Bagot na bagot na talaga ako sa paulit-ulit kong mga ginagawa sa aking buhay araw-araw, kaya siguro nababagot na akong gawin ang mga bagay na yun, na sadyang wala naman talagang katuturan. Ilang araw na akong bakasyon, at walang pasok, pero tila parang may hinahanap akong libro na gustong-gusto kong basahin, at dahil sa kabalisahan ko nitong nakaraang gabi, naisipan ko tuloy halungkatin at basahing muli ang mga dati kong tala at libro sa aking munting aklatan..
Sa kalagitnaan ng aking paghahalungkat at pag-aayos, laking gulat ko ng mabuklat ko muli ang mga ito, kaya di ako nag-dalawang isip na basahing muli ang mga ito, at sa aking pagbabasa tila may isang tanong na nabuo sa aking isipan..
"Ako ba talaga ang nagsulat ng mga ito?"
(na tila parang isang inosenteng di makapaniwalang nasulat ko ang lahat ng yun)
at sa bandang huli nalungkot na lang ako bigla ng malaman kong di ko pala natapos ang mga sulatin kong ito..
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Dito ko lang napagtanto na hilig ko pala talaga ang mag-sulat, kasi nung hayskul pa ako, wala akong kamuwang-muwang na nakakasulat na pala ako ng mga ganito, basta lagi ko na lang naririnig sa mga kaklase ko na pwede daw akong maging "Journalist" dahil daw sa mabilis akong magsulat, at madami akong naiisulat tungkol sa mga pinag-aaralan namin. Lalo na ng nag-4th year ako, dun ko narealize na ang sarap pala sa pakiramdam kapag nakakapag-sulat ka, lalo na't ang sentro ng sulatin mo ay ang Panginoon, pero kaylanman di ko pinangarap na maging isang "Journalist", dahil sa pagkaka-alam ko wala akong kahilig-hilig sa pagsusulat, lalo na't kahinaan ko ay ang wikang ingles.
Hanggang sa dumating ung mga oras na malapit na akong magtapos ng hayskul, wala pa rin akong napipiling kurso na maari kong kuhain sa aking kolehiyo, basta nung mga panahon na 'yun gusto ko maging isang "Music Teacher" dahil sa nandun ang passion ko, at dahil sa alam kong makakatulong ito sa paglilingkod ko sa Panginoon, kaya naman ang panalangin ko "Lord, dalhin mo ako sa kursong alam mong nandun ang passion ko at kasiyahan ko, at ung kursong Ikaw mismo ang magiging sentro.." - yan ang iniiyak at iniluluhod ko sa Panginoon. Hanggang sa dumating 'ung mga oras na nakakita ako ng vision, habang ako'y nakaluhod at nanalangin sa Diyos, at ito'y isang "Ballpen at Papel" na hindi ordinaryo, kasi kulay ginto ang mga ito. Nagulat talaga ako, at sabay napamulat kaagad ako, di ako makapaniwala na makikita ko ang mga bagay na yun, kasi sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng vision na napakalinaw at kaylanman hindi ko iniisip ang mga bagay na yun, kaya isang malaking tanung ang naiwan sa puso't isipan ko..
"Anu kaya ang ibig sabihin ng papel at ballpen na yun?"
Nung mga oras na yun hindi ko talaga kaylanman naisip na pwede akong maging isang writer o journalist, dahil sa hindi ko naman talaga pinangarap ang bagay na yun. Mas naisip ko pa nga na "Teacher" siguro ang gusto ni Lord sa akin, kasi sila mismo ang madalas gumamit ng mga bagay na yun, pero patuloy pa din akong nanalangin sa Diyos kong anung kurso ang kukuhanin ko sa aking kolehiyo. Hanggang sa dumating ung pagkakataon na pinatawag ako ng aking adviser na pumunta sa faculty ng MAPEH, kung saan pinagsulat at pinag-compute ako ng MPS ng ibang section, at sa aking pagsusulat sa table ng aking guro, dun ko muling naalala ang "Ballpen at Papel" na hinahanapan ko ng kasagutan. Kaya kinagabihan, muling pinag-pray ko ang bagay na ito, sabi ko..
"Lord, mag-tititser na po ba talaga ako? Yan po ba talaga ang will Nyo? Ang maging isang guro ako? Pero Lord, kung nandun nga ang passion ko, hindi kita masisisi, basta kung anu po ang kalooban Nyo. Go na go ako! basta, Ikaw po ang dahilan kung ba't ako nag-aaral. Let Your will be done po.."
Dahil sa gusto kong maging guro, at dahil sa gusto din ito ng mga magulang ko para sa akin, lalo na't makakatulong din ito sa paglilingkod ko sa Panginoon. Di na ako nag-dalwaang isip na mag-secondary teacher major in MAPEH. Passer ako sa BA Communication, pero ng dahil sa gusto kong maging guro, agaran akong pumunta doon at nagsabing lilipat ako ng kurso. Di naman nila ako pinigilan, basta ang sabi lang nila tatanggalin na daw nila ang pangalan ko sa mga passers, at pumunta kaagad ako sa educ, pero laking lungkot ko ng sabihin nila na ang priority lang daw nila ay mga passers ng educ, kahit okay naman daw ang iskor ko, di daw pwede. Hay! pero di ako nawalan ng pag-asa. Bumalik na lang daw ako, at naka-apat akong balik dun. Hanggang sa nalalapit na ang pasukan, wala pa din akong slot, kaya nag-desisyon na akong bumalik sa Communication, kahit na sinabi nilang wala na ang name ko dun, tinanggap pa din nila ako agad-agad. (Hay! Salamat sa Diyos!) Pero noong mga panahon na yun, di ko talaga alam ang gagawin ko, pero sabi ko nga na kung ano ang will ni Lord. Go ako. Wala namang mawawala kung susubukan, kaya dun na ako nag-enroll at naisip kong mag-shift na lang sa susunod na semester.
Masayang-masaya ako bilang estudyante ng komunikasyon, dahil kahit na mahirap mag-adjust, mahirap ang mag-sulat, mahirap ang mag-salita ng ingles, at lalo na ang magkaroon ka ng lakas ng loob sa lahat ng pagkakataon. Natuto akong lumaban at ipagpatuloy ang kursong ito sa biyaya ng Panginoon. Lalo na ng malaman kong nabago ang kurikulum ng batch namin, na dating puno ng medya, na medyor sa pag-gawa ng mga music videos, pelikula, atbp. Ngayon naging "Journalism" at "Broadcasting" na lang ang medyor na batch namin, kaya nag-desisyon akong wag ng mag-shift sa ibang kurso. Ipagpapatuloy ko ito, dahil ito ang sagot ng Diyos sa aking panalangin. Ang Ballpen at Papel na nakita kong vision na hinahanapan ko ng kasagutan, dito ko pala matatagpuan, sa kurso kong BA COMMUNICATION..
Naaalala ko pa nung unang pasok ko sa Comm, na hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng Papel at Ballpen, minsan kong tinanung muli ang Panginoon ng..
"Lord, anu po ba talagang dahilan kong bakit nandito ako sa Comm?"
At biglang pinaalala sa akin ng Panginoon, noong tatlong/apat taon pa ako na ang hilig ko nga palang gawin ay ang umakyat ng papag namin at lagi kong sinasabi sa harapan ng mga madla kong manika ang mga salitang..
"Ladies and gentlemen, Please welcome.. Alyssa Naynes!"
(na kasama ang pag-patay buhay ng ilaw. at ako din mismo ung kakanta sa harapan ng aking mga manika! hehehe!)
at sa labing-pitong pamamalagi ko sa mundong ito, tunay nga na ang lahat ng mga nangyayari sa buhay natin ay may dahilan, katulad sa buhay ko nung bata pa ako na nangangarap umakyat ng intablado, na ngayo'y unti-unti ko ng nararanasan ang katapatan ng Diyos.
Kaya laging sinasabi sa akin ng Diyos..
"Pinangarap mo yan, kaya pinaparanas ko sa'yo yan ngayon"
Isa lang ang masasabi ko..
MASARAP TALAGANG MANGARAP PARA SA PANGINOON! AJAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!
Where there is no vision, the people perish: but he that keepeth the law, happy is he.