Drafts #2
August 14 2:53pm Hinihintay ko sya, kanina pa. Maaga kasi ako dumating e. Naiinip na ko pera kelangan ko sya hintayin kasalanan ko naman to e bat umabot kami sa ganto. Bawat dumaan napapatingin ako, baka kasi sya na yun, baka sya yung naka trike, baka naka motor sya, o baka naman sya yung naglalakad hindi ko makita, hindi ko kasi dala yung salamin ko, malabo, malabo na kami, hindi ko na alam kung saan papunta tong ginagawa ko basta ang alam ko lang mahal ko sya at nagkamali ako. Gusto ko umiyak gusto ko mag maktol pero wala e ako may kasalanan nito hindi ko alam kung ano gagawin ko sana dumating sya, sana di nya ko matiis. 3:01pm May huminto na motor hindi ako tumingin, akala ko sya na akala ko lang pala. Parang nawawalan na ko ng pag asa pero matagal pa ang araw hindi pa ko susuko di ako aalis hanggang sa mag dilim. 3:05pm Ang dami ko na palang chat sa kanya, puro seen at kadalasan ignore lang. Pupunta pa kaya sya? 3:06pm Bawat minuto parang oras na naghihintay ako dito, ano kayang ginagawa nya naaalala nya pa kaya ako? 3:08pm Dumating na si ate angel wala pa rin sya. Bigla kong naalala hindi pa pala ako kumakaen, ang tanging laman lang ng tyan ko ay usok mula sa sigarilyo. 3:15pm Nag aya si ate angel mag billy's grill sakto naman wala pang laman ang tyan ko sabi ko sa kanya 3:30pm Nandito na kami sa billy's grill nagugutom na ko buti nalang galante tong si ate angel Tinext ko sya nagreply sya kagigising nya lang daw inaya ko sya kumaen sabi ko wag na sya mag alala sa pambayad mapilit ko lang sya dumating naman sya medyo tampo pa pero nung niyakap ko na sya nawala na yung galit nya nagkabati din kami sa wakas.









