Nasasayang ang Oras
Pero bakit kahit pagsulong ang nais,
Ang mga paa'y tila nakapako sa lupa?
'Sing bigat nang asero ang mga binti at hindi maihakbang
Dahil ba mabigat din ang damdamin?
Walang mas bibigat pa sa dinadalang agam-agam,
Kaya hindi magawang umisod mula sa pagkakatulos.
Ako ay nalulunod sa mga pangamba;
Kumakawala mula sa dibdib ang mga oras.
Hindi maipon ang sunod-sunod na responsibilidad
Na kumakalawa dahil sa dami'y di magkasya sa palad.
Paano ko nga ba pupulitin ang mga natapon
Kung may laman ang dalawa kong kamay?













