Sulyap
Matagal - tagal na rin mula nung huli kong gamit sa blog na ito. Hindi ko na matandaan kung kailan ko ito huling nabuksan. Gusto ko lang sabihin dito ang mga nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang semestre ko. Hindi ko alam kung bakit umabot sa puntong pabagsak na ako sa lupa. Bakit ako ganito? Hindi ko alam. Siguro ay dahil nawala yung bagay na nagbibigay sa akin ng sigla sa paggawa ng mga kinakailangan sa mga klase ko. Tinamad ako. Tinatamad ako. Bawat mababang score at bawat bokyang nakukuha ko, hindi ko inaalala. Natanim na sa aking utak ang mga katagang, "Bahala na.". Kailangan ko pang husayan. Gusto kong makapagtapos. Hindi pwede ang bahala na. Sa ngayon, nahaharap ako sa problema ng pagbagsak ko sa isang kurso (o karaniwang tinatawag na subject). Sobrang naaawa ako sa sarili ko. Sobrang madedelay ako. Nahihiya ako sa magulang ko. Ayoko nang ganito. Sa pagsulyap ko at pagninilay sa mga nangyayari sa buhay ko, napagtanto ko na, hindi na dapat ako ganito. Dapat akong maging malakas at maging handa upang harapin ang mga mahihirap na MP, ME, pagsusulit at ang Computer Science. Ngunit pa'no? Ewan ko. Bahala na.



















