May kekwento ko! :D
Nung high school, kakagraduate or gagraduate palang ata kami naisipan naming magkita kita. Sa bahay nung kaklase ko na nasa loob ng isang compound at take note sa compound na yon don nakatira adviser namin! Eh naisipan naming uminom, alam ko may kaklase kasi ako na may problema non! Bagong labas lang ata nung boracay? Yung alak? HAHAHA Basta yun na yun. Tinikman naming barkada yung unang flavor, sumuko lahat natira kaming dalawa nung isa kong kaibigan itago nalang natin sa pangalang A, babae yan! HAHAHA. Naubos namin dalawa yung natira tapos ngayon binigyan pa kami ng dalawa pang boracay pero ibang flavor, ipapatikim lang daw samin kasi nga bago. Ade mauubos na namin abe may dumapo ba namang langaw!! Jusme at ang dare pa pag hindi daw namin inubos babayaran namin yung dalawang pahabol na alak! Ade ininum nalang namin. Aro josme kung san man dumapo yung langaw na yon! HAHAHA.
Paguwe sa bahay medyo (take note medyo lang! hahaha) medyo hilo na ko kaya dumretso ako sa kwarto nagbihis at natulog na. Kaso hindi naman ako makatulog. Lumabas ako ng kwarto kasi uhaw na uhaw ako, akala lang ng mami ko sinasamaan na naman ako katawan (nung bata kasi medyo mahihiluhin eh) pinainom ako ng chokodrink. Shet first time yon na kahit hindi man ako inasikaso or tinanong pinaabutan ako ng maiinom. Saya ko lang non. HAHAHAHA








