make kwento naman. Pero self-admittedly, may pagkukulang din ako (okay, ang drama ko) 'e kasi alam mo naman ang hearthrob, laging busy. At saka, busy talaga ako sa abs ko. Kung makita mo lang, malalaglag ka sa kinauupuan mo. Ang yummy ko na! Hahahaha. So, to make bawi all those shortcomings I made, I wrote (well, di ko naman talaga sinulat, ni-type ko) this 10% madamdamin, 10% nakakatawa and 80% na kabaliwan na letter just for you, my Tumblr Crush # 2.
First, maraming maraming maraming (tatlo yan 'te para I love you) salamat sa friendship mo. You're one of the few people here that I value so much, alam mo 'yan! Salamat din sa mainit na pagtanggap sa Manila when I was there last summer. Even though, 'di mo pa ako kilala that time pero you made me feel na kaibigan talaga ang turing mo sa'kin. At thank you din sa pag-accept ng friend request ko sa Facebook yesterday. Mehehe.
Alam kong sobrang mainstream and gasgas na nitong line na 'to but still... thank you for always being there whenever I need someone to talk to (sob). Nung mga times na may problema ako sa kaibigan mo/natin. Alam mo na 'yun! Lagi tayong magkausap sa phone. Talo pa natin ang mag-syota. And I'm very honored every time na nagk-kwento ka sakin about sa masalimoot-slash-exciting mong lovelife. It means na pinagkakatiwalaan mo din ako. Thank you. You know, you're not just a friend for me but indeed a little sister (sometimes nga, older sister pa) as well.
I know di na rin tayo nagkakausap pero always remember na 'pag may kailangan ka (alam ko gasgas na din 'to), don't hesitate to talk to me or whatever. Kahit busy ako, I'll make time for my Tumblr Crush # 2 na kahit sa iba-iba tumitingin 'e mahal ko pa rin. I hope mas makapag-bonding tayo this 2013 you know, kahit Tiny Chat patulan na natin. Hahaha.
'Di ko na sasabihin na I love you. Ipaparamdam ko na lang, crush. Hihi. Happy birthday ulit! Walang hugs. Walang kiss. Dahil may magseselos. Hahahaha. De joke.
Nagmamahal sayo ng lubos (lowhut),