Second Sem
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayong labasan na ng grades para sa nakaraang ikalawang semestre ng unang taon ko sa unibersidad. Hindi ko maitago ang aking saya kapag nakakakuha ako ng pasadong marka. Halatang delikado ang lagay ko (HAHA POTA).
Sa ngayon, isang kurso na lang ang hinihintay kong maglabas ng grado. Pasado naman ako sa lima ko pang kinuha ngayong semestre, yun na lang talaga. Nanganganib din kasi talaga ako sa kursong iyon.
Hindi ko rin maitago ang aking panghihinayang na sana ay nagawa ko pang maayos ang aking standing sa bawat klase. Alam ko naman na nagkulang ako kaya’t ganito ang kinahinatnan ng mga gawi ko. Mayroon kasing mga bagay na nakaapekto sa akin ngayong ikalawang semestre. Medyo nagpetiks din kasi ako.
Maipasa ko lang talaga lahat ng kursong kinuha ko ay sobrang saya na. Ako ay nanalangin sa Diyos na sana ay maipasa ko lahat nang ito. Kapag napasa ko ito ay gagalingan ko na talaga.
Nagbigay sa akin ng inspirasyon ang mga magsisipagtapos ngayong taon sa kolehiyo. Gusto ko ako rin. Tatlong taon mula ngayon ay sana ako naman ang nasa kalagayan nila.
Nakatulong din naman sa akin ang mga bagay-bagay ngayong ikalawang semestre. Nakatulong ito upang mapagtanto ko na kaya ko pang galingan. Na huwag magsettle for less. Na huwag nang magpetiks. Binigyan ako nito nang tapang na harapin ang mga susunod pang semestre na may tatag sa puso at isipan.

















